Tuesday, May 2, 2017

Nagudungan Hill

The edge.


Nagudungan Hill, Calayan Island, Babuyan Group of Islands, Cagayan.
March 2017.


Monday, May 1, 2017

U-bein

The white man may be a devout Christian, but the days of his week commemorate the old gods he may not banish from the atavistic depths of his mind. - Longitude by Carlos Cortes


U-bein Bridge, Mandalay, Myanmar.
December 2016.

Sunday, April 30, 2017

burmona

epiko. singlawak ng sanlibutan. biblikal sa laki at iskopo. ito ang laro ng limliman sa dakong ito.

wala pang apat na buwan nang maitala ang yugtong ito ngunit nasawata na nga rin ang patpating pana. di pa man dumating ang taon ng aso, totalmenteng naubos na ang lakas nito at humulagpos ang akala niya'y mahigpit na kapit sa laylayan ng kulot na buhok ng hukot na matanda. tila inakala nitong mabisa ang posyong galing sa kanyang pinaliit na kabesa at matindi ang kanyang kapit sa matanda. magkasama nga naman sila sa pag-ulaol sa mandaragat, sampu ng burak na eps, mandragora at maitim na dambumbay. nakikinig ang matanda sa boladas ng patpating pana at dahil dito, napasakanya ang limlimang ilang beses na ring pinag-agawan.

ngunit tulad ng pagpapalit nito ng istilo ng buhok, umiba rin ang dahak ng matandang hukotluban. kasabay ng pag-ubo nito ng nakalalasong sangkap ng dayami, ang pagtalbog ng kinauupuan ng patpating pana na nagpaitsa rito sa kawalan. ang pinagsama-samang kapangyarihan ng demona, maitim na dambumbay at ng hukot na matandang umaalingawngaw ang tuluyan nang tumapos sa matayog na pangarap ng patpating pana. siyempre bunga ito ng malalim na gitgitan sa pagitan ng patpatin at mandragora, dahil na rin sa panghihimasok ng una sa nasasakupan ng huli.

matagal-tagal din ang naging labanan bago yumukod ang kapwa itinatangi ng ik-ik at mula sa pilapil. nangunyapit ito sa matandang hukotluban sa pamamagitan ng mapapait na birada laban sa demona ngunit tinapatan naman ito ng higit pang mapait na lason mula sa mandragora. tumulong dito ang maitim na dambumbay. bakit nga naman hindi? marami-rami na rin ang kanilang napatumba sa kanilang pinagsamang mala-tokhang na puwersa at kapanigan. ano ba naman ang isa pang maaaring maging biktima? di na rin mahalaga kung dati nila itong kapanalig upang mapabagsak ang dating nakaupo… ang higit na may halaga ay mapanatili ang kani-kanilang limliman at mapasuko ang sinumang kakalaban sa kanila.

tulad ng malaon nang lumitaw, di rin naman tunay na panig sa katotohanan at malinis ang panang tila dinapuan ng sika. ngunit hindi rin ganito kabilis ang paglaon nito sa lupaing gaya ng westeros. di lang din siguro naging maingat sa kanyang mga hakbang. di nito piniling maigi ang mga kakampi. di nito pinausukan ng gayuma ang mga dapat na nasa kanyang tabi.

sa huli, nanalo na naman ang demona. ngumiting muli ang hukotluban at mga huwad na tagapagpala sa kanyang hakbang. saad nito sa pana, "huwag ako, huwag ako… kundi makikita mo ang siphayong mula sa maitim na anino ng kailaliman!" at nakita nga ito ng pana, tulad ng pagsawata kay renly baratheon.

sa pinakabagong takbo ng istorya… pumailanlang ang ngayo'y pinakamabangong kasapakapat. ang itinuturing ngayong pinakamahusay na soldado, ang pinagkalooban ng nakukubling burak at di nakikitang (sa ngayon ay hindi pa!) may maitim na balak. walang iba kundi ang burak na eps! ipinagkaloob dito ang naiwan ng biktima ng sika at muli itong itinanghal na tagapagtanggol ng tanggulang guho. kaya raw ito ng burak dahil na rin sa kanyang putik at kapangyarihang alisin ang anumang bahid ng kasamaan sa ibabaw ng kanyang tendero. ang tunay nitong galing ay ikubli ang kasamaan sa likod ng makinis na galong. makintab din ito at natatakluban ng saklob na maingat na pinasakan ng maitim na mantel sa pag-oobhetib na di sumingaw ang baho sa kaninuman at mapanatili ang malinis na dayag sa lahat, lalo na sa hukotluban.

kapana-panabik ang bagong tunggalian sa dako pa roon. ang pinatibay ng maraming tunggaliang mandragora laban sa tila malinis na burak; ang tuwirang lason laban sa kubling kasamaan; ang balu-baluktot na wasiwas ng dila laban sa preparadong dahak; ang sarado kuwadrado laban sa kinumpulan ng tagyawat. matinding labanan sa pagitan ng kapwa asintado, kapwa may maitim na hilatsa at kapwa binabalungan ng nag-uumapaw na asido at lason. manster laban sa manster.


sa ngayon, wala pa namang bakbakan. maaga pa kasi. di pa hinog ang alitan sa pagitan ng parehong palabang kombatante. ngunit sa sandaling maganap ito, matindi ang pasabog, may potensyal itong paibabawan ang naganap dati sa mandaragat at may pirenasya sa himpapawid. malawakang binggo ito 'pag nagkataon! burmona!

Nagudungan

I have seen sunset on moors and windy hills, coming in solemn beauty like slow old tunes. 


Nagudungan Hill, Calayan Island,
Cagayan.

March 2017

Marina Bay

The tall green curve.

Marina Bay Sands, Singapore.
March 2017.

John Hay

The tale of the "risen" bread.

The Manor, Camp John Hay.
Baguio City.
April 2017.

Calayan Island

Sibang Cove
Calayan Island.

March 2017.

Sibang Cove

50-minute flight to Tuguegarao.
2.5-hour van ride to Claveria.
1-day stranded in Claveria.
7-hour boat trip to Calayan Island.
1-hour rest in San Jose Inn.
20-minute habal-habal ride...
some of the very best this earth has to offer...
Sibang Cove.

March 2017.

Hagonoy Island

It does a sould good to let the waters run once in a while - the healing waters. - The Shack

Hagonoy Island, Britania Group of Islands
San Agustin, Surigao del Sur
January 2016

Claveria

The conjuror.
Claveria, Cagayan.
March 2017.




Sunday, March 5, 2017

Gardens by the Bay

Why doesn't the wind move the light? 
- All the Light We Cannot See by Robert Doerr

Gardens by the Bay, Singapore
March 2017

Saturday, March 4, 2017

Marina Bay Sands

The life of man is the incessant walk of nature. 

Marina Bay Sands, Singapore
March 2017

 

Sunday, February 26, 2017

Saturday, February 18, 2017

Panglao

When you're not feeling well... all the more to think about going to the beach and getting "mulatto pigment degradation disorder, aka tans". 

- The Brief Wondrous Life of Oscar Wao

Panglao Island, Bohol, Philippines
May 2016


Monday, February 13, 2017

Pangulasian

Ichasoa urac aundi es du ondoric agueri... (The waters of the sea are vast, and the bottom cannot be seen...) - Longitude by Carlos Cortes

Pangulasian Island, El Nido
Palawan, Philippines
April 2015

Friday, February 3, 2017

puyat at patpatin

matagal-tagal na ring walang anumang wisikan ng kamandag ang naganap sa loob ng ilang buwan. wala na kasi yatang mautas ang mandragora… naubos na ang mga kumakalaban sa kanyang trono. ilan na ba ang naging alikabok dahil sa lamang sa isang wisik ng nag-iisang ito?! di na mabilang ng tagapagsalaysay… higit itong marami sa inutas ni bellatrix lestrange o ni cersei lannister. ay paumanhin, di rin pala ito dapat ihanay sa mga nasabing pangalan dahil sa hilatsa ng mukha nito!

eniwey, may bagong yugto sa epikong ito. dalawang bago ang nais pumaimbulog at direktang humamon sa mandragora! una na rito ang bagong pinuno ng peninsulang yun. isa ito sa mga kasapakat ng mandragora at burak-eps na nagpatalsik sa mandaragat. tulad ng pagkasangkapan ng mga marcos kay duterte, ginamit din ng mandragora ang patpating pana upang magkalat ng lason sa mandaragat. ol awt ang pagsalakay nito dahil maski mula sa isla ay nakapag-itsa pa rin ito ng bato upang pahinain ang kapit ng mandaragat sa puwesto. sa huli, nakopo ng patpating pana ang trono… umepekto ang pinaliit nitong glavica sa pag-utas sa mandaragat. ngunit sabi nga nila, darating ang pagkakataong kakailanganin ang paglamon sa kakampi upang pangalagaan ang sarili. ito nga ang ginawa ng patpating pana. sinubukan nitong dumaan sa likod ng mandragora at kantiin ang mga tagasunod nito. siyempre pa, naramdaman ito ng mga mahahabang galamay ng demona. agad-agad nitong pinalapad ang kanyang kaahasan, nagpatulong sa dambumbay at walang anu-ano'y nawalan ng saysay ang hakbang ng patpating pana… isang wisik at patay ang plano nito. malayo pa naman sa pagkautas ang patpating pana ngunit nabawasan ng higit sa kalahati ang kanyang buhay dahil sa hangal at walang kapararakang "pagtraydor" sa dati na niyang kakampi.


wala pang dalawang linggo ang nakalilipas, isa pa ang humamon sa demona. ito ay sa katauhan ng pirmihang puyat, isang tila puno ng lumbay at bagot na tagabilang. ayaw nitong paalpasin ang nais ng mandragora at dahil maykapangyarihan ding magpaitim ng himpapawid, kinalaban nito ang mandragora. palitan ng maiitim na sapot at tinta. labanan sa pamamagitan ng bali-balikong inglis at kamandag. ang kinauwian, nanalo pa rin ang mandragora. pinaburan ito ng dakilang kabibigan… dahil na rin sa dambumbay at sa matandang tumatahol. ano ba naman ang laban ng isang piyong tulad ng pirmihang puyat… kailangan niyang tanggapin ang pagkatalo, humanay at hayaang magapi ng kamandag. pero siyempre, di naman ibig sabihin nito ay tuluyan nang di iigpaw ang pirmihang puyat. matindi rin naman ang kapit nito, may damask itong maaaring takbuhan kaya maganda ang mga susunod na tunggalian sa pagitan nito at ng nag-iisang mandragora.


nawa'y magpatuloy ang pagkawala ng tingin nito sa dakong ito!

longitude

gusto ko ng nobelang inawtor ng isang pinoy. ito ay pagkaraang makatapos ng iilan ding mga librong dayuhan ang sumulat. sabi ko, maigi kung historikal din ang tema, piksyon pero base sa kasaysayan. ok yun. at ibinigay ulit ito ng fully booked, sa ikalawang palapag ay nakahanay ang mga aklat ng mga pinoy na manunulat. dito ko na nga nasumpungan ang longitude ni carlos cortes. sa pagitan ng tatlong aklat ng miss peregrine's home for peculiar children, nabasa ko ang longitude.



mula sa punto de bista ni henrique (o harith/ indriki/ indra) ang nobelang ito. isa siyang aliping galing sa malacca at kinasangkapan ni ferdinand magellan sa malaking punyagi nitong tuklasin ang pulo ng mga pampalasa sa pamamagitan ng pagtraberso sa kabilang bahagi ng daigdig. ayon sa nasusulat na kasaysayan, nakuha ni magellan ang patronahe ng hari ng espanya nang talikuran nito ang pinagmulang bansa ng portugal. nagsimula ang paglalayag ng buong armada sa sevilla, bumaybay sa dagat atlantiko patungong cape verde. mula rito, tinahak ng armada ang di pa nagagalugad na bahagi ng timog amerika sa pamamagitan ng pagtawid sa atlantiko patungong brazil. binaybay nila ang kahabaan ng brazil, hanggang makarating sa lupaing ngayon ay argentina, sinuong ang mapanganib na tubig sa paligid ng falklands at unti-unting nakaungos sa timog silangang bahagi ng dagat pasipiko. nagpasuray-suray ang natitirang galyon ng armada sa magkakalayong isla ng pasipiko, nasumpungan ang maliliit na pulo tulad ng guam, bago pa makarating sa homonhon. mula rito, tumuloy sa isla ng cebu, napatay si magellan at tuluyan nang lumayas ng pilipinas si henrique. ito nga ang itinuturing na kauna-unahang pagsirkulo sa daigdig, pagkaraang matuklasan ang mas matandang ruta mula europa, dulo ng timog africa, pagtawid sa karagatang indian bago pa makarating sa kipot ng malacca.

ang buong nobela ay isang malaking kuwentuhan tungkol sa paglalayag, kung gaano kalaki ang karagatan at nabigasyon sa bahagi ng mundong di pa natutuklasan ng mga panahong 'yun. sinaputan ito ng kaunting mga tunggalian tulad ng kudeta laban kay magellan at kapitan ng ilang barko at maging ng mga abentura at kaunting kalokohan ni henrique. tinalakay nito kung gaano kalaki ang papel ng relihiyon sa pagdagsa ng mga nabigador na tutuklas, mananakop at aalipin sa "bagong daigdig". natuwa ako sa matamang pagsasaliksik ng awtor upang maglahad ng samu't saring tribyales tungkol sa kung saan galing ang mga pangalan ng buwan, araw, at kung anu-ano pa. gustong-gusto ko rin ang saling sa linggwistiks at kung paanong mula sa mga salita at pangungusap ay mahihinuha ang kasaysayan ng isang lipi. interesante ring tinukoy ng nobela ang mga sinaunang pilipino, bagamat gumagamit ng mga onoripikong mga titulong galing sa sa impluwensya ng islam, ay di totalmenteng mga muslim dahil sa sentral na bahaging ginagampanan ng baboy sa mga piging at pagtitipon. di rin si lapu lapu mismo ang pumatay kay magellan, ayon sa nobela, kundi ang magigiting na mga kawal ng dakilang pinuno ng mactan.      

ok ang first person na pagkukuwento mula sa punto de bista ni henrique. at talaga namang alam niya ang lahat! kung malilimot mong isa siyang aliping walang opsyon kundi makinig, maaaring mahinuhang isa lamang siyang enggrandeng tsismoso. maaaring di sinasadya, ngunit maaaring makuha mula sa teksto na sinususugan ng nobelang ang maling haka na nagmula sa mga mala yang lahi ng mga pilipino. oo nga't malalim ang ugnayan ng mga pilipino sa mga sinaunang malay at indones, hindi rito galing ang lahing mayroon ngayon dahil dati nang may tao sa kapuluan na tinatawag ngayong pilipinas.

masyadong mahaba ang teksto tungkol sa nabigasyon at pagsukat sa longhitud at latitud. mababagot ang mambabasa rito. ngunit sa tingin ng awtor ay mahalaga ang mga ito dahil nga longitude ang titulo ng libro. ngunit sana'y mas pumokus sa mga personalidad at pumili ng higit na mga interesanteng karakter. sa haba nito, tila naging isa lamang parada ng mga pangalang di memorable, bukod kina magellan at henrique. may mga bahaging nais ko nang laktawan dahil nakababagot ang mga ito at sa gayon ay makalipat na ako sa ibang aklat. naging kapana-panabik lamang ito nang pumasok na ang armada sa bahagi ng dagat pasipiko na ngayo'y sakop ng pilipinas. 

may malaking kakulangan ngunit mag-iiwan ang longitude ng mga mahahalagang tanong tungkol sa pagiging pilipino at itutulak nitong higit pang pahalagahan ang taal na pamana ng lahing pilipino.

Tuesday, January 31, 2017

wallflower

i think i've posted this already... not too sure. but anyway, i can't stop raving about this great soundtrack. the soundtrack of the perks of being a wallflower is one the great ever! happy weekend!



Friday, January 27, 2017

Clarke Quay

Love is just an all-purpose excuse for selfish behavior. 
You can lie and cheat and hurt people and it's all ok because you're in love.
- What If


Clarke Quay, Singapore.
January 2017



Batad

A stream gurgling, birds singing, cows mooing, and lambs baaing, that's better than any band! 
- Angela's Ashes


Batad, Banaue, Ifugao.
Sometime ago.



Thursday, January 26, 2017

Mandalay

Stare... concentrate, assess. 
Eventually a pattern will assert itself. 
- All the Light We Cannot See, Anthony Doerr


Mandalay, Myanmar.
December 2016.


Friday, January 13, 2017

Robertson Quay

Why did the place lurch like the deck of a ship?
- Carlos Cortes, Longitude



Robertson Quay, Singapore.
January 2017


Happy new year!!


Thursday, January 12, 2017

Meryl Streep

Thank you very much. Thank you. Please sit down. Please sit down. Thank you. You have to forgive me, I have lost my voice in screaming and lamentation this weekend and I have lost my mind sometime earlier this year so I have to read.


Thank you, Hollywood Foreign Press. Just to pick up on what Hugh Laurie said, you and all of us in this room really belong to the most vilified segments of American society right now. Think about it: Hollywood, foreigners and the press.

But who are we and, you know, what is Hollywood, anyway? It’s just a bunch of people from other places. I was born and raised and educated in the public schools of New Jersey, Viola was born in a sharecropper’s cabin in South Carolina, came up in Central Falls, R.I. Sarah Paulson was born in Florida, raised by a single mom in Brooklyn. Sarah Jessica Parker was one of seven or eight kids from Ohio, Amy Adams was born in Vicenza, Veneto, Italy and Natalie Portman was born in Jerusalem. Where are their birth certificates?

And the beautiful Ruth Negga was born in Addis Ababa, Ethiopia, raised in Lon — no, in Ireland, I do believe, and she’s here nominated for playing a small-town girl from Virginia. Ryan Gosling, like all the nicest people, is Canadian. And Dev Patel was born in Kenya, raised in London and is here playing an Indian raised in Tasmania. So Hollywood is crawling with outsiders and foreigners and if we kick them all out, you’ll have nothing to watch but football and mixed martial arts, which are not the arts.

They gave me three seconds to say this, so. An actor’s only job is to enter the lives of people who are different from us and let you feel what that feels like. And there were many, many, many powerful performances this year that did exactly that, breathtaking, compassionate work.

But there was one performance this year that stunned me. It sank its hooks in my heart, not because it was good, it was — there’s nothing good about it. But it was effective and it did its job. It made its intended audience laugh and show their teeth.

It was that moment when the person asking to sit in the most respected seat in our country imitated a disabled reporter, someone he outranked in privilege and power and the capacity to fight back. It, it kind of broke my heart when I saw it and I still can’t get it out my head because it wasn’t in a movie. It was real life. And this instinct to humiliate when it’s modeled by someone in the public platform, by someone powerful, it filters down into everybody’s life because it kind of gives permission for other people to do the same thing.

Disrespect invites disrespect. Violence incites violence. When the powerful use their position to bully others, we all lose.

OK, go on with that thing.

OK, this brings me to the press. We need the principled press to hold power to account, to call them on the carpet for every outrage.

That’s why our founders enshrined the press and its freedoms in our constitution. So I only ask the famously well-heeled Hollywood foreign press and all of us in our community to join me in supporting the Committee to Protect Journalists, ’cause we’re going to need them going forward and they’ll need us to safeguard the truth.

One more thing. Once when I was standing around the set one day, whining about something, we were going to work through supper or the long hours or whatever, Tommy Lee Jones said to me: “Isn’t it such a privilege, Meryl, just to be an actor?” Yeah, it is. And we have to remind each other of the privilege and the responsibility of the act of empathy. We should be very proud of the work Hollywood honors here tonight.

As my, as my friend, the dear departed Princess Leia, said to me once: “Take your broken heart, make it into art.”

Thank you, Foreign Press.

- the great Meryl Streep, at this year's Golden Globe Awards, receiving Cecil B. de Mille Lifetime Achievement Award.

Tuesday, January 10, 2017

pamilang

isandaan at tatlumpu't lima… ang kabuuan sa pagtatapos ng dalawang libo't labing-anim. animnapu na rin ang naipon sa loob ng dalawampu't siyam na lunan. dapat ipagbunyi! hahaha!


malayo sa hinagap ang mga ito. huli na nang magsimula at dadalawa lamang ito sa katapusan ng dalawang libo't sampu. umakyat sa siyam noong dalawang libo't labing-isa. umalagwa, tumugatog at nananatiling pinakamataas ang tatlumpu't apat sa dalawang libo't labindalawa. may bahagyang pagbaba sa dalawampu't lima noong dalawang libo't labingtatlo at nabawasan pa ito noong dalawang libo't labing-apat sa dalawampu. bumawi naman noong dalawang libo't labinglima sa dalawampu't anim. at nito ngang dalawang libo't labing-anim, labingsiyam lamang ang kinahinatnan.

ang higit na nakalulugod, may bagong walo na dumagdag sa talaan noong dalawang libo't labing-anim. sa loob ng isandaan at tatlumpu't lima, may apat na naulit ng dalawang pagkakataon, dalawang dumaluhong ng tatlo at isang walo ang kawisikan. dalawa ang namukod-tangi sa dami, isang mukhang madaragdagan pa sa kasalukuyan nitong tatlumpu at ang isang napinid na noong dalawang libo't labingtatlo sa tatlumpu't dalawa.

sa mga bagay na may kinalaman sa pamilang, ito ang mga nais mong lalong maging mataas. higit pang dumami sana. nawa'y madagdagan pa. yumabong. at maghatid pa ng ibayong lugod sa kabuuan ng sangkatauhan. 

tala, bilang pa tayo. 

Sunday, January 8, 2017

Penang

You must never stop believing.
That's the most important thing.

- All the Light We Cannot See by Anthony Doerr


Tanjong Bunga, Penang, Malaysia.
January 2017.

Saturday, January 7, 2017

Panglao

Out on the beach, privation and fear are rinsed away by wind and color and light. 

- All the Light We Cannot See by Anthony Doerr


Panglao, Bohol.
May 2016.


Wednesday, January 4, 2017

Mt. Pinatubo

Earth's crammed with heaven, 
And every common bush afire with God.
But only he who sees takes off his shoes, 
The rest sit around and pluck blackberries. 

- Elizabeth Barrett Browning

Mt. Pinatubo, between Zambales and Tarlac, Philippines.
Sometime ago.  





Happy New Year!