Thursday, August 31, 2017

Boracay

the bamboo, the beach, the boy.

White Beach, Station 1, Boracay
Malay, Aklan.
August 2017

Wednesday, August 30, 2017

jon snow

great video on jon snow, ned stark and catelyn stark. #gameofthrones


Tuesday, August 29, 2017

Monday, August 28, 2017

tokhang

sa loob lamang ng isang taon, tila isang kabanata ng game of thrones ang nasaksihang pagdanak ng dugo ng sangkapilipinuhan. kaliwa't kanan ang pagpatay sa mga pinaghihinalaan pa lamang na sangkot sa droga at mayroon ding mga 'ika nga ay medyo malalaking isda, tulad ng mayor ng lungsod ng ozamiz, na diumano'y nanlaban kaya't pinatay, sampu ng kanyang asawa at kamag-anakan. marami ang walang habas at parang hayop na kinitlan ng kinabukasan dahil lamang sa sumbong ng sinuman. mas masaklap, pati ang mga menor de edad na katulad ni kian loyd delos santos ay walang awang sinaktan, tinakot, pinagkaisahan, pinreym ap sa pamamagitan ng pag-abot ng baril at sapilitang pagpapatakbo rito, pinagmukhang nanlaban at saka pinutukan ng baril sa ulo ng tatlong beses. pinatay ang bata, ni hindi pinakinggan ang mga hiling nitong "tama na po, may test pa ako bukas."

pare-pareho ang iskrip dito. may nagsumbong… ni walang anumang matamang pagsasaliksik, at ang tip na ito ay sapat na upang isagawa ang operasyon. magkaminsan ay may mga pahaging tulad ng ginawa sa pinsan ng isang dating kaopisina. binigyang-babala ito sa pamamagitan ng pambubugbog dito sa loob ng sariling tahanan at sinabihang babalikan ito. nang bumalik na nga ang mga kawatang alagad ni duterte, walang awang pinatay ng mga ito ang lalaking nag-adik minsan ngunit di raw nadawit sa pagtutulak ng droga kailanman. nanlaban umano ito at sinubukang agawan ng baril ang mga pulis na nakasibilyan. ngunit ang totoo, pawang mga daing ng taong wala nang lakas dahil sa bugbog at pananakit at ang paninikluhod sa mga alagad ng demonyong "tama na, sir. tama na po." kinaladkad sa labas ng bahay patungong kalsada, tsaka muling pinutukan ang wala nang buhay na katawan nito.


sa samu't saring mga kasong ito, iisa lamang ang higit na malinaw, walang tunay na malaking isda ang nasabat ni duterte at ng kanyang mga minamahalagang kapulisan. pawang mga mananakbo o pinaghihinalaang mga tulak lamang ang napatumba – lahat mahihirap. ni walang operasyon sa mga mararangyang mga lugar sa kamaynilaan… maniniwala ka bang walang droga sa mga eksklusibong mga subdibisyon? wala ring mga tsino o mga dayuhang nadadawit sa oplan tokhang ni duterte. walang mga dayuhang sa mamahaling mga paupahan mismo nagpapabrika ng droga o ng mga miyembro ng malakihan at pandaigdigang mga sindikato ang nabalitang napatay. ni 'yung mga naghahanap ng mga mulo sa mahihirap na lugar, wala ni isa man lang ang nadakip.

bakit? dahil puro yabang at harabas na pamamaraan ang ginawa ni duterte. ngayon, siya na mismo ang umaaming minaliit niya ang problema at nagkamali sa mga hakbang at ituloy ito sa pag-iisip na "kung ano ang nangyari sa davao ay maaaring magawa sa pambansang lebel". wala kasi siyang ginawang anumang pagsasaliksik at tamang pagtataya. marami na ang nagsabi, hindi ito magagawa ura-urada, lalo na't naglipana ang marurumi at buktot na mga pulis. isama mo pa ang mga pulitikong nagkakanlong sa mga malalaking sindikato. kaya nga, lumusot ang ismagling ng tone-toneladang shabu sa kawanihan ng adwana. sala-salabid ang ugnayan dito, mula sa mga pulis, sa mga nasa posisyon, sa mga distribudor at maging sa mga taong nakapaligid mismo kay duterte. kung pinag-aralan sana muna nilang maigi, inisa-isa ang mga buhong bago nagpadanak ng dugo, mas maigi sana ang resulta. pero hindi, inisip ni duterte at mga pulis na sapat na ang pananakot, pambibintang at pagpatay sa mga mahihirap upang masawata ang problema sa droga. ni hindi pinag-aral nang mabuti ang mga pulpol na pulis! sa pilipinas mo lang maririnig na ang mga pulis ay dumedepende sa impormasyon sa social media upang masino ang mga sangkot at hindi.

hangal din si duterte upang bigyan ng kota ang mga pulis… mas maraming nailigpit na mahihirap na tulak (kuno), binibigyang-insentibo ni duterte ang mga ito. di man lamang inisip na sa hanay mismo ng kapulisan, marami ang sangkot kaya't malamang na protektahan nito ang kanilang mga sarili. sa hakbang na ito, ginawa ni duterte na singkaraniwan na lamang tulad ng pagsakay sa dyip ang ekstra-hudisyal na pagpatay. binigyan nito ng delikadong kapangyarihan ang mga pulis na basta na lamang pumatay ng sinuman nang walang kapararakan, o anumang batayan o paglilitis. at ang lahat ng ito ay sa unawaang wala rin silang pananagutan sa batas maski pa murder ang kanilang ginawa.

sa paniniwalang paglikida at walang habas na pagpatay lamang ang tanging paraan, kinakayod ni duterte ang hiblang moral ng sambayanan. sadyang itinitimo sa mga murang isipan na ok lamang pumatay kahit walang anumang sirkumstansya at kapag ginawa mo ito, wala kang kailangang panagutan sa batas.


ano pa bang alam ni duterte? bukod sa di naman mapagtatagumpayang kampanya laban sa totalmenteng pagsawata sa droga, ano pa kaya ang balak gawin ni duterte? bukod sa pagpupumilit na iupo si bongbong bilang bise presidente, ano pa kayang aatupagin ni duterte? ngayon, lalong mas nagiging klaro ang mga bagay-bagay. walang anumang pambansang pananaw ang iniupo ng 16 milyong pilipino nitong nakaraang panahon. wala itong anumang balintataw bukod sa droga. may mayopya si digong at tanging ang mga bagay na may kinalaman sa droga lamang ang pumapasok sa kukote nito. wala itong anumang balaking pag-igihin ang kabuuan ng bansa sa lahat ng aspeto dahil itinulak lamang siya ng mga taong may maitim ding balak. batid niyang nabibilang na rin ang kanyang araw. sinisingil na siya ng mga nagpabaha ng salapi upang siya ay manalo. naiinip na ang mga buktot na maupo sa tabi at nais na nilang pumaimbulog. sampu ng mga bayarang hukbo ng mga troll, pang-action star at buong pahimakas pa rin nitong pinangangalandakan ang bara-bara at wala sa hulog na mga gawi nito.

malayo sa paglimi ng mga bumoto sa kanya, hindi naiba si duterte sa mga trapo. isinasabuhay nito ang matandang uri ng pulitika sa pilipinas, ang patronisasyon at pangangalaga sa sariling interes, hindi ng lipunan. oo nga't mukhang wala pang naipipintas sa kanya sa anumang porma ng kurapsyon, di ito nalalayo dahil na rin sa di pa nakakalkal na tagong yaman nito. sa oplan tokhang, marami ang nagbubunyi. pero sapat na ba ito upang ideklarang hulog si duterte ng langit? hindi. at hinding-hindi. wala itong pinagkaiba sa mga isinusukang mga pulitiko ng mga nagdaang panahon. sa tinatakbo ng panahon, hindi tumatagal ang mga malilinis na mga personalidad na gaya ni judy taguiwalo at gina lopez sa poder ni duterte. pinatatalsik ang mga ito ng mga pinagkakautangan ng loob ni duterte. naiiwan ang mga di mapagkakatiwalaang tulad nina salvador panelo, jose calida at vitaliano aguirre; balimbing at oportunistang gaya ni alan peter cayetano; mga tagapagpakalat ng mga mali at gawa-gawang impormasyong gaya ni mocha uson (dapat sunugin ito sa plaza); at ang nakalulungkot, kinakain na ng sistema ang mga dati nama'y may sustansyang mga indibidwal tulad ni koko pimentel (na tila sindunong na lang ni manny pacquiao kung mag-isip at magsalita) at martin andanar (na isang tau-tauhan na lamang ng mga gaya ni mocha, gayong ok na journo dati).

naka-isang taon na. wala pa ako nadaramang tunay na mahusay na ginawa ni duterte. nawa'y magising ito mula sa kanyang kamalian at mula sa bangungot na ito ay maunawaan niyang wala na siya sa malagihay na pamamalakad ng isang lungsod.

Saturday, August 26, 2017

Thursday, August 24, 2017

shangri-la boracay

it is one of the five-star hotels in the country and boasts of excellent service, shangri-la boracay is actually a nice place, luxurious and well-appointed. the rooms are very nice and spacious, wifi connectivity is reliable, fantastic and relaxing views and the amenities are top-notch. one feels welcome and at home, starting with the airport transfer and the ferry service going to punta bunga beach. during our stay, several staff provided fantastic service, specifically lyndon, who works at the sagana ballroom, apparently is on duty starting from 7 am till 10 pm (isn't 15-hour workday a form of forced labor already?!).


however, all the great things about our stay were wiped away as the rains got stronger last monday. we were clear that we wanted to go to d mall and catch the 2 pm shuttle to go there since we're transferring to another hotel for an extended 1-night stay in the island. but to my horror, our luggage were loaded on the van going to the boat that ferries people to caticlan. no one checked on this until i noticed that the van left without us and immediately flagged the men behind the counter. because of this mishap, we had to wait for 1.5 hours for our luggage and finally be boarded to the correct van.

to make matters worse, nothing was done to check or even offered by the concierge during this long wait. not even water to drink or anything to get the problem addressed in the most immediate manner, while it was clear that we were already waiting for quite some time. if we had not followed up, no one would have even bothered to check whether the luggage were brought back or whether we can get to the next shuttle leaving for d mall.

to set things straight and clear, i'm not ranting because i just want to rant nor i'm after some things shangri-la can offer. no, it's not that. the expectation is higher since shangri-la prides itself of "paradise experience" and that means everything will be seamless and hassle-free. shangri-la also swanks about "being able to anticipate the needs" of their guests. but in this case, it was clearly not. the poor luggage and concierge service this time made me doubt shangri-la's "paradise experience". it was not a great way to end a supposedly nice stay. it dampened our mood and we could have stayed in the pool area longer had we known that we'd be forced to wait that long.

this experience made us think that this maybe the situation since we haven't chalked up enough nights yet to deserve a very good overall customer experience from shangrila... selective in that sense? i don't know. but i do hope that they do not discriminate against non-VIP clients such as myself and my colleague and i'd like to think that what we went through was just an honest mistake.  

for all i know and expect, this feedback will fall on deaf ears and a big elephant like shangri-la won't even bother to send any message to "justify" my comments. a guest who stayed there for just 3 nights in 2015 and another 3 in august 2017 is by no means any reason to lift a finger. this when compared with the overflowing praises the hotel gets… heck, even i showered them with positives during my first stay.

anyway, there are other hotels and resorts to look at in boracay. some 3-star hotels also have fantastic, personalized and more of a local "bisita" service. one does not have to go splurge on a PHP 20k/ night stay and receive sub-par service.

till next time, bora! and i hope that i won't have to go through another "un-shangrila" experience!

Monday, August 21, 2017

Hijo de Puka

Hijo de Puka.


Puka Beach, Yapak,
Boracay, Malay, Aklan.
August 2017.

Meryl Streep

some of meryl streep's bravura performances in the aughts!

adaptation:


the hours:


the manchurian candidate:


a prairie home companion:

the devil wears prada:


lions for lambs:


mamma mia:

doubt:


julie and julia:

it's complicated:

Saturday, August 19, 2017

Banyugan

And we see each other again.


Banyugan Beach, Shangrila-Boracay,
Yapak, Boracay, Aklan,
August 2017.

Thursday, August 17, 2017

Sibang Cove

The orle of paradise.
- Call Me By Your Name.


Sibang Cove, Calayan Island, Cagayan.
March 2017

Wednesday, August 16, 2017

Aiza Maizo

one of the very best volleyball players and one of my favorite athletes, aiza maizo-pontillas!!


Sunday, August 13, 2017

game of thrones

fantastic game of thrones vid, via vanilla ice's ice ice baby!



Wednesday, August 9, 2017

Pangulasian

On this island, no bigger on a map than a grain of sand...
- Miss Peregrine's Home for Peculiar Children


Pangulasian Island, Bacuit Bay,
El Nido, Palawan.
Sometime ago.

Monday, August 7, 2017

Biliran

You will become like a waterfall, a volley of bullets - you will all surge in the same direction at the same pace toward the same direction.
- All the Light We Cannot See


Ulan-ulan Waterfalls, 
Naval, Biliran.
Sometime ago.

Wednesday, August 2, 2017

Olenna Tyrell

awesomely superb, bitchily barbed, devastatingly wicked, piercingly thorned and cunningly epic  way of sendoff!! bravo, lady olenna tyrell. she's easily one of the best characters in television history, up there with the dowager countess violet crawley.