Monday, April 30, 2012

Philippians 4

Walk Away From Worry

Be anxious for nothing, but in everything by prayer and supplication, with thanksgiving, let your requests be made known to God. —Philippians 4:6

 

A few years ago, our Bible-study leader challenged us to memorize a chapter of the Bible and recite it to the group. Internally, I began to protest and groan. An entire chapter, in front of everyone? Memorization had never been my ...thing; I cringed as I imagined long silences while everyone watched me, waiting for the next words.

A few days later, I reluctantly leafed through my Bible, looking for a set of verses to learn by heart. Nothing seemed right until I landed in Philippians 4.

I read this verse in silence, “Be anxious for nothing, but in everything by prayer and supplication, with thanksgiving, let your requests be made known to God” (v.6). That’s when I knew which chapter to memorize, and how to walk away from my anxiety about the assignment.

God does not want us to agonize over future events, because worry paralyzes our prayer life. The apostle Paul reminds us that instead of fretting, we should ask God for help. When we continually take this approach to anxiety, God’s peace will guard our hearts and minds (v.7).

Someone once said tongue-in-cheek, “Why pray when you can worry?” The point is clear: Worry gets us nowhere, but prayer gets us in touch with the One who can handle all of our concerns.

— Jennifer Benson Schuldt

 
It’s impossible to wring our hands when they are folded before God in prayer.

Source: Our Daily Bread

Sunday, April 29, 2012

Baguio City

four years ago, we went to baguio for nice's U.P. Baguio enlistment. now, we were back to witness her graduation. how time flies! for this trip, i traveled alone and met them in calla lily transient house. we then moved to nice's apartment. we went to the usual baguio tourist spots. but this trip afforded me my firsts in baguio city cathedral, U.P. baguio and lourdes grotto! till next time.

view from nice's apartment
Baguio City Cathedral
Grotto
lechon!

Mines View Park
The Mansion
U.P. Baguio Oblation

Wright Park

wintour

traveling solo. yep, another travel all by myself. but it was all good solo rendezvous again, this time up in thailand's first capital, sukhothai.

sivatel staff were kind enough to help me check the schedule of buses leaving for sukhothai yesterday. the skeds were 12, 12:30 and 1:30 pm. after that, the next bus will leave bangkok's northern terminal at 5 pm. with heavy breakfast, i took to BTS, alighted at mo chit station and took a taxi to the terminal. i looked for windows 52 and 53, the wintour windows, and was lucky to catch one of the few seats available in the 12 noon bus. i bought some sweet mangoes to go with my gourmet sticky rice from siam paragon and headed to the next building to look for platform 44, then hopped on the bus. after just 5 minutes, we were on our way to bangkok's expressway. BTS to mo chit from ploenchit was 40 baht, taxi to northern bus terminal was 67 baht and the wintour bus to sukhothai was 326 baht.

seat 9c was given to me and the bus ride was comfortable. the bus ticket included mineral water and banana muffin. after exactly 6 hours, i reached sukhothai's bus terminal. a 40-baht motorcycle taxi ride brought me to ban thai guesthouse in pravet nakorn road. this was already 7 pm. i quickly freshened up and fixed my things. around 8 pm local time, i headed to sukhothai's night market. not wanting to have another heavy meal, i opted to have some completely unhealthy snack of chicken skin (20 baht) and another serving of sweet thai mangoes (20 baht). i walked around the night market and headed back to ban thai after an hour or so.

i then checked my mails, said goodnight to p' ta dam (the 12-year ban thai veteran) and retired to my aircon bungalow. i needed a good night sleep for the early morning walking tour of the old sukhothai historical park.

Saturday, April 28, 2012

sukhothai

jel and nice

di kami mayaman. di nabibilang sa higit na maalwang taas na bahagi ng middle class. may pagkakataon si papa na magkamal ng salapi noong nasa kapangyarihan pa. pero di niya ito ginawa. sa halip, lalo pang nawala ang anumang maliit na naimpok nila ni mama nang maging kapitan ng capri si papa.


sa panahon ngayon, isang malaking atsibment na sa sinumang magulang ang makapagpatapos ng kolehiyo. mataas ang gastusin, ibayong sakripisyo ang kailangan. siyempre, nariyan din ang iba’t ibang balakid at temptasyon sa bawat kabataan. madaling mabulog ang mga kabataan ngayon sa bisyo, kawalan ng direksyon sa buhay at mabuway na moralidad. iba nga nga raw ang panahon, sabi ng matatanda.

kaya ganoon na lamang ang tuwa ko nang makatapos ang aking mga pamangking sina ate nice at ate jel sa kolehiyo. naunang nagmartsa si jel nitong marso, tapos ng IT sa fatima. sumunod naman si nice nitong abril sa baguio, tapos naman ng language and literature sa U.P. baguio. parang kailan lang ay nagdidiskusyon pa kami kung ano ang kukunin nilang kurso sa kolehiyo. ngayon, pagkatapos ng apat na taon, sasabak na rin sila sa mundo ng trabaho, buwis, intriga, pagbibitiw, buwanang sahod, at ang pagkakataong makatulong sa pamilya.

di naging madali para sa dalawang ito ang proseso ng pagtatapos. kinailangan nilang pigilin ang sarili sa anumang walang kapararakang paggastos upang matulungan ang kani-kanilang mga magulang. tumatao pa si jel sa kanilang tindahan araw-araw dahil wala namang ibang aasahan sa kanila. si nice naman ay sumuper ang pagtitipid dahil bukod sa gastos ng twisyon ay kailangan pa siyang iupa ng tirahan. siyempre, dagdag pa rito ang pang-araw-araw na gastos sa pagkain at pamasahe.


lagi kong dalangin ang inyong tagumpay sa larangang inyong papasukin, jel at nice. sa gayon, mailipad natin ang inyong mga ina sa europa!

higit akong masaya para sa aking dalawang ate, ate ne at ate she. wala pa akong anak pero naramdaman ko ang kakaibang galak nila ng dumating ang araw ng pagtatapos ng kani-kanilang mga anak. abut-abot ang sakripisyo nila upang maitawid ang bawat semestre. alam kong may mga gabing di makatulog dahil sa pag-iisip kung aabot ba ang pera upang may maipambayad. tipid dito, impok doon. di kasi kami kagaya ng ibang masuwerte na napamanahan ng hanapbuhay. kailangang magbanat ng buto at mamuhunan ng pawis at dugo. sa tindahan lamang dumepende si ate ne para mapag-aral si jel at gerald. may tulong din na nagmula sa mga lola’t tiyahin ni jel. pero siyempre, ibayong dedikasyon ang ginawa ni ate ne. di biro ang magpatakbo ng tindahan lalo na’t sobra rin ang dami ng kumpetisyon sa kanilang lugar. sa awa ng diyos, higit 2 dekada na ang tindahan nila sa bulacan. simpleng maybahay naman si ate she. pero sa taas ng gastusin upang matustusan si nice baguio ay kakaibang diskarte sa pera ang kinailangan. kailangang pagkasyahin ang kita ni kuya george sa lahat ng kanilang pangangailangan, wala pa rito ang maya’t mayang mga tulong kina papa at tita jo.

saludo ako sa inyo, ate ne at ate she. magkape na tayo ulit!

Sunday, April 22, 2012

buwisit

ang ibang tao nga naman. nakapag-abot lang ng ilang daan, mamagkanuhin na ang lahat. nagbigay lang ng relif, pakiramdam ay hulog na ng langit. natakbuhan lang minsan dala ng biglaang pangangailangan ng ilan, may primyum na agad. nagdonasyon lang ng bigas, malakas na ang loob na manghimasok sa buhay ng maybuhay. nagpaabot lang ng isang kilong manok, mataas na ang ihi. nanlibre lang sa pipitsuging kainan, may apog nang umisteytment kung sino ang dapat tumulong kanino.

salamat sa anumang naiabot sa iba. salamat talaga. salamat daw. pero di ito nangangahulugang primyumado ka na at may lisensya ka nang magbitiw ng kung anu-anong mabalasik na mga salita. di dahil nagbigay-tulong, puwede nang yurakan ang pagkatao ng iba. oo nga’t nakatutulong magkaminsan, pero tama ba ‘yung isiksik sa isip ng natulungan na may utang na loob na sila sa iyo? ano ka, pulitiko? sino ka ba sa tingin mo?

kung taal kang intelehente, tulad ng nais mong maging tingin sa iyo ng iba, dapat ay naisip mong anumang magandang gawi ay nabibiyayaan sa ibang paraan. di ito dini-demand. dapat na walang pangungunsensya sa iba na ibalik ang pabor na ibinigay mo. umiinog ang mundo at nakikita ng uniberso ang mabubuting punyagi. di ka ba nagtataka kung bakit di kayo nakukunsidera sa listahan ng mga well-loved o maski well-liked? lahat ito ng panig, maging kamag-anakan, kaibiganan, sa mga kakilala o sa kung saan nakatirik ang pader ninyo.


sobrang masuwerte ka lamang sa buhay dahil naiwanan ng maalwang kabuhayan. kabuhayang di naman ikaw ang nagpunyagi. nagkataon lang na ipinanganak sa isang pamilyang nagkaroon na rin dati pa. tunggak na lamang ang di makapagpapatuloy ng hanapbuhay na tulad niyan. buti sana kung alam mo ang buhay ng isang nagsimula sa wala. pero hindi. isinubo na lang sa iyo ang anumang mayroon kayo ngayon. lahat kayo. ni walang klu sa pinagdaanan ng iba, kung kaya’t walang anumang karapatang umariba at umisteytment. dapat mo itong isaksak sa kukote mo dahil isa ka lang malaking sabit at di totoong bahagi ng higit na malalim na ugnayan.

alam ng marami, maging ng sarili mong lipi at malalapit sa iyo, ang pawis mo’y amoy inggit. numero uno sa inggitan. di naiba sa ibang mga utak-talangkang kamag-anakan. bunga ba ang lahat ng pag-iisteytment mong ito ng di maipaliwanag na inggit? sabagay, masaya kasi sa aming dako. bagamat may kakulangan sa kaperahan, walang pataasan ng ihi o anumang suklamang tulad ng sa inyo. oo nga’t may di pagkakaunawaan, pero ang lahat ng ito’y dumatal lamang nang umeksena ka na. sabi nga nila, nangyayari raw ang lahat ng bagay dahil ang lahat ng ito’y may rason. nangyari ang anumang nangyari upang mabalatan ang tunay mong pagkatao. pagkataong madawag at di katiwa-tiwala. panibugho ang almusal. imbing poot ang tanghalian. pagpiprimyum sa sarili ang merienda. tangerks na persepsyon ng sarili ang hapunan.

ang mga taong di marunong makipagkapwang tulad mo ay higit na nakapandidiri kaysa sa mga taong-kalsadang nanlilimahid. manahimik ka na lang sa lungga mo, buwisit. diyan ka lang nababagay.

Sunday, April 15, 2012

tin mine

this long weekend, i opted to stay within the confines of my fine home. naturally, i ran out of noteworthy things to do, leaving me with endless hours of channel surfing. fortunately, destiny cable has just added an all asian film channel, screen red asia, which provided fresh, pulsating and delightful flicks.

the tin mine was the first film i saw. this is the story of archin panchaphon, who after getting expelled from the university, was sent away by his father in southern thailand. there he found the tin mine of muang rae. with a recommendation letter, he applied for a job but found only manual labor. not wanting to be taken wrongly, he accepted the offer. from then on, a once in a lifetime 4-year journey greeted archin. in the tin mine, he encountered different people: the boss who taught him the value of self-worth, hardwork and enjoyment; uncle, from whom archin learned to let go of the regrets of yesteryears; kai, the childlike friend and assistant; cocksure supervisor who knew when to give up and move on; the store owner, who took to various gimmicks to fire up his business, among many others. all these interesting characters provided good flavor to the movie, which was told in chapters of freshman, sophomore, junior and senior years.

this was thailand's official entry to the oscar foreign language category in 2010. although it was not included in the final five, the movie was well-received locally and in some international screenings. some critics said that the movie lacked emotional depth. but for me, it provided just enough heart and soul. it was a completely delightful story of someone's last days of youth, which in an asian's case would normally be a little bit earlier. the movie touched on everyday issues of making the most out of your measly income, valuing even the most unexpected friendships and letting go of a lost love. ultimately, archin's experiences in the tin mine shaped the man he turned out after his 4-year odyssey as higher and deeper knowledge will not be learned just by achieving one's university diploma.

Saturday, April 14, 2012

epal

kailangan ko raw umepal. magpalapad ng papel. ito ang gusto nilang mangyari. epal sa mga pagkakakitaan. umepal sa halos lahat ng mga bagay. epalan ang mga may potensyal na proyekto. palaparin ang papel sa mga matataas at tagabenta. epal. pero paano kung di ito ang nakikita mo para sa iyong sarili? paano kung hindi ito ang nais mong tahakin?

ok lang umepal sa mga kagaguhan. o kaya sa mga lokohang wala namang saysay. parang sa araw-araw na lokohan sa opis. jal da epal nga ang bansag sa akin ni zel eh. karami na ring mga hapening ang umusbong dahil sa kaepalang ganito. marami sa mga pakulong ito ay naging masaya. mayroon din namang pinagmulan ng usap-usapan.
pero ang maging maepal sa tuwirang mga trabaho, dayuhang konsepto para sa akin. di 'ata kasi ako 'yun eh. tagal ko na ring nagtatrabaho. pero di sumagi sa isip ko ang magpalapad ng papel. o di kaya ay mamulitika para lang umangat o mapansin. naniniwala kasi akong 'pag ok ang awtput mo, mapapansin at mapapansin ka rin. di na kailangan pa ang agresibong pormula para ka makakita ng ingkris. pero dahil din sa ayaw ko ngang umepal, nauri rin ako minsan na di "go go go" at nanganib na di mapromowt. pero di ito nangyari. nanaig ang mas malalim na epekto ng mabuting gawa. kaya naman umangat na rin kahit paano.

sa paglaon, mukhang sa pag-epal din unti-unting nauuwi ang karir. ito kasi ang buod ng lahat ng mensaheng natatanggap ko. kesyo di raw dapat maupo lang sa lahat ng panahon. dapat raw ay maging mas agresibo sa pamemera. kung kailangang makipagtalo, gawin daw.

ok. puwede kong subukan. epalan ang mga bagay-bagay. subukan nga nating magpalapad ng papel. di ko rin naman malalaman ang resulta kung di susubukan, di ba? sige na nga. wan taym lang. balitaan kita.

Friday, April 13, 2012

ambisyon

wala ngang kasiguruhan. 'yun ang paulit-ulit kong mensahe.

mahusay ang atwput mo sa nagdaang taon. kaya nga isinali ka sa listahan ng maaaring umakyat sa susunod na lebel. pero klinaro ko ring anumang desisyon sa promosyon ay depende sa kabuuang kita at desisyon ng matatanda. wala akong pangakong binitiwan na tiyak na ang pag-angat mo. o anumang pangako ng 30% na ingkris sa sahod. ni wala akong sinabing petsa ng promosyon. ang sabi ko, ang lahat ng bagay ay nasa himpapawid pa. kailangan pa nilang pagdebatehan ang lahat ng mga bagay. di ito puwedeng ura-urada. wala pang katiyakan. ang mahalaga'y napansin ka at nakatala ang pangalan mo. wala na sa aking mga kamay ang susunod na hakbang.

aling parte ba ng ingles ang di mo naiintindihan? may sagabal nga ba sa wika? o tuwirang pamumulitika ang tawag sa tunggak mong mga salita't gawi?

ngayong may kokey na sa landas mo, dapat kang higit na mag-ingat. bagamat ok naman ang trabaho, di ka dapat lumabis sa pamamanawaran. ang dapat mong ginawa ay nagpakitang-gilas pang lalo. sa gayon, lalo kang mapansin. huwag 'yung di ka pa nga nate-test rayd ng bago mong amo, kung anu-ano na 'yung sinasabi mo. tulad ng sinabi ko, di maramot ang kumpanya sa pagbibigay ng mga kaukulang gantimpala. dangan nga lamang, lahat ay kailangang limiing maigi. maghintay at may nakalaan. huwag gamitin ang mali-maling ingles upang mangilak ng wala sa hulog na palitiking.

dahil diyan sa palpak mong hakbang, baka lalong mabulilyaso ang amabisyon mo. gud lak sa iyo, hunghang na bambang.

Tuesday, April 10, 2012

submarine

i don't remember where i were going but the flight was a good one because of this atypical teen comedy. thanks to singapore airlines' good selection of inflight movies, i caught a movie that did not star hollywoodish and heroic leads - submarine. the movie is a subtle comedy, successful in becoming a quirky yet charming account of oliver's teenage years. it threads oliver's trying to date jordana and the subsequent relationship between them, as well as oliver's aim of rekindling the dying romance between his parents.

another coming-of-age story, yes. but i like its low key approach and accessible comic feeling. issues of growing up were captured, excitement and idealism, as well as insecurity and some amount of depression. like most british comedies, deadpan humor is the deal. there were lines such as, "my mum gave a hand job to a mystic", which of course can go ignored altogether. central to the movie's success is craig roberts' oliver tate. his imaginative and unusual schoolboy scrutinizes almost everything, even bring into play parodied movies and fictional events. aside from evident gags, oliver tate's voice over and dealings supplied the spot on comedy.

oliver tate: in many ways I prefer my own company, it gives me time to think.

oliver tate: most people think of themselves as individuals, that there's no one on the planet like them.


richard ayoade's superb story, screenplay and direction provided a touching piece which fortunately did not flit into schmaltziness. the score by arctic monkey's alex turner and the very good framing of comic and beautiful images, as well as the pitch-perfect performances all made the movie a worthwhile fare.

in the end, oliver did not get the happily ever after result. but he did get just enough happiness, which is what is important anyway.

hablot

lunes ng hapon. pagkatapos ng ura-uradang misa sa simbahan ng ina ng awa sa bayan (novaliches), papunta kami sa sm fairview. may fx pero naniningil ito ng 150. kaya nagdyip na lang kami. sa loob ng dyip, wala namang kakaibang pakiramdam. masaya ang huntahan at walang di kaaya-ayang kasakay.

nang tuluyang umusad ang dyip, kumuha pa ito ng pasahero sa paglagpas lang ng jordan plains. at walang anu-ano'y bigla na lang may humablot ng hikaw ni ate she mula sa labas. magkatabi kami ni ate she at ni hindi namin parehong naramdaman ang pagdukwang ng kamay nito. halos mabilis pa sa malikmata ang kamay nito. sa isang pindot ay nakuha agad ang isang hikaw.

bagamat kagaganap pa lang ng krimen, ang unang pumasok sa isip ko ay pasasalamat. salamat na di nasaktan si ate she at walang ibayong pahamak sa aming lahat. sa akin, ano ba naman 'yung isang hikaw kung ibubuwis mo ang buhay o kaligtasan para rito. pumasok din sa isip ko ang sabi ni mama dati na kapag ang isang bagay ay nawala o nahablot mula sa iyo, isa lang ang ibig sabihin. ito'y di talaga para sa iyo. may iba pang mas malaking bagay na nakalaan sa iyo.

sabi ng iba naming kasakay sa dyip, madalas daw talaga ang mga ganitong eksena sa lugar na 'yun. walang pinipili ang masasamang loob, maski sa maliwanag at mataong lugar ay handang maghasik ng lagim at mambiktima. mukha ngang lumalakas pa ang loob ng mga ito dahil sa mataong lugar, agad nilang iisipin na walang maglalakas ng loob na hantingin sila. maski ako, di ko pag-aaksayahan ng panahong habulin pa ang mga ito. maraming kasapakat ang mga ito sa buhul-buhol na mga iskinita ng bayan. labas-masok din ang mga ito sa presinto ng kapulisan at siguradong wala ring maihahaing rekomendasyon ang mga pulpol na mga pulis dito. higit sa lahat, walang mawawala sa mga halang na kaluluwang naglipana sa matataong lugar tulad ng bayan sa novaliches. di magdadalawang-isip ang mga itong magdulot ng ibayong pinsala sa iba upang hindi mapanagot sa kanilang kasalanan. buhay na nila ito at sa panlalamang sa kapwa na umiinog ang buong buhay nila.

sa mga ganitong pagkakataon, mas kaaya-aya siguro kung malalambat ang mga halang na kaluluwa at humarap sa parusang matindi. gaya ng ipalapa sa mga buwaya sa palawan! higit na magkakaroon sila ng silbi sa lipunan sa ganitong paraan. sa pagiging pagkain ng mga buwaya, lalago ang industriya ng pagbubuwaya at higit na marami tayong maibebenta sa pandaigdig na merkado ng mga produktong gawa sa balat ng buwaya. kasabay nito, mawawala ang mga pabigat sa lipunan at mauubos ang mga masasamang loob sa mga kalsada ng metro manila. magiging higit na payapa ang ating mga damdamin at mas darami ang mga turistang pupunta rito sa pilipinas.

bakit ba kasi hanggang davao lang ang batas ni mayor duterte? sana pati sa metro manila ay may duterteng kamay na bakal na pupulbos sa mga likaw ang bituka.

Thursday, April 5, 2012

pantal

parang may epekto na. epektong apbit at may halong kibot. kibot na wala naman talaga. siguro kasi matagal-tagal na rin ang pagligid-ligid. puwedeng pumamilyar na kaya ganoon. sabi nga ni superstarmarian, meynteyn kasi ang drama sa bakgrawnd.

madalas ang tahimik na ispekter. mawala man sa himpapawid minsan, siguradong meynteyn ulit agad-agad. 'pag wala nga, parang may nabakspeys ngang samting. sa tuwing aangat ang isthmus sa likod, tiyak na silay agad ang elebasyon. nakadidifident nga minsan eh. 'yun bang biglang kailangang umeskapo.

mantsing sa pandaigdig. lakad-lakad. sumpong ng bagong abentura. kaunting tagay. pero madalas, sa paghayo ang mas malaking epek. fani pero walang kurapsyon. hagalpak sa samuk-samok. kaunting weyting syed. tapos magpapatakda na paroon sa labasan. di masyadong matador pero ok ang hakuna matata.

growing. 'yun yata ang tawag doon. lumalaki. umeekspand. nag-eeskaleyt. umiingkris. o di kaya ay namamaga. simula ng pamumusarga. umiispred ang apsyat. siguro nga. siguro tamasa lang ng walang wawang ligkig. bumilang na rin kasi ng dahon 'yung huli. parang kada bisiesto lang di ba? ok din naman 'yung minsan-minsan may ligkigang nagaganap.

pero anuman ang lungkong ito, es nada. tiyak 'yun. kaunting kibot na wala namang tuptup. hanggang haywey lang. kadkarin agad kasi di naman ito maaaring nangnangin. di ba nga may wig na kumakanta?! kaya wala talaga. anuman 'yung sinag sa ulap na nahirating parang lobo, impis agad dahil sa tala. kinina ang katapat ng kagat na ito para di na lumaki pa ang pantal.

ay syet, kung anu-ano na ang nakukote. ang dami na tuloy ng tao! puwedeng ayaw nila magtaksi o wala lang pambayad. sana dumating na 'yung pakanluran. lalakad pa kasi ako sa gilid ng café.

Wednesday, April 4, 2012

statement

may kakaibang epekto raw ang ibang mga tao sa atin. puwedeng positibo o salangsang. positibo kapag dahil sa taong ito, umiba ang direksyon ng buhay natin. naging mas mabuting indibidwal tayo dahil sa gawi, pag-iisip at kabuuang pagkatao nito. pero may mga tao ring may ligwak na pagtingin sa kanilang sarili na iginigiit ito sa kapwang nakapaligid sa kanila. mas masahol pa ito sa mga taong siniko lamang dahil nabubuhay ito sa asersyon na ang kanyang paniniwala ang sagot sa lahat ng suliranin ng sangkatauhan. lalong malubha, may kung anong mahika ang orasyong pangungunsensya nito sa sandaling di tumalima sa kanyang nais ang mga "nasasakupan".

malungkot man pero sadyang may mga taong nabubuhay sa isteytment, asersyong baligho at tahasang pahayag na "ako ay may primyum at ako ang dapat mong paniwalaan". higit na malungkot, may mga indibidwal na nagpapalamon sa apoy ng ngitngit ng mga taong ito. at tuluyan na nga sigurong inuulaol ng anumang batas na ibinaba. maaaring dahil sa kawing ng emosyon o dala ng kawalan ng gulugod. o di kaya'y hilakbot na mawala ang anumang mayroon sa ngayon.

anu't anuman ang dahilan, di pa rin ito sapat upang hayaang lubusang maglaho ang pagka-indibidwal ng bawat isa. ang pahintulutang ulaulin ng sinuman ang sariling kalooban at ut-utin nito ang iyong likas na sarili ay maituturing na isang kasalanan sa sarili. di kailangang labanan ang paggigiit ng isa pang balighong asersyon. ngunit dapat na panatilihin ang kaaya-ayang limit na, ikaw 'yan at ako ito. di dapat magpasakop sa isang taong may totoong lungkot sa loob ng kanyang sarili. di ka magtataka kung bakit lahat ng relasyon nito, mapakamag-anakan o mapakaibigan, ay laging nagkakaroon ng lamat. maaari pa sanang maayos ang mga isyu kung nagkaroon ng repleksyon ang taong ito sa kanyang sarili, umamin sa pagpiprimyum sa sarili, nagpakumbaba at natutong tawanan ang sarili sa maling hakbang.


di kailangang paliitin ang mundo tulad ng ginagawa ng maka-isteytment. oo nga't may mga taong kailangan mo ring alisin sa buhay mo, ang agarang pang-uuri ng tao at maitim na proklamasyong iwaksi ang mga ito ay tanda ng pagkaduwag. karuwagang dala marahil ng takot na magkapira-piraso ang di pa tuluyang napapanday na karakter. disposisyong mabuway na kapag di nangwaksi ng tao ay uulik-ulik hanggang tuluyang mabuwal. kung tunay na may mabuting gulugod, haharapin at pakikisamahan ang bawat isang minamahalaga ng taong mahalaga sa iyo.

di ko alam kung batid na di ikaw ang kasalakuyang ikaw. higit kang buhay noong wala pa ang batas ng isteytment sa iyo. sa nalalapit na Pasko ng Pagkabuhay, nawa'y mahanap mong muli ang iyong sarili.

makapaghihintay pa naman at gud lak.

Tuesday, April 3, 2012

har har

sabi nila, masusumpungan mo nga magkaminsan.

'wag kasi aasa ng sobra-sobra. kasi noong mga una, di gaanong suwerte eh. tapos na ipunin lahat ng tika, hanapan ang kinauwian. patakda nang patakda sa kadiliman at doon pala. dahil walang pamilyar, kung ano ang nasa tabla, 'yun na lang. wala 'atang tsansang mag-alin alin ang naiba. kauuwian, tanggap lang nang tanggap. wisik-wisik tapos pirma na.

sulok na sulok 'yung una. may kabigatan. medyo maikli ang pasensya. pero may kakaibang istayl. lahat ng sulok ay papasadahan. presyo. sa lahat kasi ng bagay ay may katapat na presyo. payag na nga. arangkada ang ulukan. at umalagwa ang kasutilan. pangalawang pagkakataon, ganoon ulit. wala pa ring alam na iba kaya wala sa iyo ang pasya. nagpaulan muna ng kaunti. tuloy-tuloy na sa palapag. walang wari sa dumatal. basta siguro natapos ito at tumawid na ang araw.

sumunod na sumpong, lumitaw si ana ivanovic. magaling na tennis player. matangkad at magaling ang galaw. di mataba o bansot. may tamang diin ang kamay niya sa mahahabang hataw. at may swabeng hilatsa sa maliliit na dakdakan. may kakaibang ginhawa sa laro niya. walang mahabang almonedahan. laro agad. madaling kausap. di nagmamadali. numipnip ng tetil ng sobra sobra. likaw-likaw talaga. galing magpaningas. walang reklamo. ut-ot. ut-ot nang paroo't parito. hanggang sumupang ang tampok na kaka. sarap ng panalo sa roland garros! panalo. isang basong tubig pangdausdos sa galak ng laklak. grabe 'yun. kauna-unahan ni ana tapos ng dalawang bigo sa pinale. saya. may ngiti sa labi.

sumakay ulit upang lumuntian. tanong kung maglalaro si ana ivanovic. wala raw. di 'ata lumahok. o sige, wala ang subok na. bago na naman. kung ano ang nasa tabla, 'yun na. nagpaulan muna ulit. di na tumingin kung ano ang nasa dako pa roon. pumapalapag na.

sorpresang apbit! har har! puro istorya. masinag at parang jenerus. tinapos naman ang laro. at saka nagsarbey. di singtayog ni ivanovic. pero kaligkig din naman. ngisdulse. at dahil galing din magpaningas, harharan na. nagdesunson muna at nagsimulang harinahin ang sula. dutdot dito at tigtig doon. tagal umistip. oras na para sa nipnip. galing ng likaw. husay ng istayl. kaunting lingkis. at may tampalip pa. at panahon na para bumangaw. binangaw nga ang tikin. syeypli and gabilyang pirs. triunfo! reding magpakawala. kumuha ng celfon. makatutulong daw ito. rumubdob ang bangawan. kumakaldag ng todo-todo hanggang sa likuran ng bukana. umalingawngaw pa nga ang tunog ng matinding bangawan. 'wag daw 'syado ingay. tuloy ang bulusok. malapit na ang rurok. at ang pinakahihintay na kaka'y sumupang. dami parang lori. at siyempre nilangay-langay ng tatagukan lahat. lahat. nakadyakpat ulit. kaunting lipulan at harabas na. nagtambilangan muna pala. magaling.

biyaheng matindi. bawt ang katapat nito. luntian ito. wala raw ang harhar. pero makararating. dali-daling lumuntian sa siyudad. kaunting paulan at istasyon at bumungad na nga. dating gawi raw. pero mas matindi dapat ang hataw sa embaha. ayun nga ang ginawa. biglang di maalala kung ano 'yung dating doon. manariwa nga ulit. kaunting sulang harinahan. paistipan. ayaw. dedbit nga siguro. kailangan sigurong pumardiyas sa tikin. at tumikin nga ang tikin. tapos ay hapitan naman. dalawang bagsik na bagsik na tagdan. salikop sa isa't isang parang tayakad lang. walang tampalipan. pero matindi ang nipitlipan. kabi-kabila at may kasamang lingua franca. atikabo ang kukut-kukutan. pumodyum na para sa golpe de bangaw naman. kinurukok ang katyaw. kukok nang kukok. minulmol ng todo. maririnig ulit ang tanging ngasngas. bakit kasi ang hilig mangaldag? puwede namang simpleng tubugan lang. pero ok din. kasi sa kakangasngas, sumargo na nga ang malapelus na panghaplas. sapirong tuloy-tuloy ang pagsago. binambang ang baong kaka. lahat ulit. di ito nakatutusing. diretso sa butse. naging makalamkamin ang tagdan pero tuloy-tuloy lang ang pagmulmol. bumalik sa nipitlipan. mas may pangangailangan. ibang lebel ng rubdod. at sumago rin. talagang nakapagpabawa 'yun.

tapos n'un, palitan ulit sa tambilang. tanong kung kailan muli ang luntian. ok naman ang hradecka. lalo sa doubles. ngisdulse nga di ba? sisiya at marahan. ayos din ang dimensyon at higit lalo, mabini. pero siyempre, nobeldad ay kailangan din. di naman puwedeng pareho lahat ng oras. parang ayaw niya humiwalay sa hlavackova. hanap kasi ng bago kaya ngilak ng bagong pigura. nakuha rin.
jankovic - clijsters ang rekomendado. sana kaharhar-harhar din. subok na si clijsters pero si jankovic, so-so. 'pag pinagsama, baka di tiyak. sana ay ok. kundi, babalik si ana ivanovic.

hila sana ang panahon. para maka-urban. o kaya ay subukan ang sa nana. puwede rin namang chong nonsi. o sa phaholyothin. dito, luntian lang siguro. dumi kasi sa tago. tearts naman ang kuliglig. o kaya ay tangka sa rapyer. puwede ring sampulan ang nso o kaya probidensyal na hikay. o ang inlet na pedazo. ang lalayo kasi eh. pero tingnan natin.

mahiwaga nga ang buhay. 18 pero 16 lang.

Monday, April 2, 2012