Monday, July 5, 2010

wimby

walang paglagyan ang aking tuwa ng mga bandang alas-11 ng gabi kagabi! bakit?! nanalo lang naman ng kanyang pangalawang wimbledon si rafael nadal! pangwalong slam niya ito, pangalawang beses sa kanyang karera na napanalunan niya ang magkasunod na french open at wimbledon. numero uno siya sa pandaigdig na rank at lumawig pa ang lamang sa pumapangalawang si novak djokovic.

tulad ng aking nakagawian kapag may laban si rafa, di ako nanonood ng live. minamalas yata ang laro niya sa tuwing makikita ko ang laban. kaya naman pinagtiyagaan ko ang 17 again ni zac efron sa hbo dahil matumal ang magagandang palabas nitong gabing ito.

sabi ng mga eksperto, malaki ang tsansa ni tomas berdych na manalo ng kanyang unang slam, lalo na't di pipitsugin ang mga tinalo nito sa mga naunang round, djokovic sa semis at federer sa quarters. marami-rami rin ang mga errors ni rafa sa laban nila ni berdych, di tulad ng manalo siya kay murray sa semis. ngunit, di napayuko ni berdych ang anumang service games ni rafa at higit sa lahat ay nanaig si rafa sa lahat ng higit na importanteng mga puntos. sa bawat panalo ni rafa, madalas ay nagpapaumanhin ito sa kanyang katunggali sa laban at tunay na hinahangad na magtagumpay din ang sinumang natalo sa nalalabi pang buwan ng 2010 season.

US open na lang at mukukumpleto na ang kanyang koleksyon. sana manalo na siya sa new york at manatiling malusog at malayo sa anumang pinsala sa katawan. vamos rafa!

No comments:

Post a Comment