Saturday, December 31, 2011

paputok

mga dapat sundin para hindi madisgrasya sa paputok:



1. 'wag kumuha ng naputukan na... baka mapikot ka.

2. alisin agad kung malapit nang pumutok.

3. kung naputukan na, dali-daling hugasan... baka madala pa sa hugas.

4. 'wag magpaputok sa mataong lugar... nakakahiya.

5. magtanong kung "safe" bago magpaputok. kung safe saka iputok.

maligayang pasok at maligo bago ibaon!







manigong bagong taon!

bugnot

kanya-kanya raw ang bawat tao sa paghanap ng salidahan ng halu-halong bagot, kabiguan at suliranin ng buhay at lahat na kaakibat nitong isyu. may mga indibidwal na sadyang may positibong pananaw sa buhay kaya madalas kaysa hindi, kinakaharap nila ang mga problema nang may ngiti pa rin sa labi. anu't anuman, bahagi ang pagkakaroon ng problema ng pagiging buhay sa lupang ibabaw. kung wala kang problema o di ka naiinip, di ka na naiba sa mga taong may sakit sa pag-iisip. isang indikasyon na gumagana pa ang iyong sistemang pisikal at mental kapag nararamdaman mo pa rin ang bigat ng pang-araw-araw na pamumuhay. siyempre, paano mo nga naman matatanto ang ligaya kung di mo alam ang salitang lungkot. sabi nga ni lola ko, ang mahalaga ay humihinga ka pa rin. lahat ay lumilipas, maging ang bawat pagsubok.

sa kabilang dako, may mga tao ring negatibo ang pagtanggap sa problema. paangil ang tugon sa kapwa dahil may pinagdaraanan o di kaya'y lungkut-lungkutan ang drama. mas malala pa rito, susumpungin ng bugnot at palalakihin ang tila wala namang kabagay-bagay na usapin. sa gayon, maibulalas ang naiipong pagkasiphayo sa kasalukuyang kalagayan. mauuwi ito sa pag-ungkat ng kung anu-anong malaon nang isyu at pagkatapos ng mala-teleseryeng balitaktakan, sigawan at litanya, di mo na mawawari kung bakit nangyari ang eksena. maaaring bunga ito ng prustrasyon sa kinahihinatnan ng kanyang buhay, problemang pinansyal o dala ng simpleng pagkapagal ng katawan sa tambak na gawaing pambahay. ngunit sabi ng marami, ang pagod na puso't isipan ang higit na nagbubulid ng salansang na gawi ng isang tao. magiging malubha ang negatibong gawi kung ang tao ay likas na may rebeldeng pag-iisip, sumpungin o nakagawian na niyang magalit sa mga taong nakapaligid sa kanya. maaaring nalimot lamang niya sumandali ang kanyang personalidad dahil sa kasalakuyang ginagalawan ngunit kapag nabugnot nang tuluyan ay magbabalik sa likas na salansang na pagkatao.

kung salidahan lamang ng prustrasyon ang hanap, maraming maaaring pagkaabalahan. kung walang pera, magtimpla ng kape't maupo ka sa harap ng iyong bahay at manood ng mga tao. tiyak na maaaliw ka sa paroo't parito ng mga taong may kanya-kanya ring problema at mga kakatwang nilalang ng zombieland. kung may naitabi at walang binabayarang araw-araw ang singilan, maaari kang mag-mall… malamig at maraming puwedeng gawin o mamasyal sa mga pampublikong liwasan. kundi naman kayang mamasyal, maano ba naman 'yung maglakad-lakad nang makapagbanat ng butu-buto. o baka naman kulang ka lang sa ligo? bagamat malamig ang panahon, para kasi sa maraming pinoy (kasama ako), ang simpleng ligo lamang ay sapat na upang umaliwalas ang pag-iisip.

higit sa lahat, pagtanggap at kasiyahan sa kung anong mayroon ka sa buhay mo ang pinakamaiging panlaban sa bugnot. di lahat ng taong isinadlak ang sarili sa putik ay nakababangon at nakasusumpong ng pamilyang patutuluyin ka sa kanilang tahanan at isa itong malaking biyayang dapat na ipagpasalamat. maaaring di na tulad ng dati ang iyong katayuan sa buhay. ngunit di ba dapat ay magpasalamat ka pa rin na kahit minsan sa iyong buhay ay naranasan mo ang maalwan na buhay? di naman kailangan ang limpak-limpak na salapi. hangga't may bubong kang titingalain at panlaban sa elemento ng panahon at kumakain ka pa rin ng tatlong beses isang araw, masuwerte ka pa rin sa higit na nakararaming tao sa mundo. kailangan lamang na baguhin ang pananaw sa buhay. di dapat maging mapaghanap.

alalahanin lagi… lahat ay napag-uusapan at ang bawat problema ay may karampatang solusyon. di na kailangan pang magpakabugnot at gumawa ng eksena upang makapaghatid ng statement.

Thursday, December 29, 2011

Wednesday, December 28, 2011

meryl streep



The Kennedy Center tribute to multiple Academy Award, Golden Globe and Emmy Award winner Meryl Streep featured Tracey Ullman, Robert De Niro, Mike Nichols, Kevin Kline, Emily Blunt, Stanley Tucci and Anne Hathaway.

MoMo

happy food. that's MoMo food!

you get to have the free delightful toasted bread with cheese pimiento for appetizer. we opted for an onslaught of some of the nicest 'comfort' foods we can think of. momo offers good value for your money and coupled with efficient service and nice ambience... momo is definitely one of my fave eatspots.






[thanks to mabel for the pics!]

Tuesday, December 27, 2011

le bistro vert

out on a date? pa-cutesy, getting-to-know dates? this place is your best bet. since the food prep takes a reaaally long time, le bistro vert is a good place for those conversations, whether intelligent or pretending to be one. just have some light snacks before heading to its flagship store in valero street, salcedo village, makati.

but if you're hungry and wanting to have something heavy and full-filling, avoid this place. food is good, but will definitely not give you the value one might be looking for.



[thanks to mabel for the pics!]

Monday, December 26, 2011

karoling

sabi nila, iba talaga ang pasko sa pilipinas. walang katulad, 'ika nga. bahagi nito ang pagbabahay-bahay na pangangaroling ng kung sinu-sinong grupo at mga batang paslit. ngunit sa pagdaan ng panahon, ang dati rating katuwaan ng magkakababata at karoling upang makapag-ambag halimbawa sa parokya ay unti-unti nang nagiging kasangkapan ng mga tamad magbanat ng buto at ang nais lamang ay magkapera sa madaliang paraan.

sa maraming pagkakataon, kasisimula pa lang ng disyembre, umpisa na ang sangkatutak na mga bata sa paglibot sa mga kabahayan. madalas kaysa hindi, patawad at kung anu-anong mga palusot ang sinasabi sa mga batang paslit sa tuwing titirada ng kanilang treydmark na kanta, "sa maybahay ang aming bati… meri krismas na 'mawalhati'…" pabalik-balik lang kasi ang mga ito at tila nagiging hanapbuhay na ng iba. maski pa sabihing barya-barya lang naman ang ibibigay sa mga ito, di magandang ang nagiging kahulugan ng kapaskuhan sa kanila ay "pagkakataon na upang magkapera" at dapat gawin ang lahat upang madapuan ng barya ang kanilang mga palad. nangaroling din ako n'ung bata ako. pero ito'y bahagi lamang ng laro at katuwaan namin ng aking mga kalaro noon. imbis na katuwaan lamang, nauuwi ang karoling sa maagang paghuhutok ng maling nosyon ng mga pinoy na "magkapera nang madalian sa anumang paraan". kapag inabutan ng piso, titigil na agad ang pasigaw nilang kanta… kakanta na ng "tenk yu, tenk yu… ambabait ninyo, tenk yu." sa gayon makarami pa at kapag wala nang nagbibigay, babalik sa bahay na nag-abot ng barya at titirada na naman dahil alam naman nila na di na sila sisinuhin. uulitin ang proseso hanggang lumalim na ang gabi.

ang mga grupo naman ng matatanda, a bente sais na, tuloy pa rin ang pangangaroling. di ba tapos na ang pasko 'pag ika-26 na? di mo tuloy mawari kung may pupuntahan ba talaga ang malilikom na salapi sa punyaging ito o ibubulsa lamang ng bawat miyembro ng grupo. ok ang ibang mga grupo na nangangaroling bilang bahagi ng isang mainam na layunin tulad ng pagpapakain sa mga batang kapuspalad o pagdaraos ng krismas parti sa bahay ampunan o bahay tuluyan ng mga matatanda. ngunit ang gawing hanapbuhay o pantawid-gutom ang pangangaroling ay sadyang balikong pag-iisip at di tamang halimbawa sa mga bata. katulad ng sa mga batang kalye, kapag inabutan mo ang mga ito ng bente pesos, katakut-takot na pintas pa ang aabutin ng may-ari ng bahay. di ba nila nawawari na may kanya-kanya ring suliranin ang bawat pamilya?

nang pumunta ako sa cebu nitong unang linggo ng disyembre, sa mga pampublikong bus naman ang modus operandi ng iba. rap ang himig ng pasko… dalawa lamang ang nangangaroling, tila kinopya ang tambalang boy pik-ap at boy bak-ap ng bubble gang. may sobre ring inililibot. pagkatapos ng di ko naintindihang pa-rap na karoling, titigil pa talaga sa tabi mo ang boy bak-ap para kunsensyahin ang bawat mananakay na "pangkain lang" ang kanilang pakay sa pangangaroling. bagamat walang panlilinlang sa ganitong paraan, di rin nila isinasaalang-alang na ang mga sakay ng bus na 'yun ay di rin naman nalalayo sa kanila sa katayuan sa buhay. higit na marami rito ay nangangamuhan din sa "ciudad" at uuwi sa malalayong bayan sa cebu upang magpalipas ng sabado't linggo.

oo nga't pagbibigayan ang tunay na diwa ng pasko. kaya naman mag-aabot ka pa rin kahit paano. subalit sa hirap ng buhay ngayon, di rin birong halaga ng barya sa mga bata at tig-20 pesos ang mag-abot sa mga may-edad nang nangangaroling. sa kabuuan ng mga nangaroling, marahil aabot sa 90 porsiyento rito, perwisyong tunay ang hatid sa mga may bahay. dilihensya at di paghahatid ng maluwalhating pamaskong himig sa bawat tahanan ang tanging layunin ng mga kakatwang pangangaroling. may mga tunggak pa na pangangatwiran ang ilan na kaysa naman daw magnakaw sila o mangholdap, mangangaroling na lang upang may maiuwi sa pamilya. sa muli't muli, mabilisang pagkakakwartahan pa rin ang iniisip. sa mga dupang na mga pulitiko dapat mangaroling ang mga ito… tutal naman kumakamada ang mga ito ng limpak-limpak na salapi mula sa kaban ng bayan. at dahil dito, dapat exempted mula sa mga perwisyong nangangaroling ang mga nagbabayad ng tamang buwis na tulad ko!

imbis na magsumikap at maging kontento sa anumang kinikita at unti-unting magpunyagi kapag may karanasan na, marami sa mga pinoy ang pinipiling samantalahin ang pagkakataon… maging ang pasko, upang magkapera. ang dapat sana'y pagdiriwang at pagsasama-sama ng pamilya at pasasalamat sa nagdaang 12 buwan ay tinutuos sa pamamagitan ng kung magkano ang laman ng iyong bulsa at mga bagong damit. tuwa at musika ang dapat na hatid ng mga himig pamasko… di dilihensya o instant kita. pinoy nga naman.

Friday, December 23, 2011

singapore



singapore just for business trip, but still had a chance to meet with good friends, momi ruth, kay and omar!

sitio de amor

sitio de amor, san pablo city, laguna.

BGC

the office moved to BGC in early november. while the daily commute is adding some unwanted years to all of the members of the team (hahaha!), the unobstructed view of bonifacio global city, as well as the laguna de bay in the far west, are some of the key perks of traveling all the way to this new business district. but that's just about it.

Thursday, December 22, 2011

manaoag

it was stormy weekend in pangasinan, so dad and i decided to go to manaoag, pangasinan for a quick sidetrip. above photos were taken in the basilica of our lady of the rosary of manaoag.

tambobong



stormy weekend in tambobong beach, dasol, pangasinan.

Wednesday, December 21, 2011

Tuesday, December 20, 2011

punta bunga


boracay's punta bunga beach... top of the pops! (",)

boracay

my third time in boracay. 'though i still enjoyed our 4 days there, i'd have to say this spot will be the last on my to-go list in the next 24 months as it's too crowded and commercialized (sign of aging!). (",)

buko

kapag HIPON ka, patapon ang mukha mo pero panalo ang katawan.

kung LOLLIPOP ka, patapon ang katawan mo pero panalo ang mukha.

kung patapon ang katawan mo at mukha, dapat BULALO ka... panalo ang utak.

pero kung patapon ang katawan, utak at mukha mo...

maging BUKO ka na lang...

malinis ang kalooban.

Monday, December 19, 2011

reefwalking

another year is about to end. all in all, it was eventful... lots of travels, both for pleasure and business. and because of that, a series of posts about these locations and travel experiences should be on the way! and it starts right now!

it's been one of those in water activities in boracay, so naturally, i also had to try reefwalking. and so i did. it was uncomfortable at first but once the fishes congregated around us, i completely forgot about the uneasy need of constant 'equalizing'. next to-do, please!

Sunday, December 18, 2011

jose manalo

pagkatapos ng delay sa flight dahil sa laging palpak na pal at di kaaya-ayang mga pinoy na receptionist sa m hotel anson road, singapore... isang libo't isang tawa ito dahil sa sugod-bahay gang nina jose manalo, wally bayola, paolo ballesteros at ang dabarkads ng eat bulaga sa studio (vic, joey, jimmy atbp)! panalo si jose bilang willie revillame!

Thursday, December 15, 2011

glorietta

dinner + coffee night with papa, tita, ate she, utoy, liz, waldy and izh!