Saturday, December 28, 2013

pasko pasko!

di gaanong malamig ang simoy ng hangin ngayong disyembre. umulan pa nitong mga nakaraang araw. pagbabagong-klima nga ang dahilan. ngunit di nito napigilan ang masayang salu-salo sa amin sa novaliches. bukod kay izhi, lahat ng bata ay nasa hayskul na kaya naman umaatikabo ang asaran at tawanan. isama mo pa ang di magkamayaw na mga hirit ni ate she, tita, kuya bob at liz. siyempre, niloloko rin namin si papa! haha! 

may caldereta ni tita, nag-ispageting pangmayaman naman si kuya bob, may fruit salad si ate she,may mango float si liz, may lechon kawali at fried chicken. ayos ang buto-buto! alas-10 pa nga lang, pumapalok at kumukurot na sa lechon kawali eh. kaunting kape lang at nag-alas dose na rin. bigayan muna ng kaunting mga regalo bago nagsikain. siyempre, tuloy-tuloy din ang hiritan, lalo na kapag nagsasalita si luis! gising pa ang lahat hanggang alas-3 dahil sa mga tawanang ito. salamat kay ate nice para sa mga piktyur na ito.

salamat Po sa biyayang hatid ng pamilya.

planner

di naman ako maka-starbucks talaga. mas gusto ko sa coffee bean and tea leaf. pero dahil nasimulan na ang koleksyon ng sticker para sa 2014 planner, tinuloy ko na. nagkaroon ako ng mga sticker dala ng mga meeting kasama ng philippine team. wala akong balak bumili ng kape kaya hintay-hintay lang kung sino ang bibili, baka sakaling maambunan ng tatak. suwerte namang dumating si det sa get-together kasama ng mga ex-idcers sa cafe juanita. binigay sa akin ang card niya at boom! biglang 3 stickers na lang ang kulang para makakuha ng planner. isa pang meeting at naging isa na lang ang kakailanganin. at dahil isa na lang naman ang kulang, bumili na ako ng christmas blend.

oo. isang tall hot peppermint coffee lang ang binili ko para makasungkit ng planner ng starbucks. di gaya ng mga nagdaang taon na halos 6 hanggang 10 ang kailangan kong bilhin para mapunuan ang card. bakit ba kasi ako bibili kung may ibang paraan naman di ba?! bibili ako ng tea latte ng coffee bean o kaya sa chatime. hehe!

siyempre kailangan kong banggiting tumpak ang spelling ng pangalan ko! madalas kasi kaysa hindi, laging mali ang ispeling 'pag bibili ako sa starbucks. nandiyang maging jobert, hubert o kaya joebert. minsan pa nga ay rupert! di ko alam kung mahina ako magsalita o di maintindihan ang pangalan ko pero talagang laging natataon na 'pag sa starbucks ay mali ang spelling ng pangalan ko. katuwa na magkaminsan ay may tama rin sila! haha!

panahon na para maglagay ulit ng tanda sa mga key dates ng 2014. happy new year!

Friday, December 27, 2013

peaches

must love cats! yup, this is the newest craze in our nova home. seems like the time of ming gie sue and baby boy are here again... with peaches and her new litter, plus her older daughter, cherry pie. :)

torta

before boarding the bus to bato, i had heavy breakfast at apple tree. so when i reached argao in cebu around noon, i was still full. i then walked around the town's heritage plaza before asking someone where's the best torta in town. i first asked a teener and she said it's chitang's. i then asked a tricycle driver and he also mentioned chitang's. so off i went to chitang's! 

la torta de argao from chitang's is such a wonderful treat! they said that its distinct taste is due to bahalina or tuba. it is spongy but with smooth texture and has since become synonymous to argao. they even hold torta festival annually. till next time, argao!

Thursday, December 26, 2013

purple oven

pagkasarap-sarap ng chocolate campfire cake mula sa purple oven! tamang tamis at walang nakauumay na lasa. maski simpleng cookies o lemon square, sadyang walang sabit ang bakery na ito. kaya siguro sa kanila nga nagpapagawa ng mga cheesecake ang starbucks. 

cake ba 'ika mo? purple oven na agad. sa susunod ay 'yung sans rival naman.

Wednesday, December 25, 2013

caldereta

ano nga bang mayroon ka?
bakit ganoon na lamang ang iyong panghalina?
o caldereta!

dahil ba sa anghang?
dala ba ito ng napakalambot mong karne?
o caldereta!

bunga ba ito ng malinamnam mong sarsa?
dahil ba sa sahog mong patatas at carrots
o caldereta!

kung anuman 'yun, salamat kay tita.
lalo pang sasarap kinabukas at sa susunod pang mga araw.
'yun ay kung may matitira pa.

oras na ng ating muling pagtutuos.
o caldereta!

Monday, December 23, 2013

da best

da best ang pasko 'pag kasama ang pinaka-da best na mga kaibigan! 

salamat kay jake sa mga piktyur na ito dahil di naman kami masyadong nagpiktyur ng buong gabing ito. mas busy kami sa pagkain, sa kuwento at tawa. at siyempre ang walang patumanggang pagbi-videoke hanggang alas-5 ng umaga! oo, nagsimula kaming kumanta bandang alas-10 at one-to-antok na ito hanggang sumikat nang muli ang araw. ayaw pa kunwari n'ung una pero di na tumigil buong madaling-araw. hehe!

salamat sa aming magiliw na host(ess) na si pops. may pasta, cake, buttered tiger prawns, pandesal, gourmet tuyo, samgyupsal at rice wine! 

sa susunod na kabig ulit, aking mga kaibigan!

aced

who is strongest? 
who is the best?
who holds the ace?

air of spontaneity.
a gimmick they employed.
it was like jumping on a trampoline.

unreturned serve in tennis.
a team's best starting pitcher.
aced it!

Saturday, December 21, 2013

sariwon

my first time in sariwon korean barbecue last night. it was our pre-christmas vacation dinner and again, to while away time to avoid the christmas rush in BGC and ayala. the food is great but on the pricey side. medyo bitin sa galbi but the bulgogi was nice. happy christmas!


[photo taken from ivy's instagram account. thanks, ivy!]

Monday, December 16, 2013

klenk

that klenking sound...
that racing car...
bacolod it is.

Tuesday, December 10, 2013

secret beach

my new favorite place on earth!


Monday, December 2, 2013

montalban

muntik ko nang malimutan ang montalban. 
ang bulubundukin nito.
mabato.
pero di naman masukal.
di rin maalikabok.

sa katunayan, kaaya-aya ito.
may kung anong payapa.
mabato.
masagana ang daloy.
tatalon tayo ulit.

Sunday, December 1, 2013

acceptance

Acceptance doesn't mean resignation; it means understanding that something is what it is and that there's got to be a way through it. - Michael J. Fox

My happiness grows in direct proportion to my acceptance, and in inverse proportion to my expectations. - Michael J. Fox. 
 
Acceptance of what has happened is the first step to overcoming the consequences of any misfortune. – William James

Happiness can exist only in acceptance. – George Orwell



The Serenity Prayer

God grant me the serenity
to accept the things I cannot change;
courage to change the things I can;
and wisdom to know the difference.

Living one day at a time;
Enjoying one moment at a time;
Accepting hardships as the pathway to peace;
Taking, as He did, this sinful world
as it is, not as I would have it;
Trusting that He will make all things right
if I surrender to His Will;
That I may be reasonably happy in this life
and supremely happy with Him
Forever in the next.
Amen.

–Reinhold Niebuhr