Friday, July 24, 2015

Pangulasian

Every time I stand before a beautiful beach, 
its waves seem to whisper to me: 
If you choose the simple things and 
find joy in nature’s simple treasures, 
life and living need not be so hard.  

- Psyche Roxas-Mendoza, 
my former PR professor, College of Mass Communication, UP Diliman. 

photo taken at Pangulasian Island, El Nido, Palawan. happy friday!

Wednesday, July 22, 2015

Boracay

one of the best sunsets in the world! #Boracay

galadriel

i still haven't seen the hobbit: the battle of five armies yet... but this scene, where galadriel battles sauron plus saruman and elrond fighting off sauron's devoted servants, sure made me want to see the trilogy in one seating!


Monday, July 20, 2015

10,000 taon

bunga ng masukal na dalitan sa bundok, kinaladkad ang sarili pabalik sa pamilyar na sentro ng kalakalan sa bansa. luminga-linga at naisip na sumubok ng bago sa santuaryo. lumipat daw kasi rito ang 10,000 taon. baka mas ok at malapit lang sa kalsadang ipinangalan sa iba't ibang mga puno. tambilangan paroo't parito pero napakaraming tanong at higit sa lahat may kagat ang fiyat. parang lugi yata. ngunit nanaig ang kalam ng sikmura… maraming tao ang may malalim na takot sa pagkagutom kung kaya nagpatianod na lang. pikit-matang tinahak ang dako pa roon, bukas ng pinto sa europa at naisyuhan ng oda, sabay tambilangan ng numero nito.

ilang minuto lamang ang lumipas at tumunog na ang kapizili. nariyan na raw ang aking pagkain… ito pala ang pagbati sa emperador. di gaanong matayog pero may angking tamang kabulugan at ngislak ang tangan. sevimli, ito ang unang intiba. unang tanong ay paano raw nalaman ang 10,000 taon… saang peryodiko raw nanggaling ang impormasyon. tunggak na tanong… mayroon pa ba ngayong wala sa midya? siyempre wala… wala nang ligtas sa epekto ng pangatlong plataporma.

at ito na nga… simula na ng harina. dovadova rito, dovadova roon. walang gaanong palabok na pampaalsa pero maganda ang lagihay at lagutukan. pagkatapos nito ay kaunting regatearan… bago ito ha pero wala namang kabuwisitang dulot. palpak ang gripo sa kainan, itatawag pa sana pero sumige na nga kasi nasa eiliad na. buminmek na ang 10,000 taon… sapul na sapol ang kuwing. walang pakundangan at pumasada nang pumasada. lumantak nang lumantak. nipa kung nipa. degmek kung degmek kasama ang lisan. akala'y walang maaasahang sirik pero sumisilakbo rin pala. at gibi ang bas lalo na nang malapit na ang rurok ng sulak. gumiri nang matindi at yupmapak ang ipong sut. sapat ang onsa. o anong lirip!

pinatapos pa… balik sa nipa at degmekan. medyo matagal nga kasi pero ok lang daw. sambulat at natighaw ang kagutuman. salamat. literal na kahulugan ay 10,000 taon… pagbati na ang kahulugan ay mabuhay at mahabang buhay para sa emperador.

Tuesday, July 14, 2015

matalino dapat

"o eh di ikaw na!" "ikaw na ang maraming alam!"


ilan lamang ang mga ito sa palagiang maririnig sa mga pinoy sa tuwing may magpapamalas ng katalinuhan o magbibigay ng opinyon sa mga bagay-bagay. tila ba kasalanan ang maging magaling at matalino o maski ang katumpakan sa mga bibitiwang pangungusap, opinyon man ito o impormasyong galing sa paktwal na batayan. mortal ngang pagkakamali ang pagiging magaling… kung kaya't may konsepto tayo ng "magmagaling" o "maggaling-galingan". nakahihiya na yatang maging matalino o intelektwal sa panahon ngayon.

pero bakit nga ba ganoon ang mga pinoy sa ngayon? para sa akin, bunga ito ng bagong katatawanang dulot ng pagsikat ng mga gaya ni vice ganda at marami pang mga komedyante. sa kanyang pambabarang pagpapatawa, nagkapangalan si vice ganda sa pamamagitan ng paghirit ng "o eh di ikaw na" sa lahat ng pagkakataong maaari niya itong isingit. sinundan pa niya ito ng hirit na gaya ng "o eh di wow", bilang pagpapahayag ng negatibong damdamin (kahit na patawa) sa anumang magaling na sinabi o ginawa ng iba. repleksyon ito ng tinatawag na smart-shaming o ang pagpapahiya sa mga matatalino. siyempre pa, higit na malalim na usapin dito ang tila pagtataas ng kilay ng mga pilipino sa pagiging intelektwal o anumang gawaing nagpapakita ng katalinuhan o pagiging paham sa anumang disiplina.

sabi ng artikulong ito, mauugat ito sa konseptong taal sa mga pinoy, ang kapwa. ugali ng mga pinoy na makibagay o makipagkapwa sa nakararami. dahil sa kolonyalismo, natimo sa isipan ng maraming salinlahi na iwaksi ang anumang impluwensya ng mga mananakop, kasama na ang pagiging intelektwal dahil naging katumbas nito ang pagiging elitista o nakatataas sa lipunan. siyempre mas marami ang mahirap sa lipunan at kapag pumasok ang pakikipagkapwa ng mga pinoy, mag-iiba ang tingin sa sinumang matalino o edukada. kaya ayun, bahagi na ng bagong kulturang pinoy ang pahiyain o gawing katatawanan ang pagiging intelektwal.

maaaring sabihin ng iba na "eh ano naman ngayon". bakit kailangang problemahin ang umiiral na pagtingin sa katalinuhan… katatawanan lang naman ito at di dapat seryosohin ang mga tulad ni vice ganda. pero hindi. ang maling pagtingin sa pagiging intelektwal ay nauuwi sa pagwawalang-bahala ng mga kabataan ngayon na magsunog ng kilay at buong giting na isulong ang punyaging maging matagumpay sa anumang akademikong disiplinang maaari nilang piliin. dahil sa hiyang idudulot na pagiging matalino, tila hindi na "cool" ang umani ng medalya o magkamit ng pinakamataas na gwa sa kasaysayan ng UP. itinutulak nitong maging kampante ang mga estudyante at piliing maging "isa" na lamang sa karaniwan pero kasama ng mga nakararami. kasi nga, mas mahalaga sa mga pinoy ang kapwa at maging bahagi ng higit na malaking pulumpon ng mga tao. kahit na nga ang kapalit nito'y kalimutan ang pagsusumikap na maging magaling o makamit ang pinakamataas na kahusayan o kasanayan. isa rin itong malaking salik kung bakit bibilang pa ng taon bago manalo ng gintong medalya ang pilipinas sa olimpiyada.

sabi nga ni madrazo-sta. romana, pantastiko ang konstrakt ng kapwa. ito ang humuhugpong sa bawat isang pilipino bilang isang lahi. ngunit dapat itong kasangkapanin upang pagyamanin at payabungin ang bawat isa… hindi upang magpalaganap ng tunggak na pagtingin sa isang bagay na positibo tulad ng intelektwalismo at pagsusulong ng pagiging magaling at katalinuhan. dapat na ipagdiwang ang ekselensya at ang akademikong pagsasanay kasabay ng iba't ibang uri ng katalinuhan sa palakasan at arte. ito ang isa sa mga unang dapat na pag-ibayuhin upang maging matagumpay ang pilipinas bilang isang bansa.

Wednesday, July 8, 2015

walk the moon

#Songoftheweek
:)



"Shut Up And Dance"

"Oh don't you dare look back.
Just keep your eyes on me."
I said, "You're holding back, "
She said, "Shut up and dance with me!"
This woman is my destiny
She said, "Ooh-ooh-hoo,
Shut up and dance with me."
We were victims of the night,
The chemical, physical, kryptonite
Helpless to the bass and the fading light
Oh, we were bound to get together,
Bound to get together.

 
She took my arm,
I don't know how it happened.
We took the floor and she said,

 
"Oh, don't you dare look back.
Just keep your eyes on me."
I said, "You're holding back, "
She said, "Shut up and dance with me!"
This woman is my destiny
She said, "Ooh-ooh-hoo,
Shut up and dance with me."

 
A backless dress and some beat up sneaks,
My discothèque, Juliet teenage dream.
I felt it in my chest as she looked at me.
I knew we were bound to be together,
Bound to be together

 
She took my arm,
I don't know how it happened.
We took the floor and she said,

"Oh, don't you dare look back.
Just keep your eyes on me."
I said, "You're holding back, "
She said, "Shut up and dance with me!"
This woman is my destiny
She said, "Ooh-ooh-hoo,
Shut up and dance with me."

Oh, come on girl!

 
Deep in her eyes,
I think I see the future.
I realize this is my last chance.

 
She took my arm,
I don't know how it happened.
We took the floor and she said,

 
"Oh, don't you dare look back.
Just keep your eyes on me."
I said, "You're holding back, "
She said, "Shut up and dance with me!"
This woman is my destiny
She said, "Ooh-ooh-hoo,
Shut up and dance!"

 
"Don't you dare look back.
Just keep your eyes on me."
I said, "You're holding back, "
She said, "Shut up and dance with me!"
This woman is my destiny
She said, "Ooh-ooh-hoo,
Shut up and dance with me."

 
Ooh-ooh-hoo, shut up and dance with me [x2]

Wednesday, July 1, 2015