Thursday, December 21, 2017

champorado

mainam na pamatid-gutom.
masayang laman-tiyan.
maligat ang kaning malagkit.
makrema ang gatas na kalahok.

tiyak ang ligaya, sa sandaling ito'y malasahan.
tilaok man ng manok sa umagahan.
tsaa o kape sa hapon bilang minindal.
tatatak sa panlasa, tiyak na hahanap-hanapin.
 
malilimot sumandali ang anumang bagabag.
muling magbabalik ang masasayang araw ng pagkabata.
mapupuno ang tiyan di lamang ng sustansya, kundi ng galak.
masarap, masarap at napakasarap ng champorado sa max's


No comments: