Thursday, April 5, 2012

pantal

parang may epekto na. epektong apbit at may halong kibot. kibot na wala naman talaga. siguro kasi matagal-tagal na rin ang pagligid-ligid. puwedeng pumamilyar na kaya ganoon. sabi nga ni superstarmarian, meynteyn kasi ang drama sa bakgrawnd.

madalas ang tahimik na ispekter. mawala man sa himpapawid minsan, siguradong meynteyn ulit agad-agad. 'pag wala nga, parang may nabakspeys ngang samting. sa tuwing aangat ang isthmus sa likod, tiyak na silay agad ang elebasyon. nakadidifident nga minsan eh. 'yun bang biglang kailangang umeskapo.

mantsing sa pandaigdig. lakad-lakad. sumpong ng bagong abentura. kaunting tagay. pero madalas, sa paghayo ang mas malaking epek. fani pero walang kurapsyon. hagalpak sa samuk-samok. kaunting weyting syed. tapos magpapatakda na paroon sa labasan. di masyadong matador pero ok ang hakuna matata.

growing. 'yun yata ang tawag doon. lumalaki. umeekspand. nag-eeskaleyt. umiingkris. o di kaya ay namamaga. simula ng pamumusarga. umiispred ang apsyat. siguro nga. siguro tamasa lang ng walang wawang ligkig. bumilang na rin kasi ng dahon 'yung huli. parang kada bisiesto lang di ba? ok din naman 'yung minsan-minsan may ligkigang nagaganap.

pero anuman ang lungkong ito, es nada. tiyak 'yun. kaunting kibot na wala namang tuptup. hanggang haywey lang. kadkarin agad kasi di naman ito maaaring nangnangin. di ba nga may wig na kumakanta?! kaya wala talaga. anuman 'yung sinag sa ulap na nahirating parang lobo, impis agad dahil sa tala. kinina ang katapat ng kagat na ito para di na lumaki pa ang pantal.

ay syet, kung anu-ano na ang nakukote. ang dami na tuloy ng tao! puwedeng ayaw nila magtaksi o wala lang pambayad. sana dumating na 'yung pakanluran. lalakad pa kasi ako sa gilid ng café.

No comments:

Post a Comment