Friday, April 13, 2012

ambisyon

wala ngang kasiguruhan. 'yun ang paulit-ulit kong mensahe.

mahusay ang atwput mo sa nagdaang taon. kaya nga isinali ka sa listahan ng maaaring umakyat sa susunod na lebel. pero klinaro ko ring anumang desisyon sa promosyon ay depende sa kabuuang kita at desisyon ng matatanda. wala akong pangakong binitiwan na tiyak na ang pag-angat mo. o anumang pangako ng 30% na ingkris sa sahod. ni wala akong sinabing petsa ng promosyon. ang sabi ko, ang lahat ng bagay ay nasa himpapawid pa. kailangan pa nilang pagdebatehan ang lahat ng mga bagay. di ito puwedeng ura-urada. wala pang katiyakan. ang mahalaga'y napansin ka at nakatala ang pangalan mo. wala na sa aking mga kamay ang susunod na hakbang.

aling parte ba ng ingles ang di mo naiintindihan? may sagabal nga ba sa wika? o tuwirang pamumulitika ang tawag sa tunggak mong mga salita't gawi?

ngayong may kokey na sa landas mo, dapat kang higit na mag-ingat. bagamat ok naman ang trabaho, di ka dapat lumabis sa pamamanawaran. ang dapat mong ginawa ay nagpakitang-gilas pang lalo. sa gayon, lalo kang mapansin. huwag 'yung di ka pa nga nate-test rayd ng bago mong amo, kung anu-ano na 'yung sinasabi mo. tulad ng sinabi ko, di maramot ang kumpanya sa pagbibigay ng mga kaukulang gantimpala. dangan nga lamang, lahat ay kailangang limiing maigi. maghintay at may nakalaan. huwag gamitin ang mali-maling ingles upang mangilak ng wala sa hulog na palitiking.

dahil diyan sa palpak mong hakbang, baka lalong mabulilyaso ang amabisyon mo. gud lak sa iyo, hunghang na bambang.

No comments:

Post a Comment