Friday, March 25, 2011

tip

saan ka naman nakakita ng sapilitang tip? isa na naman ito sa mga hunghang na hakbang ng mga tao sa gobyerno. tsk tsk... kahit na sa cordillera lang ito maaaring ipatupad, isang malaking kahangalan ang magpataw ng karagdagang 15 pesos bilang tip sa mga drayber ng taksi. bukod sa marami (di naman lahat) sa mga drayber na ito ang di naman mahusay sa pagserserbisyo't tanging panlalamang lang din sa mga mananakay ang pakay, mas higit pa sa sapat ang kamakailan lang ay ipinataw na taas sa halaga ng pagsakay sa taksi. di na sila dapat pang bigyan ng sapilitang tip. kaya nga tinawag na tip, bahala na ang mananakay na magdagdag kung nagustuhan niya ang serbisyong nakuha. bakit ba kailangan laging balikatin ng mga kasapi ng middle class ang mga kaukulang pagtataas ng halaga ng mga bagay-bagay gayong di naman nagsisipagbayad ng buwis ang karamihan ng mga drayber ng taksi at di naman sumasakay ng taksi ang mga dumuhong tagapagpatupad ng mga tunggak na regulasyong gaya nito?

P15 taxi tip enforced Sun Star – Wed, Mar 23, 2011 8:04 AM PHT TAXI drivers will start collecting an additional P15 mandatory tip for every ride any time within the week, a top transportation announced. Department of Transportation and Communication (DOTC) Regional Director Celina Claver said aside from the regular rate appearing on taxi meters, the riding public will have to pay provisional mandatory tip as soon as the agency issues an order this week.

In Monday’s public hearing with taxi operators and drivers, the Samahan ng Taxi of Cordillera Administrative Region (STCAR) and other taxi operators petitioned before the regional board for the immediate approval of their request for a mandatory tip due to the almost weekly increase of fuel prices.

From P24 per liter for diesel and P34 per liter of gasoline in 2004, the group cited prices have now doubled to P48.45 per liter of diesel and P60.98 for gasoline.

No comments:

Post a Comment