Wednesday, August 17, 2011

dragonboat

PH Azkals: 0 Golds, 0 trophies, 5 TV ads, 20% Pinoy
PH Dragonboat team (2011) : 5 Golds, 0 commercials, 90% Pinoy

PH Azkals: with sponsors
Ph Dragonboat team: inutang at KKB pamasahe

Ph Azkals: complete outfit
Ph Dragonboat team,; nanghiram pa ng sagwan sa kalaban

Sasagwan ka ba sa KARANGALAN o sisipa sa PAPOGIAN?

[galing 'yan sa post ng blakmayet kong si zoe.]

pero kailangan ba talagang lagyan pa ng kumpetisyon sa pagitan ng azkals at dragonboat team? kung ang nais lang naman ay mangilak ng pondo para sa dragonboat, di na kailangan pang pagsabungin ang dalawang pambansang koponan. parehong nagbibigay at magbibigay pa ng glorya at karangalan sa bansa, parehong dapat na pagtuunan ng pansin at bigyan ng suporta sa anumapamang porma nito. sangkatutak nga naman kasi ang mga patalastas ng azkals ngunit wala pa naman silang napapanalunan. pero ito'y dahil kasisimula pa lang naman nila. pasasaan ba't makakaagapay na rin tayo sa malalakas na koponan sa asya. ang dragonboat team naman ay makailang beses nang nanalo sa mga pandaigdigang kumpetisyon, kaya dapat din silang makatanggap ng pinansyal na suporta mula sa ating gobyerno at kaukulang pagkilala.

di kailangan ang paglalagay ng bahid ng pataasan ng ihi o hilahin pababa ang isa upang umalagwa ang kabila. pareho nilang dala ang watawat ng pilipinas, itaguyod at suportahan natin ang azkals at dragonboat team.

No comments:

Post a Comment