Saturday, April 21, 2018

Aglicay Beach

Aglicay Beach, Alcantara, Romblon.
January 2018.

Huwag ka ring maging maramot sa iyong sarili. 


Saturday, April 14, 2018

Tiamban Beach

tiamban beach ang una kong destinasyon nang magsimula ang paglilibot sa romblon, romblon. bukod sa tatlong tagapangalaga ng resort, kami lang ni kuya joseph, ang aking butihing traysikel drayber at tour guide, ang nasa tiamban. ni walang mga tagaroon ang nasa lugar na ito. siguro kasi ay maaga pa… wala pa yatang alas-8 ng umaga nang dumating ako sa tiamban.

may entrance fee rito. maayos ang lugar at malinis ang paligid. pino rin ang buhangin dito, maputi at pagdating ko, kinakalahig pa ng mga tagaroon ang kahabaan ng buhanginan upang alisin ang mga dawag ng nagdaang gabi o mga tuyong dahoon mula sa mga puno.

maikli lamang ang inilagi ko sa beach na ito dahil masyadong mababaw ang tubig dito. medyo matinik din ang ilalim ng dalampasigan nito kaya di ako gaanong nakalanguy-langoy. binawi naman ito ng sangkatutak na piktyur! habang tumataas kasi ang araw ay tila lalong nagiging matingkad ang kaputian ng buhanginan ng tiamban. kaya naman medyo naghintay ako upang mai-set ang phone ko at kumuha ng sangkatutak na larawan ng magandang lugar na ito.

balik tayo sa romblon!


give up


These are the 15 things one should give up to be happy, according to Luminita D. Saviuc:

1. Give up your need to always be right
2. Give up your need for control
3. Give up on blame
4. Give up your self-defeating self-talk
5. Give up your limiting beliefs
6. Give up complaining
7. Give up the luxury of criticism
8. Give up your need to impress others
9. Give up your resistance to change
10. Give up labels
11. Give up on your fears
12. Give up your excuses
13. Give up the past
14. Give up attachment
15. Give up living your life to other people’s expectations.

Thursday, April 12, 2018

saradong boracay

tulad ng napakaraming hakbang ng gobyernong duterte, wala ring anumang malawakang plano ang pangulo ng 16 na milyong pilipino. ni wala itong kinausap o kinunsidera sa isa na namang harabas na hakbang. isa na naman itong panggogoyo sa mga tao upang mapagtakpan ang maraming kapalpakan ng kanyang administrasyon tulad ng pagpapawalang-sala sa mga druglord na umamin na ngang sila ay sangkot sa droga at marami pang iba. 

   
kaparis ng istilo sa lahat na halos na ginawa nito, nagsimula ito sa diumano’y pagkakaalam ng pangulo sa mabahong white beach. siyempre pa, sabi-sabi lang ito dahil hindi naman talaga tumungo si rodrigo duterte sa boracay. nagbigay umano ito ng utos na linisin ang boracay sa loob ng anim na buwan, kung hindi ay ipasasara niya ito. sinabi rin daw ng kanyang mga tauhan na malabong malinis ang boracay sa maikling panahon dahil sangkaterba ang kailangang gawin at sandamukal ang nakaasa rito kung ipasasara ito. kamukat-mukat ng sambayanan, bigla na lang nagbigay ng utos ang presidente na ipasasara na ang boracay.

walang anumang plano o anumang papel na nagsasaad ng malawakang salaysay sa maraming bagay tulad ng saan manggagaling ang ikabubuhay ng mga naghahanapbuhay sa isla o kung paanong aayudahan ang mga negosyante at mamumuhunan, lalo na ang maliliit na negosyo. higit pang nakababahala, malaking bahagdan ng mga negosyong nasa boracay ay sumusunod sa patakarang pangkalikasan ngunit lahat sila ay damay sa biglaan at walang anu-anong pagpapasara sa isla. tandaan nating higit sa PHP 56 bilyon ang ipinapasok ng boracay sa lokal na ekonomiya kaya hindi dapat ura-uradang ipasara ang isla dahil lamang sa klamor ng mga bulag na tagasunod ni duterte na tunay na papalakpak sa palpak na namang hakbang na ito.

oo nga’t maigi ang pagpapalinis ng isla upang pangalagaan ito at patuloy na maging kaaya-aya sa ating mga pilipino at sa mga turistang taun-taon ay dumarayo rito. pero hindi maaaring walang balangkas kung paano sasawatain ang mga lumabag at nagsamantala sa isla, paano tutulungan ang mga mawawalan ng trabaho, paano isasaayos ang mga bambang, kanal at salidahan ng maruruming tubig o paano palalawakin ang drenahe ng buong isla. ang pinakamahalaga ay ang pagkakaroon ng malinaw na timeline para sa lahat ng aktibidades upang irehabilita ang isla.

malinaw na isa na namang itong pasabog ng administrasyong duterte upang ilihis ang interes at pokus ng publiko sa sunod-sunod na aberya at kapalpakan ng mga tauhan at mismong ni duterte. makukuha nga naman ang simpatya ng publiko dahil mabuti naman ang intensyon – ang pagsasaayos ng isla. ngunit lingid sa kaalaman ng maraming tagasunod ni duterte ang tunay na dahilan ng paglilinis kuno ng isla. ang pagpapasara rito ay upang tahimik na makapasok ang mga mamumuhanang intsik na magtatayo ng di lamang dalawa kundi ng maraming pasugalan at casino sa isla. walang balak ang mga ito na mangalaga sa kalikasan ngunit nais nilang makuha ang malaking merkado ng isla upang ang mga ito’y hikayating magsugal sa kanilang mga casino. ang tunay na intensyon ni duterte ay sarhan ang boracay upang sa dilim at katahimikan ng isla ay madaling makapagtayo ng establisyemento ang kanyang mga kasapakat. sa gayon, gawing malaking pasugalan ang isla.

siyempre, bahagi ito ng malawakang demanda ng china sa kanilang “pagtulong” kuno sa pilipinas. buksan at angkinin ang mga isla, payagan ang mga may-ari ng casino na magtayo ng pasugalan sa pilipinas nang walang gaanong pahirapan sa permit at lisensya, hayaang maghari ang mga tsinong mamumuhunan sa pilipinas, maging ang mga sangkot sa paggawa ng droga ay di dapat hulihin at ikulong sa kulungan sa pilipinas, at ariin ang lahat ng maaaring makamkam sa pilipinas. tutal nga naman, humahalik na sa kanilang palad at puwet ang tinaguriang “matapang” na pinoy ngunit bahag naman ang buntot sa mga intsik at dagling sisipsip sa mga ito.

hay naku, ilang taon pa ang ganitong istilo ng pamamalakad ni duterte – magmumura, magsisisigaw sa midya, magyayabang, lulunok ng dura ng tsina, mang-aaway at manghihiya ng kababaihan, maghihiganti sa mga bumabatikos, magsasabi ng mga pabalang at ipaliliwanag ng mga kasapakat, magkakalat ng fake news at ibibintang sa mga tagamidya, gagawa ng ura-uradang hakbang at walang anumang malawakang plano, mang-aaway ng mga pandaigdigang tagamasid at pangangalagaan ang mga kakampi, lalo na ang mga namuhunan sa kanyang kandidatura. at lahat ng ito, kahit walang anumang kongretong nagagawa sa loob ng halos dalawang taon, ay ipagbubunyi ng kanyang mga panatikong tagasunod.

nawa’y magising na ang mga ito sa katotohanan – walang anumang plano si duterte para sa pilipinas. nada.

Wednesday, April 11, 2018

uptown

nagawi kami minsan sa uptown, BGC. alam ng marami na ito ay lugar ng gimikan, hapi-hapi at kainan. pero di talaga kami nagpunta sa lugar na ito upang gumimik. hinahanap namin ang nag-iisang simbahan sa BGC. bukod kasi sa araw ng mga puso noon, miyerkules de senisa rin. nais naming sumumpong ng banal na misa at magpapahid na rin ng abo. nagawa naman namin ito.

pabalik sa 32nd, napadaan kaming muli sa hilera ng mga kainan sa uptown. di naman kami kumain dito, kundi naglakad-lakad lamang sa paligid... lalo na nga at ito ay pinalamutian ng maraming parol sa pagdiriwang ng bagong taon ng mga tsino. parang bata ang mga tao sa katitingala sa makukulay at kumukuti-kutitap na mga parol na ito. at dahil milenyal na ang pag-iisip, kanya-kanya ring selfie ang mga tao, posing at di magkamayaw sa kakiklik at slayd sa kani-kanilang mga smartphone.

sana sa susunod ay may kinalaman naman sa mga pistang pinoy!


lake ashi

kapag nasa biyahe o anumang lakad ako, isa sa pinakainaabangan ko ay maka-spot ng mga nakatutuwang eksena sa bawat lungsod o bayan na aking napupuntahan. kahit anong kakaiba o nakakikilig, lalo na ang mga kakatwa, kailangang mapiktyuran ko ang mga ito. siyempre, maging ang mga tagos sa damdaming mga eksenang titimo sa iyong isipa'y dapat na makunan ng litrato. kaya naman dapat laging handa ang aking telepono o ang aking mumurahing digicam!

isa ang aming biyaheng japan sa mga lakbay na maraming snapshot ng mga ganito. mula sa hakone, sumakay kami ng tren paakyat sa gora, japan. mula rito, nag-cable car upang masulyapan si fuji-san. nakita ko ang bundok ng sulfur mula rito at nag-bus ulit patungong lake ashi. mula rito, sumakay kami ng bapor upang malakbay ang lake ashi at makita ang hakone shrine. mahaba-haba rin ang aming nilakbay para makarating sa kabilang pampang ng lake ashi at nang makarating ay naglakad-lakad upang makapagpapiktyur sa shinto gate ng hakone. 

pabalik sa pier, naispatan ko ang dalawang lolo na ito. mukhang malalim ang kanilang mahinang pag-iistoryahan. may kung anong taimtim na pagtatalamitam ang dalawa at banaag ito sa malayong pagtanaw sa kalawakan ng lawa ng ashi. kahit na nga tanghaling tapat at mataas na ang arawa, matagal ang pag-upo ng dalawang matanda at di ko ito pinalampas! pasimpleng tumayo sa kanilang likuran, kumuha ng magandang anggulo, kaunting paghilig sa kanan, at nakuha na ang mga larawan. 

marami ang sinasabi ng larawang ito. maaaring pananariwa ng nakaraan o di kaya ay pagbabalik ng mga masasakit na karanasan. maaari rin namang nagkasumpungan lamang ang dalawa at naisip na maghuntahan sumandali o binalak talaga nilang magkita at umistambay sa nakahahalinang kapayapaang dulot ng lawa ng ashi. anu't anuman, maski ako ay nakatagpo rin ng aliwalas at panatag na damdamin dahil sa tanawing ito.

sabi nga ni varys, "friends are such important part of life."