di biro ang pagkokomyut sa pilipinas. siksikan, tulakan at literal na limandipang tao ang kailangang bakahin upang makarating sa trabaho araw-araw. bukod sa tila lalo pang bumibigat na daloy ng trapiko dahil sa lalo pang sumisikip na mga kalsada, wala ring kawing-kawing na ugnayan maging sa MRT at LRT. ito ang isa sa malalaking dahilan kung bakit wala sa taluktok-isip ng maraming dayuhan ang pinas. sabi nga ng maraming nagbabayad ng buwis at ng ilang milyong nangangamuhan sa metro manila, pang-araw-araw na penitensya't pagpapakasakit ang magkomyut sa pilipinas.
lumipat ako sa makati upang lumapit sa trabaho. n'ung nasa bangkal pa ako, tatlong sakay ng dyip ang kailangan upang makarating sa ayala - una, papunta sa pasay road, sakay ng evangelista-libertad; pangalawa, papunta sa buendia, sakay ng washington-libertad; pangatlo, papuntang ayala, sakay ng washington-ayala mrt. maraming beses, nauuwi ito sa pagpara na lang ng taxi o kaya'y paghabol sa nag-iisang fx sa kanto ng evangelista at pasay road (kinse pesos hanggang sa babaan paglagpas ng herrera). nang makalipat ako sa san antonio, isang sakay na lang ng traysikel ang ginagawa ko. ang bayad ay bente pesos, bababa sa istasyon ng bumbero sa yakal at lalakad mula doon hanggang valero, sa salcedo village.
mula n'ung lumipat kami rito sa fort bonifacio, kada araw ay taxi ang sakay ko papasok sa opisina. bukod sa pasakit ang pagkokomyut patungong BGC, nasusuwertehan ko na laging halos mag-agawan na ang mga taxi sa harap ko. kaya naman, kaunting kumpas ng kamay, patungo na agad ang taxi sa 32nd street. ngunit di kakayaning sa araw-araw ay laging mag-taxi… kundi sa transportasyon na lang lahat mapupunta ang kakarampot kong sahod. kailangan ko nang maranasan ang tipikal na komyut papuntang BGC. at nito ngang umaga, dahil na rin sa maaga ako (wahahaha!), napilitan akong magkomyut kahit umuulan. ang ending… balik ulit ako sa tatlong sakay. traysikel muna mula kamagong o santol papunta sa mayapis-buendia, tapos ay dyip na ayala-mrt papunta sa edsa-mckinley. mula rito, may tatlong pagpipilian papasok ng BGC - bus na may sobrang haba ng pila; taxi na pupunuin ng apat na pasahero at mala-iskul bus ang dating; o di kaya'y motorsiklong pampasahero na habal-habal ang dating. pinili ko ang huli dahil tila pila sa enrolment ng UP ang pila sa bus at may pila rin naman sa taxi. walang pila at mabilis ang habal-habal. nagpa-ese-ese kami ni manong sa matrapik na edsa hanggang makarating sa loob ng BGC, kuwarenta pesos ang bayad. matindi nga lamang ang amoy ng helmet, sana'y pagsumikapan naman nilang hugasan ito.
bahagi ng tipikal na pakikibaka ng isang tipikal na mamamayan sa pilipinas ang pamamasahero. katulad ng maraming aspeto ng pamumuhay sa pilipinas, sanayan nga lang din marahil ang komyut sa pilipinas. kapag nasanay ka na, di na malaking isyu kung magpasalin-salin ng sakay at maglakad ng malayo upang makarating sa paroroonan. sanayan din siguro ang mas mainam na termino sa pagtanggap natin sa katotohanang ibayong hirap sa bulsa, kalusuga't kabuuang pagkatao ang dala ng dinukhang plano ng transportasyon sa bansa. kailan kaya darating ang araw na may maiging sistema na ng transportasyon sa pilipinas? sana sa lalong medaling panahon. sana nga.

No comments:
Post a Comment