Sunday, June 20, 2010

tatay

maligayang araw ng mga ama, pa!

tahimik, minsan lang siya magsalita ngunit tila batas ang bawat salita at ang tinig niya ay may dagundong ng paggalang, kaya naman matagal din siyang naglingkod bilang punong barangay ng capri. maaga silang bumuo ng pamilya ni mama, ibayong sikap ang ipinamalas niya upang maitaguyod ang anim na anak. bahagi siya ng unang bugso ng mga pinoy OFWs na nangibang-bayan noong dekada '80 at nagtrabaho bilang drayber ng isang pamilya sa riyadh. bumalik noong kalagitnaan ng '80s at nasabak sa pambarangay na pulitika.

dalangin ko na humusay ang kanyang kalusugan at bumalik ang dating sigla. nawa'y muli silang maging aktibo ni tita sa couples for christ at maging abalang muli sa mga bagay na walang kinalaman sa pulitika. mahal ka namin, papa! (",)

No comments:

Post a Comment