Friday, November 19, 2010

saddle

may balak kaming bumalik sa sagada ngayong disyembre. at dahil sa lumalaming nang panahon at kagustuhan kong makita at maranasang muli ang bulubunduking halina ng sagada, heto muna ang mga larawan sa aming lakad (literal na lakaran) sa barangay batad, banaue, ifugao.

tagtag ang puwet ng sinuman sakay ng jeepney, paakyat sa bukana ng barangay batad. mula sa tinatawag nilang saddle, kailangan ng 40 minutong lakaran patungo sa pusod ng batad. pasado alas-3 na yata nang makarating kami sa ramon's home stay, kaunting meryenda at nagsipaligo na para mapreskuhan ulit. sa ramon's pinili naming matulog sa tradisyunal na kubong ifugao. kaunting inuman pagkatapos ng hapunan at natulog na rin.



kinaumagahan, sumabak kami sa isang nakapanghahapong lakaran patungo sa talong tappiyah. sa paglalakbay na ito, higit na magiging hantad sa bawat manlalakbay ang kagandahan at kadalisayan ng lunan. maaaring may mga modernong istruktura na sa gitna ng barangay, ngunit nananatili pa rin ang kakanyahan at karakter nito.

malamig ang tubig ng tappiyah, bagay sa pagpapalamig ng mga inuming binuhat pa mula sa poblacion ng banaue. siyempre, di kumpleto kung di namin mararanasang maglublob dito, kaya matagal-tagal din kaming nagsipaglunoy. nag-igib ng inumin pabalik sa ramon's at lumarga na sa higit na nakapanghihinang lakad paakyat.

ubos ang anumang lakas ngunit may kakaibang ngiti sa labi, nakarating kami sa ramon's. ang ngiti ay dulot ng ligayang bukod sa nakakita ka ng magagandang tanawin, masasabi mo rin sarili mong napagwagian mo ang takot na dulot ng mga madudulas na daan o mga batong maaaring mahulog sa iyo at ang pagod ng katawang di hutok sa ganitong gawain.

nagpahinga ulit sa ramon's, tanghalian at ligo. di pa tapos ang alay-lakad. kailangan ulit ng 40 minuto upang marating ang saddle, kung saan naghihintay ang dyip pabalik ng poblacion. mas mahirap ang lakad paakyat ng saddle sapagkat dala-dala namin ang aming mga napsak at di pa natatagalan nang matapos ang lakbay sa tappiyah. nang makarating kami sa saddle, ibayong pakiramdam ng tagumpay ang mananahan sa iyo... na-surbayb mo ang batad!

lip

kung wala rin lang naman maibibigay na suhestiyon o aksyon...
kung nangangapa pa sa bilis ng takbo ng mga bagay-bagay...
kung di pamilyar sa ginagawa ng ibang tao...

'wag na magsusulat ng kung anu-ano...
kung ang laman lang naman ay serbisyong-labi.
dagdag lang sa babasahin, dagdag na basura sa kahon ng sulat.

sa dami ng kailangang atupagin, lahat ng bagay ay kailangan ng madaliang pagkilos.
sa tingin mo ba'y bulag-bulagan ang drama ng mga tao?
walang karapatang madaliin ang sinuman, kung walang maitulong na kahit ano.

di lang ang isyung 'yun ang kailangang pag-ukulan ng panahon.
sa gabundok na gawain, di makatutulong ang anumang lip service.
'wag na dumagdag pa sa bigat ng trabaho.

hopeful

something hopeful for the opening salvo of our kris kringle 2010. the question is, who'll give the most pilit gift today... or who'll get 100 pesos from his or her secret santa!

jejemon

mahigit anim na buwan na ang sulatin kong jejemon ngunit tuloy pa rin ang madalas na hits dito. di ko tiyak ang mga pigura ngunit sa tingin ko, maaaring kalahati ng mga napapadpad sa blog na ito ay dahilan ng pag-google sa jejemon. may isa pa ngang nagkomento na ano raw nga ba ang masama sa jejemon. dalawang beses niya itong inihulog ngunit di ako sumagot.

ayon sa philippine daily inquirer, ang jejemon ay isang bagong lahi ng mga hipster, maaaring bata o may edad na, na di lamang nakabuo ng sariling lenggwahe at teksto kundi may sarili na ring sub-kultura at moda sa maikling panahon. sa tingin ko, ang kombinasyon ng paglitaw ng mas makabagong mga handsets; pagiging higit na mura ng bayad sa internet at presyo ng mga laptop; at muling pag-uso ng masisikip na pantalon at makukulay na palamuti sa katawan, ang nagbigay-daan sa sub-kulturang ito. idagdag mo pa ang pananamlay ng jologs, ang baduy at bakya ng huling bahagi ng dekada 90 at unang pitong taon ng dekadang ito, at pag-usbong ng emo, kung kaya't nalimliman ang pagsilang ng mga jejemon.

bagamat wala pa yatang nalalathalang anumang pagsusuri sa epekto ng jejemon sa kakayahan ng mga estudyante sa balarila at wika (ingles man o pilipino), naaalarma rin maging ang deped dahil maaaring lalong bumaba ang antas ng kapasidad ng mga mag-aaral na makipagtalastan ng tama sa ingles at pilipino kung magpapatuloy ang paggamit ng jejemon sa text at sa internet.

walang masama sa pagpapakilala sa sarili, pagpapahiwatig ng kinaaariang pangkat at pagpapahayag ng anumang saloobin. ngunit di rin dapat isakripisyo ang kalinangan at tuwid na paggamit sa wika upang magkaroon ng kakatwang tatak at sub-kultura. lalo na nga't nakabatay sa ating kakayahan sa wika ang malaking bahagi ng kabuuang kita ng bansa, maging sa BPO o anumang larangan. sa sandaling maligwak ang likas na kakayahan sa tamang pakikipagtalastasan, maaaring higit na malaking kawalan ang abutin ng ating bansa sa lalong madaling panahon.

Tuesday, November 9, 2010

HCM

during my last day in ho chi minh city, i woke up early to again walk around. it was raining, so i wasn't able to walk up to the reunification palace, but i was able to spend some good time checking out the famous notre dame cathedral. similar to my trip to borobodur in march, it seemed that i was the only asian in a swarm of european tourists who got in the cathedral when its gates were finally opened around 8 am. these tourists were of the older age group, i think around their fifties and were traveling with a vietnamese guide who has "man" and "dude" in almost every sentence he utters in english! i'm glad that i don't have to wait for my fifties to see new and exciting places... that's why i need to save some more for any future trips!!

i got another sampling of ngon food. and on my way back to hotel before checking out, i got to try HCMC's very nice highlands coffee.

since i did stay in the office virtually all the time and the travel going back to renaissance riverside hotel always took around 40 minutes, i wasn't able to see HCMC's ben thanh market. but she and derik went with me to sample the city's night market. i got some trung nguyen coffee, artichoke tea, as well as some keepsakes that i can give this christmas. for myself, i got the two wooden traditional vietnamese lady... as part of my growing collection of souvenirs from southeast asian travels.

my next trip to vietnam should include seeing the war museum and the vietnamese war tunnels just outside ho chi minh city. they say that hanoi has a different character from HCMC, so i should experience that as well, together with that famous halong bay ferry ride.

Monday, November 8, 2010

migration

last night was a natgeo event for me, as the great migrations was finally shown. i could watch these kinds of shows all day and i'm looking forward to the next episodes! (",)

Monday, November 1, 2010

undas

it was mama's 61st birthday anniversary yesterday and the whole family was in la loma cemetery. i'm very glad that we were able to have a nice family time. a whole lot of chit chat, some pizza, kuya bob's adobo, ate ne's antics, and for the first time in quite a long while, ate joy and her family were there. (",)

Saturday, October 30, 2010

viet

this is the second part of my trip to vietnam! during my stay, i had to deal with a whole of stuff on trackers and other deliverables. good thing, the vietnam team brought me to nice places to eat so i was able to sample some of the best ho chi minh city had to offer.

after seeing the vietnamese movie, floating lives, we had a nice dinner at a popular hot pot joint. i wasn't sure if that was just an appetizer but we immediately jumped on roasting small slices of fresh goat meat, which was marinated in soy sauce and other special herbs in vietnamese way of course. i was pleasantly surprised with the flavor and i actually thought of requesting rice to go with it. but i didn't. i had to have it like how locals have it, hehehehe! i also tried their saigon beer, which like the singha beer, tastes like our san mig light. when the goat meat was done, we had a serving of prawns. but this time, the prawns were not marinated and served fresh and skewered. the local patis and special sauce made it also very nice. after that, the hot pot came. the broth was made from goat meat as well, and all the other ingredients were served raw - leafy veggies, tofu, crispy tofu skin, noodles, local sweet potato and a host of other rootcrops i'm not familiar of. all these ingredients were then placed in the hot pot and the result was great! no need to have rice because the varied ingredients combined with special broth will make you busy from tasting a whole lot of flavors. very nice!

(",)

Friday, October 29, 2010

desierto

bagamat tigib sa pighati at tila uot-utin nito ang anumang kagalakan sa buhay ng mga manonood, isang matapang na pelikula ang desierto adentro sa paglalahad ng opyong ugnayan sa pagitan ng tao at relihiyon. tinugaygay nito ang minsa'y tunggak na pagtingin ng ilang indibidwal sa sariling pananampalataya, kapatawaran sa mga kasalanan, kaligtasan ng kaluluwa, at kung paano nito inuulaol ang gawi't kilos at maging ang panghabambuhay na debosyon sa Maylikha.

mula sa punto de bista ng bunsong anak ni elias, si aureliano, inilahad ang istorya. salaysay ito ng buhay ni elias, isang ama na iniukol ang buong buhay sa pagtatayo ng isang kapilya bilang indulhensya sa isang "mabigat" na kasalanan. sa panahon ng rebolusyong mexicano, sinikil ang simbahang katolika, inabo ang mga bahay-dalanginan at ipinagbawal ang anumang uri ng pagsamba ayon sa ipinamanang relihiyon ng mga kastila. nilipol ng mga rebelde ang mga taumbayan, itinaboy ang mga tao sa kabundukan at pinagbawalan ang mga naka-abitong magsagawa ng anumang gawaing may kinalaman sa simbahan. nang maaksidente ang misis ni elias, ipinilit ng ina ni elias na hilingin niya sa kura paroko na bendisyunan ang di pa naisisilang na sanggol. paniniwala nila ng mga panahong iyon, di makapapasok sa langit ang sinumang di nabinyagan. kung kaya't sinundo ni elias ang kura, ngunit nalaman ng mga rebelde ito, dinakip ang pari at sinumang nasa paligid ng simbahan. binigti ng mga rebelde ang panganay na anak ni elias, gayundin ang pari at lahat ng nadakip. nakaligtas si elias sa kamatayan ngunit hindi sa matinding dagok na umalingawngaw sa kanyang buong pagkatao - dahil sa kanyang pagsundo sa pari, maraming namatay kasama na ang kanyang anak, maraming higit na nagdusa at sa kanyang pagsino, maaaring wala nang kapatawaran ang kanyang nagawa. dahil dito, hinakot niya ang nalalabing ari-arian at inilikas ang kanyang anim pang mga anak sa disyerto kung saan iniukol niya ang buong buhay sa pagtatayo ng kapilyang sa kanyang paniniwala ay magpapalaya sa kanya at kanyang pamilya sa paniningil ng Maykapal sa kanyang mga kasalanan. bahagi ng sakripisyo ni elias ay ang pagbabawal sa mga anak na gumawi sa bayan sa takot na madakip sila at patayin ng mga rebelde. sa pagdaan ng panahon, isa-isang nalagas mga anak ni elias at tila nagpatuloy ang walang wawang pighati sa kanyang buhay. bukod pa sa kondisyon ni aureliano na di dapat maalikabukan o maarawan kundi'y magkakasakit. naaksidente ang isang anak na lalaki sa paglalagay ng krus ng kapilya habang namatay naman sa mala-tipus na sakit ang panganay na babae. iniwan ni genaro, ang isa pang anak na lalaki ni elias at pumisan ito sa kanyang lola sa bayan. sa huling dagok kay elias, nagkaroon ng bawal na ugnayang sekswal ang magkapatid na sina micaela at aureliano. kinastigo ni elias ang magkapatid dahil dito, ipiniit si micaela at halos araw gabing pinagtrabaho si aureliano sa kapilya. sa huli, pumanaw din si micaela at naiwan si aureliano upang tumingin sa ama. dahil sa dusa, pighati at tila kawalan ng pag-asang makukuha pa niya ang buong buhay niyang inaasam na kapatawarang, nagbigti si elias. mabigat ang bawat kabanata sa buhay ni elias at ng kanyang pamilya. at kung minsa'y mapapapalatik ang sinuman sa tila walang katapusang kamalasang dumapo sa buhay nila.

maaaring di relihiyoso ang direktor ng pelikula kung kaya't walang pasubali niyang inilarawan ang magkatunggaling konsepto ng isang Maylikha, na sa paniniwala ng iba o maging ng kura sa bayan ni elias, ay maaari ring maging mapagparusa sa sinumang gumawa ng malaking kamalian at may direktang kamay sa bawat dusang naranasan ng mga tao. tila na-dementor ka pagkatapos ng pelikula ngunit ito'y isang marimatseng atake sa isang indibidwal na nabulid ng kawalan ng pag-asa na bunga ng di pagkakamit ng kapatawaran sa mga nagawang kasalanan. mahusay ang sinematograpiya, disenyo ng produksyon, paglalapat ng tunog at lahat ng nagsiganap, lalo na si mario zaragoza bilang elias. ang desierto adentro ay pelikulang di para sa lahat, lalo't higit sa mga taong may makitid na pagtingin sa kalayaan sa pagpili ng relihiyon. sa kabila nito, tagumpay ang pelikula sa paglalarawan ng bulag na pagsunod sa doktrina ng relihiyon.

saigon

isang linggo sa ho chi minh city, unang tapak sa lupain ng mga vietnamese.

tanghaling tapat nang umalis ako sa manila at dumating sa hong kong bandang alas-3 ng hapon. nag-internet sandali at lumipad muli patungong ho chi minh. paglapag ng eroplano sa tan son nhat, siyempre kailangan ng dong, nagpapalit agad. nagpahatid sa mai linh taxi patungong renaissance riverside hotel sa district 1 at sa malas ay ilalagay daw ako sa silid na may dalawang kama! tama ba naman 'yun? mag-isa lang ako, pero dalawang kama... siyempre, di ako pumayag... maalimpungatan pa akong may nakahiga d'un sa kabilang kama! pagpasok ko sa hotel, napansin kong kailangan pa akong tanungin ng mga kawani kung tutuloy ako sa hotel bago ako tulungan sa aking mga bagahe. naka-shorts at tsinelas lang kasi ako, kaya naisip ko na di nalalayo ang ilang mga vietnamese sa ilang mga pinoy na sumusuri ng uri ng tao base sa hitsura.

bukod sa layo ng hotel sa tanggapan ng idc sa saigon at sa taas ng pamasahe rito, wala naman akong marereklamo pagdating sa pagkain. sangkatutak at kung anu-anong klaseng dahon at gulay ang ihahain sa iyo sa wrap and roll restaurants. 'yung mga ibang dahon nga ay di kinakain sa pilipinas o nilalaruan lamang ng mga bata sa bahay-bahayan. kaiga-igaya ang proseso sa wrap and roll, ikaw ang bahala sa anumang kumbinasyong naisin mo. sa dami ng sawsawang nakaabang sa iyo, iba't ibang fleyvor din ang malalasahan. ang gusto ko sa wrap and roll, pagkatapos mong kumain ng maraming lumpia, di mo mararamdamang bundat ka sa kabusugan. di mabubuslot ang iyong tiyan kahit na marami ka nang nakain, dahil marahil ito sa mga gulay na kasama ng lumpia.

natikman ko rin ang pagkain sa nha hang ngon. sabi ni she at tri, di maaaring palagpasin ninuman ang pagkain dito. isang malaking mansyon na pranses ang istilo, ang ngon ay nagsisilbi ng katutubong lutuing vietnamese. kumpleto sa saydings ang bawat putahe, malasa at mararamdaman mong sariwa ang bawat sangkap. kasama si tri, sinubukan ko ang inihaw na paa ng manok na tila inasal sa atin, ang papaya salad na may malutong na tenga ng baboy, relyenong kuhol at inihaw na tadyang ng baboy. pagkatapos ay tinikman namin ang kanilang bersyon ng halo-halo. liban sa kawalan ng saging, langka, buko at kababawan ng tamis nito, halos pareho ang istilo nila sa halo-halo natin.

marami pa susunod! cam on!

Thursday, October 21, 2010

juliet

letters to juliet. i saw this movie while on my way to bangkok. a tale of a young lady who's about to get married and went on a pre-wedding trip to italy. sophie, played by amanda seyfried, chanced upon a group of women who answers "letters to juliet". she answered her first letter, which was hidden behind the old bricks and was written some four decades ago. this led her to claire (vanessa redgrave), who decided to come to italy and look for her lorenzo... somewhere in the italian heartland of vineyard.

nothing eventful about the road trip that commenced after sophie and claire's meeting. it was more of building the love story of sophie and charlie, claire's grandson, as well as showing how sophie's relationship with victor (gael garcia bernal) disintegrated as victor pursues his dream of setting up his own restaurant back at home. while i already know that claire would eventually find lorenzo, it was the older redgrave's presence that illuminated the screen. i vividly remember how her close up shot towards the end of the movie, atonement, and how painful to look back at what her character might have committed.

seyfried felt like she was doing ala-amy adams in enchanted and she still had that mamma mia air even if this movie was entirely a different thing. bernal was under utilized, left to dabble supposedly with his single mindedness over his resto, while disenfranchising his fiancee altogether... just the usual premise of a chick flick. in the end, sophie left victor and went to attend claire and lorenzo's wedding, where she ended with charlie. happy ending. oh well. good thing, i just had my third serving of that roll and apple juice. (",)

Sophie: I didn't go to him, Juliet. I didn't go to Lorenzo. His eyes were so full of trust I promised I'd meet him and run away together because my parents don't approve. But, instead, I left him waiting for me below our tree - waiting and wondering where I was. I'm in Veronoa now. I return to London in the morning and I am so afraid. Please, Juliet tell me what I should do. My heart is breaking and I have no one else to turn to. Love, Claire.

Claire: Dear Claire, What and If are two words as non-threatening as words can be. But put them together side-by-side and they have the power to haunt you for the rest of your life: What if? What if? What if? I don't know how your story ended but if what you felt then was true love, then it's never too late. If it was true then, why wouldn't it be true now? You need only the courage to follow your heart. I don't know what a love like Juliet's feels like - love to leave loved ones for, love to cross oceans for but I'd like to believe if I ever were to feel it, that I will have the courage to seize it. And, Claire, if you didn't, I hope one day that you will. All my love, Juliet.