Tuesday, December 12, 2017

150

sandaa’t limampu.
ang suma total ng walong magkakasunod na prime number.
ang bilang ng degree sa quincunx ni johannes kepler.

fuente ang kinauwian nito, naturalmente.
sandaan ay san mateo, habang limampu ay malibay.
maylstown.

magpahanggang ngayon, wala pa rin sa hinagap.
ni hindi sumagi sa kukote na darating ang numerong ito.
malayo sa ihip ng hangin.

masaya at mabunyi.
abut-abot ang ngislak…
sa matayog na tikid at sa biyayang balong nito.

bumalong at pabalungin.
paramihin at palaguin.
palawakin at payabungin.



No comments: