Friday, September 23, 2016
walang isyu
kapagod eh,
napakaraming isyu.
kada palit ng kwarter,
laging may isyu.
kesyo ganito,
kesyo ganoon.
daming cheche,
daming bureche.
daming panahon,
wala na bang iba.
di ba tayo abala,
wala na bang may kapararakan?
kaya naman sana'y wala na muna,
wala na munang isyuhan.
kaya naman nating walang isyu,
walang pampagulo.
'yung malagihay lang,
'yung walang drama,
'yung masaya lang,
'yung walang isyu.
napakaraming isyu.
kada palit ng kwarter,
laging may isyu.
kesyo ganito,
kesyo ganoon.
daming cheche,
daming bureche.
daming panahon,
wala na bang iba.
di ba tayo abala,
wala na bang may kapararakan?
kaya naman sana'y wala na muna,
wala na munang isyuhan.
kaya naman nating walang isyu,
walang pampagulo.
'yung malagihay lang,
'yung walang drama,
'yung masaya lang,
'yung walang isyu.
Tuesday, September 20, 2016
Hulugan Falls
hulugan na, tapos falls pa. talaga namang hulog na hulog ka na!
ito ang "fallin for you" trip ng taon.
Hulugan Falls
Luisiana, Laguna
February 2016
ito ang "fallin for you" trip ng taon.
Hulugan Falls
Luisiana, Laguna
February 2016
Friday, September 16, 2016
Coron
Life is better at the beach... especially when your favorite teams both lost in 5 sets.
Coron, Palawan.
Sometime ago.
Coron, Palawan.
Sometime ago.
Thursday, September 15, 2016
Wednesday, September 14, 2016
Monday, September 12, 2016
Magellan's Cross
"There's always something new even in familiar places."
Trip to Cebu, September 2016.
Magellan's Cross, Cebu City
Trip to Cebu, September 2016.
Magellan's Cross, Cebu City
Saturday, September 10, 2016
terra
ang natatanging anak
ng kabinayan ay walang pagsidlan ang kahayupan! talaga namang isinasabuhay nito
ang pagiging isang tunay na taong di mo nanaising maikabit sa iyong pangalan.
sa likod kasi ng mabini kunong pabalat ay mayroon itong maitim na balaking
palaparin ang papel. tulad ng malakawang hilatsa at panlabas nitong kaanyuan,
tila uling itong di mo nanaising madampian sa anupamang panahon.
bunga ito ng inggit.
aminin man nito o hindi, ang isang ito ay nagnanais na sana'y maramdaman siyang
muli sa himpapawid. ngunit ang di nito batid ay damang-dama siya!!! ngunit
ito'y presensyang walang may nais. ni hindi siya nais sabayan sa anupaman. kailan
kaya niya mababatid na ang mga hakbanging ito ay lalo lamang sa kanya
nagpapaitim?
kapag napasaiyo ang
isang kimpal ng terra, tayuan mo na rin ng iyong bantayog. bubungan mo ito at
dito ka na tumira. at sana'y manatili ka na rito. pakiusap ng marami.