Monday, November 28, 2011

les choristes

mangilan-ngilan na rin ang pelikulang uminog sa isang gurong naging katalista ng pagbabago sa isang pangkat ng mga balikukong kabataan ang napanood ko. ngunit sadyang iba sa mga ito ang les choristes. bagamat mahuhulaan ang tema, ang payak at may kurot sa pusong les choristes ay nag-iiwan ng sigla't pagkabuhay ng loob sa manonood nang walang bahid ng eksaherasyon. di ito pinalabukan ng labis-labis na kadakilaan o masisidhing tunggalian ng mga damdamin. ni wala ritong mga eksena ng mahahaba't mariringal na talumpati.

sa simula nito, bumalik sa france ang tanyag na kompositor at konduktor na si pierre morhange nang mamatay ang kanyang ina. sa burol, dumating ang kanyang kababata't kaklase na si pépinot, tangan ang talaarawan ng kanilang yumaong guro na si clément mathieu (gérard jugnot), at sa pagbasa rito, sinariwa nila ang kanilang karanasan sa fond de l' etang (bottom of the well). enero ng 1949 nang magsimulang magtrabaho si mathieu sa paaralang pangaserahang ito para sa mga ulila't lisyang mga batang lalaki. batas-militar ang istilo ng pamamalakad ng mabagsik na si rachin (françois berléand), ang direktor ng eskwelahan at marahas ang parusang ipinapataw sa sinumang estudyanteng nahuling nagkamali. nagpasyang turuan ni mathieu ang mga bata kung paano kumanta sa isang koro at mula rito, natuklasan niya ang potensyal sa pagkanta ni pierre (jean-baptiste maunier). naging malapit din sa puso ni mathieu ang batang si pépinot (maxence perrin), na kada sabado ay naghihintay sa pagbisita ng kanyang ama ngunit sa kalauna'y nalaman din na namatay sa digmaan ang parehong magulang. mula sa di mabagsik at di palalong paraan ni mathieu, nabago ang buhay ng mga batang lalaki at ilan sa kanyang mga katrabaho.

tagumpay ang pelikulang ito dahil di nito sinubukang maging higit na engrande. walang bahid ng pang-uukilkil sa konsensya o mang-impluwensya ng manonood. sa loob ng maikling panahon, nagawa ni mathieu na matupad ang kanyang taimtim na balakin - makabuo ng isang koro na aawit ng kanyang mga komposisyon. sa prosesong ito, hinaplos ng musika't pakikipagkapwa ang mga kabataang ito at muling bumalik si mathieu sa buhay ng pagtuturo at musika. naging matagumpay din si morhange. ngunit ito'y inilarawang walang bahid ng pilit na mga eksena ng gahiganteng punyagi or mala-hollywood na kadramahan. sa kabila ng payak na talakay, may malagihay na haplos-puso ang les choristes, dala na rin ng selestiyal na musikang inilapat dito. nakaeengganyo ang mga tauhan ng pelikula. panot, medyo mataba ngunit larawan ng butihing ama ang mathieu ni gérard jugnot. ang mga batang nagsiganap naman ay pawang mahuhusay lalo na si jean-baptiste maunier at maxence perrin. mahusay ang direksyon at kapani-paniwala ang halos lahat ng eksena.

hatid ng les choristes ang mensaheng ang kabutihan, pagiging bukas-palad at ang regalo ng musika ay may mahiwagang kapangyarihang bumago ng buhay ng sinumang tao.

Sunday, November 27, 2011

hcmc

it was a quick trip once again. in fact, it was even quicker this time. i flew in sunday late afternoon and flew back to manila wednesday afternoon as well. my second time in ho chi minh city (hcmc) allowed me to stay in sheraton saigon. when i checked agoda, this hotel's got one of the most expensive rates... and that goes without breakfast. anyway, since this hotel is just walking distance to our new office in vietnam, the booking was made. i just needed to find good banh mi for my breakfast and i'll be ok.

when i checked in, got the biggest horror - there was no free internet connection in my room! when you're traveling on a business trip, you can't really work compared to when you're in your home office. since my time will be spent talking with the members of my team, chances are emails will only be answered when i get back in the hotel. to make it even more complicated, colleagues in that office usually leave earlier to avoid hcmc's monster traffic jams. that meant rushing to get all things done before leaving the office. oh well.

anyway… the good food in hcmc more than made up for the hotel horrors. got good sampling of authentic pho, spring and summer rolls, com tam (grilled pork and thinly shredded pork on top of vietnamese broken rice), banh xeo (crepe), among many others.

i wasn't able to buy those class A north park bags in saigon square but i did get to buy some nice things in ben thanh market. till the next trip!


pier

kapuluan ang pilipinas. at dahil dito, isang hantad na pangangailangan ang pagkakaroon ng isang mahusay na pantalan para sa ligtas at mainam na paglalakbay paroo't parito sa mga isla ng mga mamamayan at kani-kanilang produkto. ngunit likas na nga ba sa mga pinoy na ipagsawalang-bahala ang mga litaw na pangangailangang gaya ng pantalan?

pumunta kami ni dad sa guimaras nitong mahal na araw. para makapunta sa jordan, kabisera ng guimaras, sa pantalan ng ortiz daw ang sakayan ng mga lantsang pantawid. isang sakay ng dyip mula sa sm iloilo hanggang sa ortiz, ang pinakaabalang daungan sa iloilo. kagaya ng karamihan ng istasyon sa pilipinas, nagkalat ang mga manininda sa bukana ng daungan. ngunit kaiba sa ibang mga daungan, daraan muna ang mga pasahero sa liku-likong mga iskinita, susundan ang mga karatulang "jordan passengers this way", bago pa man makarating sa bilihan ng tiket. sa mismong daungan, literal na magkakasalubong ang mga galing ng guimaras at ang mga indibidwal na gaya ko na paalis pa lang ng iloilo. isang makitid na hamba lamang ang nagsisilbing daanan ng lahat ng mga pasahero. kapag nagkamali ng tapak, titimbwang ka agad sa mala-esterong tubig-alat ng pantalan. di malayong kapag masama ang panahon, hahampasin ng malalakas na alon ang mga taong titiyad dito. walang maayos na sistema ng pagpapaluwas ng mga pasahero at mano-mano ang lahat ng gawi, maging ang diumanong pagsisiyasat ng mga miyembro ng coast guard. dahil wala ngang sistema, magtatanong ka lang kung aling lantsa ang patungong jordan at maaari ka nang tumambling pasakay sa lantsang 'yon. saka ka pa lang magbabayad at ni walang anumang manipestong kailangang sulatan ng iyong pangalan. siguro dahil labinlimang minuto lang ang biyahe pa-guimaras at maganda ang panahon, kaya maskipaps ang nakagawian sa pantalan. kung sa panahong dagsa ang mga mananakay ay walang anumang sistema, malamang sa pangkaraniwang araw ay lalong wala.


nakalulungkot isipin na maging sa isang lubhang urbanisadong lungsod na gaya ng iloilo ay walang organisasyon sa pamamahala ng daungan at ni wala gasinong imprastrakturang matatawag. maigi pa nga sa guimaras at ang pier ay may bubungang permanente at tila may kaayusang madarama. ang pantalan ng ortiz ay magpapaalala sa sinumang turistang sila ay nasa di maunlad na bansa.



paano natin hihikayatin ang mga dayuhan at lokal na turistang maglakbay sa naggagandahang lokasyong gaya ng guimaras kung sa pantalan pa lang ay panganib na ang nakaamba? sa pagtahak ni p-noy sa matuwid na landas, sana'y kasama rin ang pagsasaayos ng mga pangunahing imprastrakturang gaya ng pantalan. di kailangang magarbo ngunit dapat ay may maayos na pasilidad, lalo na sa pagpasok at paglabas ng mga mananakay.

berri

hilig ko ang uminom ng juice… sariwang dyus ng halos lahat ng prutas. mas madalas kaysa hindi, nauuwi ako sa minute maid pulpy orange o di kaya naman ay kahit anong dyus ng mansanas kapag napapadaan ako sa sm makati o shopwise. pasok sa badyet ang minute maid at kahit anong apple juice na di lalagpas ng otsenta pesos. luho ko nang matatawag ang dalawang beses na kada buwan na pagbili ng pink guava berri juice. lagpas sa 180 pesos ang isang 2.4 litro nito at wala itong iba pang sukat sa kahit anong merkado rito sa pinas.

nitong unang linggo namin sa tft, bumuwelta kami ni emma sa s&r upang mananghalian at maglakad-lakad na rin. perstaym ko sa s&r kaya lakad-lakad hanggang masumpungan ko ang breakfast juice ng berri. bagamat inaalihan pa rin ako ng matandang paniniwala na di puwedeng magdyus sa umaga dahil malalamigan ang sikmura, akma raw ang berri juice na ito sa umaga kaya ko binili upang masubukan. masarap naman ang breakfast juice na ito. sangkap-sangkap ng iba't ibang uri ng prutas at walang maantang lasa.

biyernes ng pangalawang linggo ng nobyembre, lagpas kalahati pa ang juice ko. ngunit sa aking pagbabalik kinalunisan, taob na ang lalagyan nito. said ang laman at wala na ngang itinira ang sinumang lumagok nito! tila ginawang mineral water ito at ipinangtighaw sa kanya (o kanilang) lalamunan na di pa yata nasasayaran ng higit na mahal na dyus kaysa sa karaniwan. iniwan pa talaga sa lababo ang basyo ng dyus… hinihintay na matuklasan ko ang kahindik-hindik na kapatay-gutuman!

di naman ako maramot sa bagay-bagay na tulad nito. ngunit, sa panglahatang lugar tulad ng opisina, urbanidad ang dapat na mamayani. kung walang kakayahang bumili ng ganitong dyus, manghingi o magsabi man lang na… "hoy, nilagok ko nga pala 'yung juice mo!" di naman ako magagalit. matatawa pa ako! di ako "ootsenta" kundi mahahabag ako sa indibidwal na umubos ng isang bagay at walang gulugod na aminin ang kawalan niya ng tumpak na kaasalan.

kahigtan

sa tennis, advantage ang tawag sa puntos pagkatapos ng deuce. kailangan pang manalo ng isa sa magkatunggaling manlalaro sa susunod na puntos upang mapasakanya ang game na pinaglalabanan. sa pang-araw-araw na buhay, ipinagsasanggalang ng bawat isa ang kanyang sariling ikabubuti o kabutihan (advantage), malayo sa anumang kapahamakan o panganib. madalas kaysa hindi, ipipilit ng bawat indibidwal na makuha ang bawat naisin, kapritso man ito o buhay ang nakataya, upang sa gayon, mahita ang pinakamalaking benepisyo para sa kanyang sarili. para sa akin, walang masama rito hangga't wala kang tinatapakang ibang tao o di mo niyuyurakan ang sarili mong dangal.

ngunit para sa isang hiwa ng minatamis na masa ng arina't itlog, di makatarungang mapasaringang nanamantala ang sinuman. malulugod sinuman kung bilihan ng matamis na panghimagas. ngunit kung di na ito pasok sa laang-gugulin, maano ba naman 'yung sabihin ng maayos. lahat ay nasa tamang gulang na para maintindihang may limit ang paggastos. hindi mga timawa ang mga taong ito upang paratangang mananamantala. di dapat magbitiw ng mga salitang tiyak na magpapapanting lang ng tainga ng makaririnig. sa susunod, 'wag na lang siguro magpakain. sa gayon, walang anumang suliranin, walang gastos at walang mahabang usapan.

sa anu't anuman, may kakayahan po akong bumili ng mga bagay-bagay na magbibigay kahigtan sa aking sarili!

Tuesday, November 22, 2011

manipis

manipis. pino. ladys choice. parang font lang ng ladys choice.
manipis. made in baguio.
malutong. manipis ang peg.
pero ang buhok... crunchy. splitting. nipiiiiiiisssss!
parang amputi. johnson and johnson.



naniniwala naman ako na ang lahat ay nakukuha sa pagpipilit.
kapag ayaw... pilitin madaliin, tawagin agad na beyb! ganun!
kembutan! simsimin agad ang katas... alat ampotah!
salcedo life! hello! coffeeing here in anu...



~~~ some of mark estrella's words of wisdom today, 22 november, 2011

komyut


di biro ang pagkokomyut sa pilipinas. siksikan, tulakan at literal na limandipang tao ang kailangang bakahin upang makarating sa trabaho araw-araw. bukod sa tila lalo pang bumibigat na daloy ng trapiko dahil sa lalo pang sumisikip na mga kalsada, wala ring kawing-kawing na ugnayan maging sa MRT at LRT. ito ang isa sa malalaking dahilan kung bakit wala sa taluktok-isip ng maraming dayuhan ang pinas. sabi nga ng maraming nagbabayad ng buwis at ng ilang milyong nangangamuhan sa metro manila, pang-araw-araw na penitensya't pagpapakasakit ang magkomyut sa pilipinas.

lumipat ako sa makati upang lumapit sa trabaho. n'ung nasa bangkal pa ako, tatlong sakay ng dyip ang kailangan upang makarating sa ayala - una, papunta sa pasay road, sakay ng evangelista-libertad; pangalawa, papunta sa buendia, sakay ng washington-libertad; pangatlo, papuntang ayala, sakay ng washington-ayala mrt. maraming beses, nauuwi ito sa pagpara na lang ng taxi o kaya'y paghabol sa nag-iisang fx sa kanto ng evangelista at pasay road (kinse pesos hanggang sa babaan paglagpas ng herrera). nang makalipat ako sa san antonio, isang sakay na lang ng traysikel ang ginagawa ko. ang bayad ay bente pesos, bababa sa istasyon ng bumbero sa yakal at lalakad mula doon hanggang valero, sa salcedo village.

mula n'ung lumipat kami rito sa fort bonifacio, kada araw ay taxi ang sakay ko papasok sa opisina. bukod sa pasakit ang pagkokomyut patungong BGC, nasusuwertehan ko na laging halos mag-agawan na ang mga taxi sa harap ko. kaya naman, kaunting kumpas ng kamay, patungo na agad ang taxi sa 32nd street. ngunit di kakayaning sa araw-araw ay laging mag-taxi… kundi sa transportasyon na lang lahat mapupunta ang kakarampot kong sahod. kailangan ko nang maranasan ang tipikal na komyut papuntang BGC. at nito ngang umaga, dahil na rin sa maaga ako (wahahaha!), napilitan akong magkomyut kahit umuulan. ang ending… balik ulit ako sa tatlong sakay. traysikel muna mula kamagong o santol papunta sa mayapis-buendia, tapos ay dyip na ayala-mrt papunta sa edsa-mckinley. mula rito, may tatlong pagpipilian papasok ng BGC - bus na may sobrang haba ng pila; taxi na pupunuin ng apat na pasahero at mala-iskul bus ang dating; o di kaya'y motorsiklong pampasahero na habal-habal ang dating. pinili ko ang huli dahil tila pila sa enrolment ng UP ang pila sa bus at may pila rin naman sa taxi. walang pila at mabilis ang habal-habal. nagpa-ese-ese kami ni manong sa matrapik na edsa hanggang makarating sa loob ng BGC, kuwarenta pesos ang bayad. matindi nga lamang ang amoy ng helmet, sana'y pagsumikapan naman nilang hugasan ito.

bahagi ng tipikal na pakikibaka ng isang tipikal na mamamayan sa pilipinas ang pamamasahero. katulad ng maraming aspeto ng pamumuhay sa pilipinas, sanayan nga lang din marahil ang komyut sa pilipinas. kapag nasanay ka na, di na malaking isyu kung magpasalin-salin ng sakay at maglakad ng malayo upang makarating sa paroroonan. sanayan din siguro ang mas mainam na termino sa pagtanggap natin sa katotohanang ibayong hirap sa bulsa, kalusuga't kabuuang pagkatao ang dala ng dinukhang plano ng transportasyon sa bansa. kailan kaya darating ang araw na may maiging sistema na ng transportasyon sa pilipinas? sana sa lalong medaling panahon. sana nga.

Monday, November 21, 2011

nitpik

krisis ngang matatawag, ayon kay ma'am kr, ang paglipat na naganap. biruin mo namang ilang araw na lang ang nalalabi bago mapaso ang kontrata sa luma ngunit ni wala pa sa kalahati ang nagagawa sa bagong tanggapan. bukod sa walang kasiguruhan sa plano ng pag-aalsa balutan sa lumang gusali, wala ring mainam na alternatibo sakaling pumalpak ang maraming aspeto sa taguig.

literal at sadyang santambak ang mga aytem na kailangang aksyunan. sinuman ang makakita sa kalagayan ng espasyong ito noong huling linggo ng oktubre, titiwarik ang kalamnan at lilipulin ng ligalig at kabang di nga makapagtatrabaho ang mga indibidwal sa panahong itinakda sana. pagkasiphayo ang unang madarama sa sandaling masilayan ang dumi, alikabok, kawalan ng kaayusan sa isinasagawang konstruksyon. atrasado ang maraming bagay at tiyak na maaapektuhan ang trabaho ng lahat sa pulutong. malaking balumbon ang lahat ng mga katumbalikang ito sa mga magagandang bahagi tulad ng malaking silid kainan, nakatutuwang silid pagsasang-usapan at kabuuang modernong istilo.

kung kaya naman kailangang mangalampag at mag-ala hoy gising sa pamumuna at pag-asinta sa mga palpak, minadali, patse-patse at mababang kalidad na gawa. sa paghahanap ng kapintasa't depekto at sa matiyagang pagtatanod na dapat ay bigyang-pansin ang mga ito, unti-unting nako-krosawt sa listahan ang mga isyu, maliit man o ibayo ang saklaw. kung di ito ginawa ng makukulit na indibidwal, higit na malasado ang kalalabasan ng opisina at lalong mababalam ang normal na operasyon. sa laki ng gastusin sa punyaging ito, nararapat lamang na makuha ng kumpanya ang nararapat na serbisyo't kaukulang awtput na wala nang anupamang antala sa pagtakbo ng aktibidades.

ang pagsipat sa mga lisya at ngiwi ay di rin dapat tingnan bilang batikos sa mga taong may tuwirang tungkulin sa punyaging ito. nauunawaan ng bawat indibidwal na may mga isyung di talaga maiiwasan at mahahadlangan tulad ng kaartehan ng mga may-ari ng yunit. ang panunuri sa kinahihinatnan ng proyekto ay upang masawata ang iba pang kapalpakan at matugunan ang mga pagkukulang at sangkatutak na mali. mas maigi ang maraming matang nagmamasid at marami rin ang makapagbibigay ng mungkahi't fidbak. sa gayon, makapagkukrukis ng alternatibong paraan sa panandaliang panahon na di pa tiyak ang kabuuan at mapabatid ito sa buong pulutong.

di kaaya-aya ang maghinguto at sumuyod ng mga kamalian, kakulangan at kapalpakan ngunit kinailangan itong gawin. di ito ginawa sa layong mamuna lamang o manlait. di hantad sa akin ang walang kapararakang paghahanap ng mga kamalian at hangal o walang rason na pamimintas. ang kabuuan nito ay tinaguriang pamumunang mapagbuo. sa huli, iisa ang naisin nating lahat - maging maayos ang konstruksyon at pagyari sa bagong tanggapan. nang sa gayon, ang lahat ay makapagtrabaho na nang matiwasay.

self-righteous


everyone makes mistakes. it's a known fact. the holier-than-thou individuals have committed slip-ups one after another, maybe even more. so in terms of moral fiber, no one is above others… unless of course one has that self-righteous spirit. as they say, the greatest enemy to human souls is the self-righteous spirit. it's that feeling of smug moral superiority derived from a sense that one's beliefs, actions, or affiliations are of greater virtue than those of the average person, according to wikipedia. dictionary.com says that self-righteous is someone who is confident of one's own righteousness, especially when smugly moralistic and intolerant of the opinions and behavior of others.

it's perfectly fine to blurt out an honest opinion. but it's another thing when you try to influence others by arrogantly and smugly exclaiming that you are always right. unsolicited advices are usually unwelcome and often taken out of context. so if one thing or whatever works for you, one should avoid superiorly articulating any self-righteous ideas. as colonel potter of MASH puts it, "there's a right way and a wrong way to do everything and the wrong way is to keep trying to make everybody else do it the right way." one does not have the monopoly of good deeds or ideas. remember, what works on one isn’t always going to work on the other.

self-righteous individuals easily condemn other people, reviling others who may have taken other routes and committed (double) faults along the way. to make things worse, these individuals often forget their own missteps and would habitually proclaim their own snootiness while also putting a high degree of premium on themselves and lay an immeasurable level of self-importance on themselves. while some may have been lucky in life and lead a good life, this doesn't make anyone a citadel of principled standards.

as moliere says, "one should examine oneself for a very long time before thinking of condemning others." dale turner aptly sums it up, "in all the work we do, our most valuable asset can be the attitude of self-examination. It is forgivable to make mistakes, but to stand fast behind a wall of self-righteousness is not forgivable."

wta

strong is beautiful is wta's new global marketing campaign, inspired by athleticism and grace. desktop wallpapers are here.


indifferent


You're beginning to dislike me, aren't you?

Well, dislike me.

It doesn't make any difference to me now.”


― W. Somerset Maugham, The Razor's Edge