pagkatapos ng kasal ni ate joy n'ong setyembre 2000, nagpakalbo ako. magmula n'on, di ko na muling pinahaba ang buhok ko. magkaminsan, hinahayaan kong humaba ng bahagya sa loob ng 2 buwan, ngunit agad-agarang pinaaahit kapag may nahihila na akong hibla.
mainam ang pagiging kalbo. di na kailangang magsuklay… pagkatapos maligo, punas lang ng tuwalya ang kailangan, maaari nang sumibad at bumiyahe. di na kailangan ng anumang produktong magpapanatili ng ayos o istilong nais, kaya't matipid din. kuwarenta pesos lang ang halaga ng pagpapagupit, gayong n'ong mahaba pa ang buhok ko, umaabot ng 300 daan ang bawat bisita kay bb. susie sa parlor ni david sa megamol. anumang hangin o tagal ng lublob sa dagat ay di isyu, tulad ng sa mga indibwal na may mahabang buhok.
sabi pa ni tim tayag, maka-kalikasan ang pagiging kalbo! kakaunti ang duming idinudulot bunga ng di malimit na paggamit ng mga produktong pambuhok tulad ng gel, sprey, kondisyoner, syampu, liv-on at kung anu-ano pa. pero siyempre, kailangan pa ring syampuhin… upang maiwasan ang labis na paglalangis ng bumbunan na magdudulot ng balakubak.
sa kabilang banda, dahil sa kalbo ako… walang proteksyon ang aking bumbunan laban sa init ng araw. kung kaya't madalas kaysa hindi, may sunog sa balat ang aking ulo tuwing luluwas sa dalampasigan. sabi naman ng yumaong si ma'am delia, ang pagiging kalbo ay nagpabata pang lalo sa akin n'ong nagsisimula pa lang ako sa aydisi, gayong kailangan sa trabahong magpakita ng bahid ng pagiging may-gulang na upang makamtan ang respeto ng karamihan. nang lumaon, maigi pa rin para sa akin ang pagiging kalbo.
ngayong nalalapit na ang ika-8 taon ng aking pagiging kalbo, iniisip ko pa kung pahahabain ko na o pananatalihin ang gan'tong istilo… di ko pa alam.
mainam ang pagiging kalbo. di na kailangang magsuklay… pagkatapos maligo, punas lang ng tuwalya ang kailangan, maaari nang sumibad at bumiyahe. di na kailangan ng anumang produktong magpapanatili ng ayos o istilong nais, kaya't matipid din. kuwarenta pesos lang ang halaga ng pagpapagupit, gayong n'ong mahaba pa ang buhok ko, umaabot ng 300 daan ang bawat bisita kay bb. susie sa parlor ni david sa megamol. anumang hangin o tagal ng lublob sa dagat ay di isyu, tulad ng sa mga indibwal na may mahabang buhok.
sabi pa ni tim tayag, maka-kalikasan ang pagiging kalbo! kakaunti ang duming idinudulot bunga ng di malimit na paggamit ng mga produktong pambuhok tulad ng gel, sprey, kondisyoner, syampu, liv-on at kung anu-ano pa. pero siyempre, kailangan pa ring syampuhin… upang maiwasan ang labis na paglalangis ng bumbunan na magdudulot ng balakubak.
sa kabilang banda, dahil sa kalbo ako… walang proteksyon ang aking bumbunan laban sa init ng araw. kung kaya't madalas kaysa hindi, may sunog sa balat ang aking ulo tuwing luluwas sa dalampasigan. sabi naman ng yumaong si ma'am delia, ang pagiging kalbo ay nagpabata pang lalo sa akin n'ong nagsisimula pa lang ako sa aydisi, gayong kailangan sa trabahong magpakita ng bahid ng pagiging may-gulang na upang makamtan ang respeto ng karamihan. nang lumaon, maigi pa rin para sa akin ang pagiging kalbo.
wow, mage-8 years na pala ang iyong kakalbuhan. pameryenda ka! let's celebrate!
ReplyDeletewahahahaha! pameryenda! wahahahaha!
ReplyDelete