Wednesday, April 13, 2011

taguang bato

taguang bato naman! tamang duda o hinala ang kalakaran sa larong ito, bukod sa kakayahang magkunwari ng bawat kasapi ng grupo. kakatwa ang larong ito dahil maaaring hawakan ng lider ng kabilang grupo ang tainga ng bawat kasapi ng kalaban upang malaman, daw, kung sino ang may hawak ng bato. bagamat may siyentipikong paliwanag dito dahil magiging higit na malamig daw ang tainga kapag "guilty" ang isang tao... noon sa novaliches, parang bahagi lamang ito ng laro pero di sineseryoso upang maging bahagi ng pagpapasya.


ito ang alituntunin sa paglalaro nito, ayon pa rin kay father leo:
1. sa pamamagitan ng bato-bato pik, malalaman kung sino ang unang magtatago ng bato.

2. ang bawat grupo ay magpupulong upang ipatago ang bato sa kanilang mga kamay.

3. mayroong 30 segundo ang kabilang grupo upang hulaan kung na kanino sa grupo ang bato.

4. maaaring hawakan ng lider ng kabilang grupo ang mga tainga ng bawat kasapi ng kabilang grupo

5. bawat tamang hula katumbas ay isang puntos para sa isang team. kung sakaling mali ang hula mapupunta ang puntos sa kabilang team. unang makakuha ng 7 puntos ang siyang mananalo.

premyo: bragging rights bilang tatanghalin na "kayo na! may basehan ang duda sa bato eh!"

No comments:

Post a Comment