Thursday, August 30, 2018

Matthew 6:34





gintong medalya

mabuhay ang mga pilipinang atleta!! apat na gintong medalya ang handog nina hidilyn diaz, yuka saso, lois kaye go, bianca pagdanganan at margielyn didal para sa ating bansa! nawa'y madagdagan pa ang ating mapanalunan, kasama na ang isang pilak at 13 tansong medalya sa ginaganap na asian games sa indonesia.



Tuesday, August 28, 2018

greenbelt chapel

isang taon, puno ng pagpapala
labindalawang buwan, puspos ng biyaya

o kaybilis ng paglakad ng mga araw
tila tinawag ng isang bulalakaw

sa paglalakbay tungo sa pagbabalik-loob
panunumbalik at pagbabagong-loob

may mga hilahil at hindi madali
maraming pagsubok at magkaminsa’y nababali

ngunit sumagot sa tawag
walang anumang agam-agam sa dawag

tinura’y oo at opo
itinuloy ang nasimulang pagkopo

anuman ang dumaan o di dumaan
mananatili ang pananampalatayang tipan

salamat po sa pag-ibig
salamat po sa tigib na pag-ibig.


Thursday, August 23, 2018

big bad wolf

at unti-unti nga’y nababawasan na sila
unti-unti’y nakikilala ko ang mga tauhan

sa bawat pagdaan ng mga araw
natutunghayan ang mga pangyayari.

bawat saknong at pangungusap
dala’y iba’t ibang damdamin.

talata at mga salita ng mga may-akda
bunga’y pagdadala sa ibang lupai’t panahon.

nagdalawang-isip pa sa pagbili
nitong nagdaang big bad wolf sale.

baka kako masayang at di naman mabasa
mabagal nga kasi magbasa.

madali ring manawa
at bumaling sa iba.

pero dahil panalo ang bawat isa
wala pang ibinaba at di tinapos.

kaya nga nangangalahati na
at malapit nang makasumpong ng bago.

maiging pinagkagastusan
walang pagsidlan ang saya.


Tuesday, August 21, 2018

boni tunnel

only in the philippines will you see a woman riding a motorcycle while carrying a huge and seemingly heavy load in the middle of a major urban thoroughfare... all these while her driver crisscrosses in between larger vehicles!!! 

happy wednesday and stay safe, everyone!

Saturday, August 18, 2018

graham crackers

nabanggit ko na bang may bago akong paborito? oo, meron nga ulit! dati ay yung berry knots at choco knots, tapos nag-iba. ngayon ay natagpuan ko ang gawa ng la pacitagraham cracker sandwich pero ang palaman ay cream cheese!

masarap ito at kailangan mong masubukan!


Thursday, August 16, 2018

naked burrito

mas masarap at mas ma-eenjoy mo ang bagong naked burrito ng army navy!
'yan ang hubad na katotohanan!

Wednesday, August 15, 2018

talbos ng kamote

talbos ng kamote at tuna!! swak sa panlasa, sa gastos at masustansya!

Saturday, August 11, 2018

clubhouse

wala na ang desso kaya nami-miss ko ang kanilang masarap na clubhouse sandwich!


Thursday, August 9, 2018

limone santi

ang limone santi at sans rival ng mary grace... masarap at masaya!!


Sunday, August 5, 2018

the greatest showman

Did their smiles seem fake? It doesn’t matter where they come from, the joy is real. – PT Barnum

Men suffer more  from imagining too little than too much. – PT Barnum

A theater critic who can’t find joy in theater. Now who’s a fraud? – PT Barnum

Everyone’s got an act. – Zendaya

It’s hard to understand wealth and privilege when you’re born into it. – Jenny Lind

You don’t need everyone to love you. Just a few good people. – Charity Barnum

chicharon bulaklak

may chicharon bulaklak meal pala sa teresita's, landmark foodcourt at siyempre, kailangan ko itong subukan! at heto na nga... malutong, malinamnam at nakaka-guilty. malungkot lang ang plating nila, hehe!

Friday, August 3, 2018

the shape of water

Time is but a river flowing from our past. – Daily Thought


It’s not hairpiece. It’s toupee. It’s French. – Giles (Richard Jenkins)

Look at those tantalizing pies. – Giles

Take good care of your teeth and fuck a lot more. – Giles

Short people are mean. I’ve never met a short man that sailed us all through. – Zelda (Octavia Spencer)

Corn flakes were invented to prevent masturbation. It didn’t work. – Giles

So what if he’s alone? We’re all alone. – Giles

Sometimes I think I was born too early or too late for my life. Maybe we’re both just relics. – Giles

Never trust a man even if he looks flat down there. – Zelda

Decent. A man has the decency not to fuck up. Now that’s one thing. That’s real decent up. But the other kind of decency, it doesn’t really matter. We sell it but it’s not export. We sell it because we don’t use it. So go get some real decency, son, and unfuck thus mess. – General Hoyt (Nick Searcy)

Loose lips might sink ships. – poster

The Shape of Water, 2017.  

Thursday, August 2, 2018

dame maggie

the lovely, the great maggie smith in 1962's evening standard drama awards!

i really have nothing to say. 
i can't speak in public. 
i've done it once before at a function and it was absolute disaster. 
- dame maggie smith






Wednesday, August 1, 2018

bonifacio high street

minsan isang gabi
sa bonifacio high street

mahangi't malamig ang simoy ng hangin
matao't abala ang pasyalan

pami-pamilya't magkakaibigan
pati na ang mga magkakaopisina

pagkatapos kumain sa japan-japan
lakad sa kahabaan nito

at nasumpungan ang tingkad 
at panghalina ng buwan

tila isa itong malaking bituin
na nagbibigay-ilaw sa kalawakan

ngunit malapit ito, hindi malayo
di tulad ng dambuhalang mga bituin

nagbadya ito ng pahinga 
mula sa mahabang mga linggo

inihatid nito ang magandang isipin
na tigilan muna ang kaiiisip at magpahinga

salamat sa iyong pagsungaw
payapa ng damdamin ang iyong dulot.

streetfood

cities with the best streetfood!