Monday, August 27, 2012

happy

Education doesn't make you happy. And what is freedom? We don't become happy just because we are free, if we are. Or because we have been educated, if we have. But because education may be the means by which we realize we are happy. It opens our eyes, our ears. Tells use where delights are lurking. Convinces us that there is only one freedom of any importance whatsoever: that of the mind. And give us the assurance, the confidence, to walk the path our mind, our educated mind, offers. - Iris Murdoch, Iris.

Thursday, August 23, 2012

obesity

linggo ng gabi, napanood ko ang cheche lazaro presents tungkol sa sakit na obesity o sobrang katabaan. tulad ng ibang mga episode nito, ok ang talakay ng palabas. may mga interbyu kay iza calzado at mga kaso nina mercy alcantara, spo1 de leon at harry, bukod pa sa panayam kina dra. sanirose orbeta at dr. randy dellosa para sa kanilang kaalaman at propesyunal na mga opinyon tungkol sa nutrisyon at sikolohiya. tinalakay dito ang mga istatistika tungkol sa katabaan dito at sa ibang bansa, epekto nito sa kabuuang kalusugan at pag-iisip ng maykatawan mismo, isyu ng trabaho o hanapbuhay na may kinalaman sa katabaan at pangkalahatang epekto ng katabaan sa badyet at maging ang paggastos ng gobyerno sa kalusugan. pati usapin ng kasarian nakanti rin dahil mas marami umano ang mga babaing may obesidad kaysa sa mga lalaki ngunit mas malaki raw ang sahod ng mga lalaking matataba. ngunit medyo nakulangan ako sa pagrarason tungkol sa epekto ng kultura sa problema ng katabaan. siyempre may epekto ang gawi ng mga pinoy sa modernong suliraning ito, maaaring sa lokal na paniniwala o kung paano talaga kumain ang mga pinoy.

kapag ang isang sanggol o bata ay may bundat na tiyan, mapipintog na pisngi’t namumutok ang mga braso sa katabaan, cute na cute ang tingin ng mga tao rito sa lipunang pilipino. madalang na sabihin na cute ang isang batang payat o may timbang na tama lang. tanda raw ito ng di nagugutom ang pamilya. ibig sabihin, nakabibili ang pamilya nito ng higit sa sapat na pagkain at di pinababayaan ng mga magulang ang bata. nangingibabaw ang persepsyon na “baka sabihin ng ibang tao, wala na tayong makain.” sabi nga ng ibang matatanda, mas ok ang mataba kaysa payat kaya siguro hinahayaan ang ilang mga bata na kumain nang kumain. may paniniwala ring “bata pa naman”, kaya sige lang ng sige sa pakain ng kung anu-ano sa mga ito. siguro epekto rin ito ng kasaysayan ng pilipinas nitong huling limandaang taon. may kagutuman at talamak ang negatibong impluwensya ng mga dayuhang sumakop sa kapuluan tulad ng enggrandeng mga piyesta. siyempre, naging mas halata ang dibisyon ng mahirap at mayaman at ayaw ng marami na mabansagang nagdarahop o patay-gutom na kaya sige-sige lang.

sigurado akong di ito taal sa mga pinoy kundi bagong salik lang sa kultura pero para sa akin, may epekto rin ang medyo tunggak na pagtingin ng mga pinoy na side dish lang ang gulay. ang mismong ulam (o main dish) ay mga ulam na may karne ng baka, baboy, manok o isda. sahog lang ang gulay sa mga ito, puwedeng pampakulay tulad ng carrots o patatas o kaya ay pamparami tulad ng sayote o kangkong. at siyempre, balik ulit tayo sa konsepto na ayaw ng mga pinoy na matawag na naghihirap. nakalulungkot man, pero natagurian na ang gulay na pagkain ng mga walang-wala na. mahirap ka na kapag tuyo o sardinas na lang ang kinakain mo. pero malalang paghihikahos na ang tingin kapag talbos ng kamote na lang ang kinakain ninyo. dahil sa tindi ng epekto ng sasabihin ng iba, maski wala nang pera, pipilitin ng karamihan na maghain ng karne ng baboy o manok. sa mga piging, madalas ay walang “handa” na gulay ang pinakatampok. palaging may caldereta, afritada, menudo o anumang masarsa’t makarneng mga ulam pero walang pinakbet o anumang sariwang salad. pabulaanan man ng iba, may epekto ang “mababang” pagtingin sa gulay kung bakit karamihan ng mga bata ngayon ay ayaw kumain ng mga ito.

siyempre nagsipasok pa ang mga dayuhang produkto tulad ng soft drinks. mabilis ang takbo ng araw-araw na gawain at may kakaibang halina ang anumang ‘kano sa mga pinoy kaya nagkaroon din ang puwang ang fastfood at sangkaterbang mga instant na pagkain. sa makabagong panahon, naging iba na rin ang takbo ng buhay ng mga pinoy. mas maraming babae na ang nagtatrabaho kaya naman naiiwan ang mga bata sa mga yayang wala namang gaanong sabi sa kung ano ang dapat kainin ng mga bata o kaya ay sa mga lolang mas may potensyal na magpalayaw sa mga apo. mauuwi ang pagpapakain sa mga bata sa mga madadaling ilutong pagkain tulad ng hotdog, longganisa, de-lata at ang “bagong kanin ng mga pinoy”, instant pancit canton. sa tingin ko, ang makabagong konsepto ng pagtatanong sa mga bata kung ano ang nais nilang kainin at pagpayag dito ay di rin nakabubuti sa kabuuan. wala na ‘yung mga panahong wala kang pagpipilian kundi kainin ang ginisang ampalaya kahit ayaw mo dahil di ka pagbibigyan ng mga matatanda. siyempre, nariyan din ang epekto ng telebisyon at kompyuter. wala pa namang suliranin sa katabaan noong di pa bahagi ng pamilya ang TV. pero dahil sumentro na rin ang buhay sa bawat bahay sa TV, ang paghilata at panonood nito ay nagbunga ng kawalan ng ehersisyo. lalo pa nga ng umusbong ang makabagong libangang hatid ng kompyuter. halos di na tumatayo ang mga tao, bata man o matanda, sa harap nito at ihi na lang ang pahinga ng karamihan.

likas sa mga pilipino ang hilig sa pagkain. kaangkla ito ng marami sa ating mga tradisyon at sabi pa nga sa kapuso mo, jessica soho, may mga pagkaing sadyang niluluto lamang upang ipagdiwang ang ilang mahahalagang okasyon. likas din sa atin ang pagmamahal sa kanin o anumang pagkaing mula sa bigas. ngunit hindi ang kanin ang pinakadahilan sa paglobo ng mga bilang ng matataba sa pilipinas. ito’y mauugat sa pagbabago ng gawi ng mga tao sa pagkain, paano gugulin ang bawat oras at ang katamarang impluwensya na rin ng makabagong panahon.

anu’t anuman, ang anumang sobra ay masama kaya’t di dapat magpakabundat. kapag kulang, masama rin kaya dapat dagdagan ang pisikal na mga gawain at ehersisyo. at dahil diyan, tatakbo nga muna ako sa paligid ng boni high street.

Wednesday, August 22, 2012

travel & earn

How to travel and still earn money

Those of us bitten by the travel bug dream of unchaining ourselves from our desks, breaking free from our office cubicles, packing our bags and heading out to explore the world. But leaving the security of a paycheck can be frightening, and our financial insecurities often end up holding us back from making our travel fantasies a reality. If you have a passion for travel, the good news is, you don’t have to wait till you retire to trot the globe. There are many career options for people who love to travel. Here are some of them.

Cost of Living Surveyor
Cost of living surveyors get paid to travel to cities around the world to collect prices of everything from baby food to petrol, with the purpose of compiling data that will put together an accurate picture of how much it will cost to live in those cities as an expatriate. The info gathered is usually sold to embassies or multinational companies who need to know how much living allowance to give their staff when then relocate them to cities as popular as Paris or as exotic as Juba in South Sudan.

Consultants
Consultants have specialized knowledge that can help companies fix complex problems. Because of this specialized knowledge, companies all around the globe pay for consultants to make regular on-site visits to assist them with problems as they come up. Remember George Clooney’s character in Up In the Air? Well, that’s how much travelling a competent consultant can expect.

Concert Road Crew
If you like live music or theatre and are fit enough for manual labour, then being part of a concert, dance, circus or theatre road crew is an exciting way to travel. Road crews, or “roadies” are the people who help set up and take down the stage, take care of the sound, lighting, riggers and instruments that are required for concerts and live performances. An added benefit besides frequent travel, are the opportunities you get to hang out with entertainment artists or celebrities and perhaps even access to exclusive parties.

International Aid Worker
The desire to help those in need, combined with a curiosity about different cultures is what motivates those who choose to be International Aid Workers. If you have a background in medicine, nursing, public policy, education, health or crisis stabilization, disaster relief, agriculture, engineering or any other relevant area of expertise, you can work for organizations like Doctors Without Borders, USAID of Oxfam, to help communities in disaster stricken countries around the world.

Air Stewardesses & Yacht Crews
No international flight would be possible without a crew of service staff to take care of the passengers and ensure that everything is in order. The job of an air stewardess can be tiring and might involve jetlag and achy feet, but if you are a people person who likes checking out new airports and staying at swanky hotels in some of the world’s most glamourous capitals, then this may be the job for you. If you prefer the sea, then a job as a deckhand, cook, or stewardess on a yacht might be a better bet.

If you’re not exactly looking for a career that involves travelling, but you’d like to make a little pocket money while on vacation, here are some options:

Travel Writing
While it usually takes a bit of effort to write for well-known magazines, there are many travel websites and blogs looking for travellers who can contribute articles and photos of destinations they are visiting. If you’re backpacking, one way to cover the cost of breakfast is to write a review about the place your staying at. While most small publications don’t pay that much, the extra money will certainly come in handy.

Teaching English
If English is your native language and you have a TEFL and preferably a degree, then you can quite easily teach English in another country. There are many schools in Thailand, China, Indonesia and rural communities around the world who need English teachers, so you’ll have no problem making a decent living for a couple of months while enjoying a new destination and getting to know the locals.

Work at a Farm
World Wide Opportunities on Organic Farms (wwoof.org) is a global network of organic farms where you can work and get room and board for free. At some farms, you might even get paid. In Asia, wwoof.org is affiliated with farms in Nepal, Bangladesh, China, India, the Philippines and Taiwan, so you can work your green fingers as you take in the sights in these destinations.

sweldo

isang beses lang ang sweldo namin sa isang buwan at madalas kaysa hindi, ilang araw nga lang ang itinatagal. eksaktong buwanang dalaw nga, hahaha! 

pero salamat pa rin at may sinasahod. sa lagay na ito, masuwerte na raw kami sa karamihan. pero kapag may mandrake na mala-dementor ang drama, nagiging konserbatibong sweldo na ito... nawawalan ka ng gana.

Tuesday, August 21, 2012

jesse robredo

pagkatapos ng tatlong araw na paghahanap, natagpuan na ang kalihim ng DILG na si jesse robredo. ngunit, taliwas sa hinahangad at pinagdarasal ng maraming mga pinoy na ligtas at buhay pa siya, pumanaw na nga ang dating alkalde ng lungsod ng naga.

pinagkalooban ng gawad ramon magsaysay para sa mabuting pamamahala si robredo at nagsilibing alkalde ng naga sa loob ng halos dalawang dekada. isa siya sa iilang mga lider sa maruming pulitika ng pilipinas na may integridad at nagsabuhay ng pagiging isang tunay na tagapaglingkod at pinuno. bukod dito, tumanggap din siya ng pagkilala sa dangal ng bayan, ang pinakamataas na gawad para sa mga opisyal ng gobyerno na ibinibigay ng pamahalaan upang kilalanin ang kapuri-puring serbisyo publiko. sa kabila ng matagal na panunungkulan, nanatiling simple ang pamumuhay ng mga robredo. sabi pa nga ng mga taga-naga, madaling lapitan si robredo at di ito nanungkulan sa likod ng mga hagad o nangahas na paunlarin ang sarili mula sa kaban ng bayan.

sa dami ng kailangang linisin sa gobyerno, nabawasan pa ng isang mabuting servant leader ang gabinete ni pnoy. nakalulungkot pero kailangang humanap ulit ng makatutulong sa pagkakamit ng daang matuwid. tanong nga ng marami sa facebook, sangkaterba ang mga pulitikong buktot, kawatan at walang katorya-torya, bakit si robredo pa ang naunang sumakabilang-buhay?

sana'y tularan ng maraming mga pulitiko ang ehemplo ni sec. jesse.

Monday, August 20, 2012

harry potter

while i have not read all the seven books in its series, i did see all eight movies in its franchise. i’m talking about harry potter series of course. this weekend, warner TV (channel 80 in global destiny cable) had a marathon coverage of the first three movies: philosopher’s stone, chamber of secrets and goblet of fire. on sunday, i got to see prisoner of azkaban and the order of the phoenix once again. i tend to watch any of the movies being shown on TV even if i’ve seen them many times before. as obviously i’m a big fan of it, i thought of listing the 60 greatest moments in the harry potter movie franchise. i got a lot of help from warner tv’s special about harry potter in coming up with this list. from 60 to the top moment (according to me!), let’s start the countdown:


60. First Sight of Hogwarts: Harry, Ron, Hermione and all the students in a boat and for the first time, seeing the Hogwarts castle (Philosopher's Stone)

59. Horace Slughorn as a Couch: Dumbledore and Harry convince Prof. Slughorn to return to Hogwarts (Half Blood Prince)

58. Harry's First Kiss: Harry kisses Cho Chang (Order of the Phoenix)

57. Ron's Love Potion: comic moment when Ron drinks a strong love potion (Half Blood Prince)

56. Aunt Marge: Harry accidentally “vulcanizes” Aunt Marge, sister of Vernon Dursley (Prisoner of Azkaban)

55. Hermione Punches Draco Malfoy: without the use of magic, Hermione gives Draco a dose of his own medicine (Prisoner of Azkaban)

54. Polyjuice Potion: Draco's buddies Crabbe and Goyle turn into Harry and Ron (Chamber of Secrets)

53. Cornish Dixies: Hermione freezes the dixies after Gilderoy Lockhart flees (Chamber of Secrets)

52. Remus Lupin Turns into a Werewolf (Prisoner of Azkaban)

51. Hermione as Bellatrix Lestrange: Hermione poses as Bellatrix in Gringotts Bank to get one of the horcruxes (Deathly Hallows Part 1)

50. Moaning Myrtle and Harry in the Bathtub: Harry tries to uncover the clue from the egg he secured from the dragon (Goblet of Fire)

49. The Mirror of Erised: Harry sees his parents (Philosopher's Stone)

48. Harry, Hermione and Ron's first meeting: Harry and Ron's first bonding over candies and Hermione's "grand" entrance (Philosopher's Stone)

47. Harry and Ron and the Flying Car: Harry and Ron's misadventures with the flying car (Chamber of Secrets)

46. Slughorn’s Memory: Horace Slughorn reveals his memory to Harry about the a conversation between him and the young Tom Riddle (Half Blood Prince)

45. Hermione and Ron Kiss: in the middle of Hogwarts battle, a romantic scene between friends turned lovers (Deathly Hallows Part 2)

44. Neville Longbottom Slays Nagini: Longbottom's best moment in the entire series (Deathly Hallows Part 2)

43. Cedric Diggory's Body: Harry brings Diggory's dead body (Goblet of Fire)

42. The Sorting Ceremony: Hermione, Ron and Harry (and all the other students) are sorted into four houses (Philosopher's Stone)

41. Sirius Black and Harry: moments between Harry and his godfather (Prisoner of Azkaban)

40. Harry and Ron's Argument: intense scene between Harry and Ron that resulted to Ron leaving (Deathly Hallows Part 1)

39. Platform 9 3/4: Harry looks for platform 9 3/4 and meets the Weasleys (Philosopher's Stone)

38. “Welcome to Diagon Alley!”: Harry goes shopping in Diagon Alley with Hagrid (Philosopher's Stone)

37. Harry Summons his Patronus: "Expecto patronum!" (Prisoner of Azkaban)

36. Duel in the Men’s Room: Harry duels and almost kills Draco Malfoy with the sectumsempra curse (Half Blood Prince)

35. Harry, Hermione and Ron vs. Death Eaters in an All-Night Caf: muggle world fight with Antonin Dolohov and Thornfinn Rowle (Deathly Hallows Part 1)

34. Privet Drive: Albus Dumbledore and Minerva McGonagall leave baby Harry in Dursleys' door (Philosopher's Stone)

33. The Chess Room: Ron, Hermione and Ron play chess (Philosopher's Stone)

32. Dementors in the Train: Harry was attacked by dementors and was saved by Professor Remus Lupin (Prisoner of Azkaban)

31. Dobby's Cake: Dobby causes ruckus in Dursley's home (Chamber of Secrets)

30. Owls Deliver Harry's Letters: Dursleys prevent Harry from getting his admission letter from Hogwarts (Philosopher's Stone)

29. The Seven Harrys: Order of the Phoenix members turn into Harry (Deathly Hallows Part 1)

28. Harry and Hermione's Dance: after Ron leaves, Harry and Hermione, with some air of sexual tension (Deathly Hallows Part 1)

27. Dolores Umbridge Punishes Harry: "I must not tell lies." (Half Blood Prince)

26. “You must not tell lies, Dolores.”: Harry stuns Dolores Umbridge in Ministry of Magic inquisition while Hermione secures the locket horcrux (Deathly Hallows Part 1)

25. Sirius Black Dies: with her pleased look, Sirius gets the killing curse from Bellatrix Lestrange (Order of the Phoenix)

24. “You're a Wizard, Harry.”: Hagrid fetches Harry in time for his first year in Hogwarts (Philosopher's Stone)

23. Ron Destroys Horcrux: evil magic from the horcrux tried to negatively influence Ron by creating images of Harry and Hermione kissing (Deathly Hallows Part 1)

22. Ambush in the Department of Mysteries: fight scene between Harry, Ron, Hermione, Luna, Ginny and the death eaters, including Lucius Malfoy and Bellatrix Lestrange (Order of the Phoenix)

21. First Quidditch Match: Harry wins Quidditch match for Gryffindor (Philosopher's Stone)

20. “You Shall Not Harm Harry Potter.”: Dobby protects Harry from Lucius Malfoy (Chamber of Secrets)

19. Voldemort is Reborn: first creepy sight of Voldemort in the flesh (Goblet of Fire)

18. Labyrinthine Room of Requirement: Draco, Crabbe and Goyle tries to thwart Harry, Ron, Hermione from finding the Ravenclaw diadem horcrux (Deathly Hallows Part 2)

17. Bathilda Bagshot: seemingly frail old lady turns into Voldemort's Nagini (Deathly Hallows Part 1)

16. Fred and George's Fireworks: Weasley twins' fireworks terrorize Dolores Umbridge (Order of the Phoenix)

15. Millennium Bridge Destroyed: death eaters destroy the Millennium bridge (Half Blood Prince)

14. Snape Killed by Nagini: Professor Snape sacrifices his life to protect Harry, Harry then reads his memory (Deathly Hallows Part 2)

13. Dementors in the Underpass: Harry and cousin Dudley Dursley attacked by dementors (Order of the Phoenix)

12. “Not my daughter, you bitch!”: Molly Weasley delivers the killing curse to Bellatrix Lestrange (Deathly Hallows Part 2)

11. The Knight Bus: Harry's bus ride in the streets of London (Order of the Phoenix)

10. Ollivander's Wand Shop: Harry gets his wand from Mr. Ollivander, “The wand chooses the wizard…” (Philosopher's Stone)

9. Voldemort vs. Harry: first duel between Harry and Voldemort (Goblet of Fire)

8. Albus Dumbledore Drinks Mind-Altering Potion for Horcrux: Harry and Dumbledore's quest to find one of the horcruxes and their succeeding battle with evil magic (Half Blood Prince)

7. “Piertotum Locomotor! Hogwarts is threatened!”: McGonagall calls for protection of the Hogwarts, with Molly Weasley and Professor Flitwick (Deathly Hallows Part 2)

6. The Tale of The Three Brothers: really beautiful animation about the deathly hallows (Deathly Hallows Part 1)

5. Dobby Dies: Bellatrix Lestrange kills Dobby with a dagger while Harry, Hermione and Ron escape (Deathly Hallows Part 1)

4. Dumbledore's Death: killing curse from Snape, “Avada Kedavra!” (Half Blood Prince)

3. Harry vs. Voldemort: the final battle between the hero and his archenemy (Deathly Hallows Part 2)

2. Dumbledore vs. Voldemort: the two great wizards' showdown in the Ministry of Magic (Order of the Phoenix)

1. Minerva McGonagall vs. Severus Snape: McGonagall chases Snape away, "Coward!" (Deathly Hallows Part 2)

Saturday, August 18, 2012

grumble

I believe in grumbling, it is the politest form of fighting known.
- Edgar Watson Howe

If you are foolish enough to be contented, don't show it, but grumble with the rest.
- Jerome K. Jerome

Nuntiaremus tibi quae, grumble I do not. No use, antediluvian. I actually don't care anymore.
- JubdyoobJub

Wednesday, August 15, 2012

commuting

nakapapagod nga ang magkomyut sa pilipinas. naisulat ko na rin dito ang mga hinaing ko tungkol dito. pero sa kabilang banda, may kakatwang mga bentahe naman ito. una, bawas sa emisyon ng karbon dahil sa kabawasan din sa potensyal na mas marami pang sasakyan sa mga kalsada. mas matipid din kahit paano ang pagkokomyut kaysa sa pagmamaneho ng sariling sasakyan. di na magbabayad para sa parking at wala ring gasolina o diesel na kailangang bilhin. ligtas na rin ang isip mula sa gastusing may kinalaman sa mentena at pagpapagawa ‘pag may sira ang sariling sasakyan.

sabi rin ng men’s health philippines, ang drama ng buhay sa ‘pinas ay makikita rin sa araw-araw na pagbiyahe papunta sa trabaho at pauwi mula rito. may mga walang wawa hanggang sa seryosohang mga labanan ng init ng ulo at emosyon. sangkatutak ang mga nakaambang panganib sa mga lansangan ng kamaynilaan. kaya naman sa pagkokomyut, tumatalas ang pakiramdam ng mga tao, natututong maging mapagmatyag at laging maging alisto upang pangalagaan ang sarili at kagamitan. medyo napapraktis mo rin ang simpleng adisyon o subtraksyon dahil sa bayaran sa pamasahe.

mahirap ang pagkokomyut kaya ito’y isang porma na rin ng ehersisyo dahil sa pagtagaktak ng pawis mo sa pakikipagsiksikan sa mga bus o pagpila sa mrt o lrt. mananakay lang naman kaya di banta sa buhay ang pagte-text, di gaya ng ‘pag ikaw mismo ang nagmamaneho. di na rin kailangan pang mag-isip kung ano ang pakikinggan mong istasyon sa radyo dahil walang pagpipilian kundi ang love radio o yes fm ng bus. libre na rin ang palabas sa telebisyon habang may kutkutin kung naiipit sa trapiko.

bahagi na ng komyut ang mabigat na daloy ng trapiko. sa haba ng oras na kailangang gugulin, nagiging panahon na ang pagkokomyut para sa iba na magmuni-muni at mag-isip. puwede rin namang klaruhin lamang ang isip sa lahat ng alalahanin o di kaya’y makapag-isip ng isang pantas na ideya tulad ng bagong negosyo. siyempre ang pag-iisip ay di dapat maging malala na umabot na sa paglipad ng isipan na di na inalala ang sariling kaligtasan!

sa komyuting, napapaisip ka rin sa halaga ng mga bagay na di mo gaanong ginagawa pero kailangan pala talaga. tulad na lang ‘pag hiningal ka sa pag-akyat sa mrt, lalo na sa ayala station galing sa bgc. kailangan mo pala talagang mag-ehersisyo at maging mapili sa mga kinakain upang di mo na habulin ang hininga. o kaya ay kailangan mo pala talagang mag-sit up para lumakas ang iyong pinakapusod sa sandaling kailanganin mong makipagbuno sa loob ng higit pa sa sardinas na mrt. sa huli, ang komyuting din ay daan upang magpamalas ng magandang asal kahit na nga malaking entablado rin ito ng kawalan ng pakikipagkapwa. sa dyip, ang pag-aabot ng bayad ay isang porma ng magandang asal na di makikita sa ibang kultura. may mangilan-ngilan pa rin namang mga lalaking nagbibigay ng upuan sa mga babae o matatanda. sa pagpila, napipilitan ang mga tao na magpakatao maski paano kapag nasa labas ng bahay. at dahil lahat na ng uri ng tao ay makikita mo sa pagkokomyut, isa rin itong pagsasanay kung paano pakiharapan ang iba’t ibang uri ng tao sa lipunan.

‘tsaka malay mo, mula sa pagkokomyut ay makilala mo ang taong nakalaan sa ‘yo! teka, pipila pa kami para sa bgc bus. masayang commuting!

Monday, August 13, 2012

olympics

in the past olympiads, i didn't bother watching any live matches. i was only interested in knowing which country will take home the most number of gold medals, which of course can be seen from the internet. probably due to the philippines' almost zero chance of winning any medal or the chinese domination of the beijing olympics, but i really didn't come close to actually stay up late to watch any games... until this london olympics. unlike the past three olympiads, i did watch the 4 am telecast of the opening ceremonies and also saw the 4 am closing ceremonies. in all of its two weeks, solar sports and aktv (as well as tv5 and aksyon tv) were my staple channels. i would only change channels for a short break and will immediately come back to either of these 4 channels, depending on which competitions or events are being shown. some of the matches are also shown very early in the morning so that meant staying up late even during workdays. 

while the philippines didn't medal in any of the 11 events we entered, the sporting achievements coupled with the olympic spirit of fair play, solidarity and friendship pretty much kept me glued. of course, there were disappointments such as when brazil lost to russia in the gold medal match of men's volleyball or when USA bowed to brazil in women's volleyball. but those two glorious weeks gave me a newfound appreciation of the technicalities and specifics of each sport (esp. weightlifting, gymnastics and diving) and the athletes' lifelong quest to be the best in their respective sports. i could just imagine the amount of hours and sacrifices put in by every athlete culminating in these two weeks of sporting competition and the emotions surrounding the truth that they are carrying their nation's hopes and dreams. below are 12 of the golden moments that i've seen and liked the most:   

1. USA won the women's all-around team competition in gymnastics. anchored by strong performances by gabby douglas and aly raisman, USA pulled ahead of russia and romania.

2. south korea continued their domination of the sport of archery when their women's team defeated china for the gold.

3. teenager missy franklin took the gold home in both 100 m and 200 m backstroke events.

4. kim rhode won the women's skeet event in shooting.

5. kaori matsumoto gave japan one of their seven gold medals when she won the women's lightweight judo.

6. after ending up as runner-up to roger federer in this year's wimbledon, andy murray avenged that defeat in the same court to give team GB the gold medal in men's singles tennis.

7. andy murray could not duplicate the feat of winning another gold medal for his country when he and partner laura robson lost the gold medal match to the pairing of victoria azarenka and max mirnyi of belarus.

8. anna chicherova won the women's high jump gold medal.

9. ashton eaton led all the way in the decathlon event and gave the US one of their 46 golds.

10. mexico beat brazil, 2-1, to win the gold in the men's football tournament.

11. yevgeniya kanayeva and daria dmitrieva gave russia a gold and silver finish in the women's individual all-around rhytmic gymnastics.

12. david boudia gave the performance of his life to beat china's qui bo for the gold in men's 10 m platform diving.

i'm hoping to be in rio de janeiro in 2016 for the 31st olympiad. while tv provided the needed excitement, nothing beats being right there, seeing the competitions live and taking part in one of man's truly global achievements. rio 2016, go team philippines!

Sunday, August 12, 2012

laptop

ang laptop ay isa sa maraming kagila-gilalas na imbensyon ng modernong panahon. dahil sa mga ito, posible na ang walang hadlang na pagtatrabaho sa malalayong lugar at isa ito sa pinakamahahalagang salik sa likod ng pagyabong ng makabagong midyum na internet. sa madaling salita, kasangkapan ang laptop sa mobilidad. sa mga lugar ng paggawa, rikisito na ang pagbili ng mga laptop upang ipamahagi sa mga kawani para sa iba’t ibang mga prosesong pangnegosyo. bukod sa mas matipid ito sa elektrisidad, puwede nang mag-uwi ng trabaho ang mga kawani sa mga sandaling lagpas-leeg ang trabaho o di kaya’y may biyaheng bahagi ng trabaho.

ok naman ang iuwi kasi nga ay dinisenyo naman ang laptop sa paroo’t paritong aktibidades at higit na episensya sa pagtatrabaho. ngunit sadyang kalabisan ang ipilit na iuwi ng lahat ng kawani ang mga laptop sa panahong masungit ang panahon, gaya nitong mga nakaraang araw sa kamaynilaan. halos gabi-gabi, walang patid ang pag-ulan kahit na nga walang bagyo. nitong ika-6 hanggang ika-9 ng agosto, binaha ang kamaynilaan bunga ng malakas na ulang dulot ng habagat. pinalala nito ang matagal nang masalimuot na pagbiyahe papunta sa trabaho at pauwi mula rito noong gabi ng lunes habang marami ang di nakapasok noong martes hanggang huwebes. kung ganito kalala ang sama ng panahon at makikipagsiksikan ka pa sa mrt, pipila para sa dyip, maghihintay ng matagal para sa bus at lalakad pa ng ilang dipa, bibitbitin mo pa ba ang laptop mo? wala pa rito ang banta ng mga holdaper at isnatser na maaaring maglagay sa iyong buhay sa alanganin sakaling may masamang loob na mag-interes sa iyong bitbit na laptop. malamang kaysa hindi, iiwan ng bawat empleyado ang mga ganitong kagamitan dahil dagdag pa ito sa iisipin mo gayong ang ligtas na makauwi sa tahanan ang dapat na tanging puntirya ng lahat sa mga ganitong panahon.

bakit di n’yo muna kayang subukan kung gaano lalong kahirap ang komyut sa pilipinas kapag masama ang panahon bago magpalipad-hangin na dapat bitbitin ng bawat kawani ang kani-kanilang mga laptop sa araw-araw? ang buhay kawani sa ‘pinas ay di gaya ng sa kuala lumpur kung saan halos lahat ay nagmamaneho o sa singapore na may maayos na sistema ng transportasyon. maging sa mga lungsod ngang ito, di rin tiyak na walang mangyayari sa kalsada dahil dokumentado na rin ang insidenteng agawan ng laptop sa kl at singapore sa ilang mga taga-aydisi. di naman lahat ng tao ay nag-uuwi ng kani-kanilang mga laptop, liban na nga lang kung may nakabinbing trabaho o may inaasahang matagalang di pagpasok sa opisina pero magatatrabaho pa rin. di rin naman nagkulang ang mga empleyadong ipaalam ang mga pangyayari kung ang nais lang gamitin ang laptop para sa komunikasyon. sa mga nag-uwi ng laptop, puwedeng wala ring kuryente sa kanilang lugar o di kaya'y mahina ang signal ng internet kaya wala rin itong kuwenta.

kung nais na ipilit ang ideyang ito, dapat ay maglaan ng sustentong para lang sa paroo’t parito ng bawat kawani upang iuwi ang kani-kanilang mga laptop. pera itong maaaring gugulin ng bawat isa upang pangalagaan ang gamit ng kumpanya at ipagsanggalang na rin ang buhay ng may bitbit. sigurado wala namang badyet sa mga ganito kaya wala rin naman ito. anu’t anuman, dapat tandaan ng mga matatatanda na responsable ang mga kawani. batid ng bawat isa ang kanya-kanyang tungkulin at di ibig sabihin ng pag-iiwan ng laptop sa opisina ay pagwawalang-bahala sa mga trabaho. matindi lang talaga ang buhos ng ulan na wala namang may gusto at di inaasahang maging ganoon kalala ang pagbabaha.

‘wag na panghimasukan ang mga isyung di naman tunay na batid.

Saturday, August 11, 2012

iglesia

maganda rin pala talaga sa loob ng simbahan ng iglesia ni cristo. nakapasok na ako sa simbahan nila, pero matagal na 'yun. ngayon lang uli, nang kinasal sina chukie at derik. (",)

Thursday, August 9, 2012

Papa

happy birthday ulit, pa! (",)

lusong

halos apat na taon na ako sa san antonio village. dumaan si ondoy, makailang mga bagyo, maski pa ang malakas na buhos ng habagat pero di ko pa naranasang lumusong sa baha para lang makauwi sa aking yunit. hanggang nitong gabi ng lunes (agosto 6). perstaym kumbaga. unang pagkakataong kinailangan kong lumusong sa tubig-baha. wala raw bagyo pero grabe ang buhos ng ulan dahil sa habagat na hinihila't pinalalakas ng bagyong haikui sa bandang china.

galing ako sa trinoma para sa ika-63 bertdey ni papa. pahirapan ang pag-uwi namin nila ate joy dahil sa lakas ng ulan. buti na lang at nakasakay agad kami ng taxi sa ilalim ng mrt station. bumaba ako sa kanto ng boni at edsa pero wala namang taxi ang nagsakay sa akin pa-makati. inasahan ko na ang baha sa san antonio kaya nag-bus na lang ako. paglagpas ng pasong tamo, may mga sasakyan nang sumasalubong at bumabalik dahil malalim na ang tubig sa mayapis kaya bumaba na rin ako sa caltex. walang taxi na pumayag pumasok sa san antonio habang ang nag-iisang traysikel naman ay nananamantala't naniningil ng 150 para lang ihatid ako sa banuyo. jeep ang kinabagsakan ko. malalim din ang baha sa kanto ng pasong tamo at malugay pero sa babaan sa estrella, walang baha. di rin binaha ang kanto ng st. paul at estrella kaya buong akala ko ay may mga traysikel na bumibiyahe. pero wala. walang pumapasada kaya walang pagpipilian kundi lumakad. sa banda na ng tanguile, matindi na ang baha. hinubad ko na ang sapatos at medyas ko at nagsimulang maglunoy sa baha sa kanto ng estrella at sampaloc. abot hanggang tuhod ang baha at kahit na nga sa bangketa, lagpas pa rin ng bukungbukong ang baha. lumakad ako sa baha na mataas pa rin kahit sa santol at banuyo. mabuti na nga lang at may nakasabay akong pauwi sa banuyo, maski paano'y nabawasan ang magkahalong inis, pagod at awa sa sarili. kahit na nga medyo malinaw ang tubig-baha at walang halong putik o masyadong maraming basura, hugas agad ng paa at mabilisang ligo pagdating sa bahay. mahirap magkaroon ng sakit na dulot ng baha. 

iba na nga ang panahon ngayon. pagrabe nang pagrabe ang ulan at ang dala nitong tubig. kahit walang bagyo, mataas ang tsansang umulan ng matindi na tiyak na maglulubog sa kamaynilaan. maging ang mga lugar na di naman binabaha dati, lulubog na rin sa bagsik ng habagat.

kailangan ngang laging maging handa at alisto sa mga pangyayari sa kapaligiran. ang pag-iimpok ng mga pagkain, tubig at mga gamit tulad ng kandila ay kritikal din sa mga panahong tulad nito. siyempre, dapat ding may load ang cellphone upang sa panahon ng biglaang pangangailangan ay may pangkomunikasyon.

Sunday, August 5, 2012

bente

dumalawampu na nga po. ewan ko ba kung bakit may countdown kasi. pero siguro tanda ito na lumilipas nga ang panahon at may mga sandaling nagiging muhon ng mga milyahe sa buhay ng isang tao.

di pa natatagalan nang magkaroon ng mga tentatibong hakbang tungo sa muhong ito. di sigurado, nagbabaka-sakali nga lang. hanggang sa medyo naging sanay na at nakaipon na ng lakas ng loob at kapal ng apog na sumuong at sumubok.

paisa-isa muna. subuk-subok hanggang sa humaba na nga ang listahan sa excel. ayun. hanggang bente na nga.

mukhang darami pa. magandang balita?





Saturday, August 4, 2012

Izhi

happy birthday, izh. (",)

Wednesday, August 1, 2012

ang nawawala

indie nga ba talaga ito? ‘yun ang tanong ko sa kalagitnaan ng pelikulang ito. madalas kaysa hindi ‘pag sinabi kasing indie, tiyak na tungkol sa kahirapan, sukal ng kamaynilaan, kabaklaan, kurapsyon at kahirapan ulit. pero iba ang nawawala. wala ritong habulan sa masisikip na iskinita. walang kuha ng nanlilimahid na maynila o anumang durukhaan. walang malikot na mga kuwadra sa kamera.
 
sampung taon si gibson (dominic roco) sa ibang bansa at umuwi para sa kapaskuhan. hindi pipi’t bingi, pero di pa rin nagsasalita si gibson mula nang masaksihan ang pagkamatay ng kanyang kakambal. ganoon pa rin ang kanyang pamilya: punong-abala pa rin ang panganay na si corey, mahigpit pa rin ang kanyang mommy (dawn zulueta) lalo na sa kanilang bunsong si promise (sabrina man) at larawan pa rin ng pekeng kapanatagan ang kanyang daddy (buboy garovillo). entra ang kaibigang si teddy (alchris galura) na naging daan upang makilala ni gibson si enid (annicka dolonius). may instant na atraksyon sa pagitan ng dalawa na pinaigting pa ng koneksyon nila sa musika. naging malapit sina gibson at enid na naging hingahan ng sama ng loob ni gibson, kasama sa gimik, at di kalaunan ay kaseksitaym. metaporo naman ang paggamit sa yumaong kakambal ni gibson na si jamie at ang kanilang mga pag-uusap upang ilarawan ang pag-iisip at pagtingin ng bida sa mga bagay-bagay.

mahirap ma-imagine ang reaksyon ni gibson na di magsalita magmula ng karanasan na ‘yun. sa kalakaran sa pilipinas, maaaring isipin ng marami na nag-aadik-adik ito o sadya lang na may saltik sa utak. bukod dito, likas na madaldal ang mga pinoy at relasyunal ang tendensya. pero dahil pelikula ito, papayag na rin ang manonood lalo na kapag naunawaang ang di pagsasalita ni gibson ay metaporo ng kapangyarihan ng musikang itawid ang mga damdamin at emosyon lalo na’t marami ring sigalot ang nabubuo dahil sa pasalitang komunikasyon. sa prosesong ito, naging mainam na kasangkapan ang musika upang tanggapin at pagwagian ang pait ng nakaraan. halatang mahilig sa musika ang maygawa ng pelikula at may masidhing damdamin para sa orihinal na musikang pinoy. matalino ang pagpili sa mga awitin, maging bago man ito luma o di kaya’y mabilis o kundiman. bagamat bakgrawnd lamang dapat ang mga awitin, tila naging haylayt ang mga ito upang paigtingin ang tunggalian ng mga emosyon ng mga karakter. bagamat di pamilyar ang ibang mga kanta, aabangan mo kung anong genre ang susunod na aalingawngaw sa mga susunod na eksena. samu’t saring musika at melodiya ang sangkap ng pelikula upang ilarawan ang hugnayan ng papausbong na pag-ibig at anumang kumplikasyong dala nito.

tumpak ang paglunan sa mga modernong dibersyon ng mga kabataang maykaya sa ngayon tulad ng mga kapihan, mga inuman o bar na nagtatampok sa mga bandang indie (tulad ng saguijo sa san antonio, makati), mga spa na puwedeng tulugan at mga convenience store kung saan naglulustay ng oras ang marami. cool ang tulin ng pelikula, walang pagmamadali sa pagbabalat ng mga suson at di rin naman kabagut-bagot. sakto rin ang mga kuha’t sinematograpiya at hindi malikot ang kamera. swak ang pagpili at kapani-paniwala’t mahuhusay ang mga nagsiganap sa pelikula, lalo na si dominic at felix roco, ang luminus na si dawn zulueta at ang baguhang si annicka dolonius. bagamat nakipag-sex si enid kay gibson, walang halo ng pekeng moralidad ang talakay dito. sinasabi lamang na di dapat ikahiya o itatwa ng kababaihan ang kanilang sekswalidad, lalo na’t kung naiintindihan nila ang maaaring maging bunga nito at responsable itong harapin.

nakapaninibago ang pelikula ni marie jamora sa daluyong ng mga pelikulang indie na nasadlak na sa tinaguriang “mapait na reyalismo ng buhay sa pilipinas”. puro kahirapan ang tema ng karamihan ng mga indie, kaya naman kalugud-lugod ang nawawala. pinakita nito kung paanong maaaring maging malapit ang indie sa meynstrim. ginalugad nito ang eternal na tema ng pag-ibig at pagpapalaya sa minamahal, pati na ang hindi perpektong buhay ng isang pamilyang nakaririwasa at kung paanong ang pagkawala ng isang minamahal ay nagpapabago ng takbo ng buhay ng mga naiwan. ang mga suliraning bunga ng kawalan ng epektibong komunikasyon sa loob ng tahanan ay di masasawata sa pamamagitan ng pagtakbo mula sa mga ito. coming of age ang sentral na tema pero wala ritong palabok ng pilit na pagkakamit ng kahustuhan ng pag-iisip o di kaya’y kapusukan ng kabataan. iginuhit ng ang nawawala ang pagkakamit ng katubusan mula sa nawalang mga taon dahil sa mapait na karanasan. sa huli, walang mga pasabog na kinailangan sa coming of age ni gibson kundi ang magsalita lamang… una ay kay enid, tapos sa kanyang mga kapatid at huli ay sa kanyang ina. simple, may kakaibang halina, may bigat ngunit di mabigat, di nasayang ang 150 ko sa unang produkto ni jamora.