pambansang bayani.
unang pangulo ng pilipinas.
dakilang pilipino.
eksakto ang
linyang ito ni shaw upang ilarawan ang pagka-amo ng lamanlupa. walang humpay
ang pagdududa, panghahamon at pagtutol nito sa mga lahat ng mga bagay. kagaya
ng isang baboy sa putikan, ramdam ang pagkalugod nito sa pakikipagbuno sa lahat
ng mga kapangkat. di ako magtataka kung isa-isang magsialisan ang mga taong ito
sa nalalapit na mga araw.
pero hindi.
sang-ayon sa klasikong lamanlupa, ipinipilit pa rin nito na gawin ko ito sa
disyembre. kesyo di pa raw handa ang napili niyang gumawa nito sa marso at
magkaiba raw ang aming istilo sa pagpe-present kung kaya’t kailangang gawin ko
pa ito sa huling pagkakataon. may mga pambobola pang komportable raw sa akin
ang mga bumili ng datos kaya dapat pang muling danasin ang matinding istres.
depensibo pa
kasi noong unang bahagi ng pagtasa. kesyo binak-apan daw ang mga pigurang ‘yun ng
malaking tao at maliwanag daw ang ekspektasyon maski berbal lang ang mga ito.
kahit na nga mabababa ang karamihan ng mga marka, wala akong ni isa mang
hinamon sa mga ito. para sa akin, kung ‘yan ang pagtingin mo, eh di ‘yan na ‘yan.
ngunit dapat ding kinilala ng dokumentong iyon na walang anumang pagtasa at pagse-set
ng mga target na naganap sa nakaraang taon. wala kasi ni isa man lang na
banggit dito sa kabuuan ng excel na ‘yun. nagpatuloy sa mga blah blah hanggang
ibigay sa akin ang pagkakataong magsalita. at sinimulan ko ito sa pagsasabing
nais ko na ngang umalpas. ang pagkapanghal ng aking isipan at bigat ng batok
ang nangunguna sa lahat ng salik sa desisyong ito. di naman kataasan ang sahod
upang masabi na may pantubos sa lahat ng di kailangang istres. at ito na nga
ang naging hudyat ng dagling pagpapalit ng panahon. bigla-biglang naging kordyal
at di mapanghamon. nagpatuloy ang di natural na pagiging grasyoso hanggang sa
mga sandaling ito.
sa pamamagitan
ng kawntdawn, humuhupa maski paano ang istres ng dulot ng lamanlupa. kapag
sinasabi mo na “dalawang araw na lang” o kaya ay “miyerkules na”, may kung
anong ginhawang dulot sa pakiramdam. nakahihinga ng maluwag kapag napapaalala
sa iyo na malapit na ngang magwakas ang nakapapagod na araw. naiibsan din ang
bigat sa dibdib sa tuwing maiisip na malapit ka na sa dulo ng
nakapagpapatandang gawain o kabuuang trabaho. pinatutunayan ng kawntdawn na
matatapos din ang pagdurusa. sabi nga nila, wala namang permanente sa mundo,
maging ang istres o paghihirap. salamat sa kawntdawn. kundi ko siguro iniisip
na lilipas din ang paghihirap ay matagal na akong inatake sa puso.