matagal-tagal na ring nagte-text ang pamangkin kong si utoy sa paraang ito, pero kamakailan lamang umusbong ang pangkalahatang tawag sa mga linyang:
"eowwwwhhh powh! uxtah powh keyowh?!"
"mai gnUn pah iHh.. dpat bNg ipamigai anG nO. qainex qah tLga."
jejemon ang tawag sa bagong uring ito ng text language. at dahil na rin sa pagbaba ng presyo ng koneksyong broadband, maging sa mga social networking sites na gaya ng facebook at multiply, umaariba na rin ang paggamit ng jejemon.
lumaganap ang paggamit ng cellphone sa pilipinas nang nauso ang text. libre noong una, ngunit kalaunan ay naging piso kada text. kung anu-anong pakete ng lowd ang inilako ng mga telcos, at kasabay nito ay ang pag-usbong ng pinaikling taglish dahil na rin sa limitasyon ng mga naunang cellphones at higit na mabilis na pagta-type ng bawat mensaheng ipadadala sa ka-text. halos nawala ang mga patinig sa bawat text, sa ibang pagkakataon maging ang paggamit ng bantas o anumang tuwirang batas-balarila na natutuhan natin sa paaralan. maging sa mga yahoo!groups, lumaganap ang text language.
ngayon, nariyan pa rin ang pinaikling text language. ngunit higit na pumapaimbulog ang jejemon. bunsod ito ng lumalaking bahagdan ng higit na nakababatang sektor ng populasyon na ngayon ay mas higit na hantad sa internet at makabagong teknolohiya. sa jejemon, sadyang pinapahaba ang simpleng mga bati tulad ng hello. imbis na tuwirang i-type ang hello, dinadagdagan ito ng ilang mga titik, maaaring upang maging mas kyut o mas makabago ang dating sa kausap sa facebook, chat o sa text. sabi ko nga kay utoy, hindi ba mas nakapapagod na mag-text sa ganyang paraan? sabi naman niya, ito na raw ang uso sa kanyang henerasyon. sa darating na pasukan, nasa pangalawang taon na siya sa hayskul. jejemon ang naging tawag dahil sa kakatwang pagsasatitik ng tawa sa text o sa chat. "jejejeje", imbis na "hehehehe".
sa facebook, may mga grupo na rin na gaya ng jejemon, pero meron ding mga grupo na direktang kumokondena sa bagong uri ng pagbalbal sa tagalog at ingles, gaya ng kill 'em all jejemon.
may kanya-kanya yata talagang paraan ng pagpapakilala ang bawat sektor ng bansa, tulad ng mga jejemon. ngunit tunggak ang ideyang hilahin pa ng isang dipa ang pabalbal na ngang text language at balahurain pang lalo ang dalawang wikang higit na ginagamit ng nakararami sa pilipinas, ang tagalog at ingles. ang pag-jejemon ay senyales ng higit na suliranin sa sektor ng edukasyon, lalo pa nga't lumulubha ang pagbaba ng antas ng edukasyon sa bansa. paano pa magiging higit na pandaigdigan ang kakayahan ng mga batang pinoy kung maski sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ay bagsak ang likas na hilig sa tamang gramatika? siyempre, marami ang makikipagtalo na hindi sa tamang balarila nasusukat ang anumang pag-unlad na maaaring makita sa ating bansa. ngunit, kailangan ito upang manatili ang ating lamang sa mga karatig-bansa pagdating sa BPO. kung hindi, mauungusan na naman tayo ng mga bansang tulad ng vietnam at china, parehong bansang may sapat na populasyon at nagsisimula nang umalagwa ang pagiging bihasa sa ingles, upang maagaw ang lahat ng proyektong sa ngayon ay pumapasok sa atin. mas maigi pa rin ang paggamit ng di binastardong tagalog, lalo na't di agad-agad mauunawaan ng lahat kung ano ang nais sabihin ng mga jejemon. lilipas din ito. o maaaring manganak lamang ng bagong kulturang pop sa lalong madaling panahon.

474 nmn p#0un6 m454m4 54 jej3m#0n
ReplyDelete...eowwXhhH...4n0un6 m454m4 54 jejem#on???
ReplyDelete