Monday, December 27, 2010

villain

this is a nice montage of some of the best movie villains ever!


elbow

isang masayang krismas parti ang naganap sa elbow room.
sangkatutak na pagkain. may videoke.
may bilyar, ngunit humambalang dito ang isang malaking tabla upang maging hapag-kainan.
katuwang mga palaro ni joseph ang haylayt. may sorpresang mga regalo.
sa susunod na taon ulit. (",)

Friday, December 17, 2010

thousand


Making my way downtown
Walking fast
Faces passed
And I'm home bound

Staring blankly ahead
Just making my way
Making my way
Through the crowd

And I need you
And I miss you
And now I wonder....


If I could fall
Into the sky
Do you think time
Would pass me by
'Cause you know I'd walk
A thousand miles
If I could
Just see you
Tonight

It's always times like these
When I think of you
And I wonder
If you ever
Think of me

'Cause everything's so wrong
And I don't belong
Living in your
Precious memories

'Cause I need you
And I miss you
And now I wonder....

If I could fall
Into the sky
Do you think time
Would pass me by
'Cause you know I'd walk
A thousand miles
If I could
Just see you
Tonight

And I, I
Don't want to let you know
I, I
Drown in your memory
I, I
Don't want to let this go
I, I
Don't....

Making my way downtown
Walking fast
Faces passed
And I'm home bound

Staring blankly ahead
Just making my way
Making my way
Through the crowd

And I still need you
And I still miss you
And now I wonder....

If I could fall
Into the sky
Do you think time
Would pass us by
'Cause you know I'd walk
A thousand miles
If I could
Just see you...

If I could fall
Into the sky
Do you think time
Would pass me by
'Cause you know I'd walk
A thousand miles
If I could
Just see you
If I could
Just hold you
Tonight

bomod-ok

ang pangalawang araw namin sa sagada ay nagsimula ng maaga. bandang alas-6, gising na ako. ngunit halos alas-7 na ng kami'y lumabas ni dad upang mag-almusal. grabe ang ginaw kaya dalawang patong ang panglamig ko, lalo na nga't wala akong dalang pantalon. pagdating sa plaza ng munisipyo, kabubukas pa lamang ng mga tindahan ng almusal. nagkape kami at kumain ng suman ng mga taga-sagada. mayroon din silang tindang arroz caldo, siopao at dalandan.

bumalik kami sa inn upang maghanda na sa aming abentura patungong talon ng bomod-ok. lingid sa aming kaalaman, ibang daan pala ang aming tatahakin pababa ng talon, di gaya ng una kong punta rito noong 2007. mas malayo ang minaneho ng aming sasakyan, ngunit di matarik ang mga baitang pababa. halos patag din ang mga konkretong pilapil na aming tinuntungan patungo sa bomod-ok.

nang makarating kami sa talon, higit na malakas ang buhos ng tubig dito, dahil na rin sa panahon. noong una kaming nandito, tag-init sa mayo, kaya't mas nakalapit kami sa lawa sa paanan ng talon. ngunit ngayon, matindi ang wasiwas ng anggi ng tubig nito, malayo pa lamang ay madarama mo na ang maliliit na hampas ng anggi. higit ding madulas ang mga naglalakihang bato kaya't ibayong ingat ang kailangan kung nais mong mas lumapit sa talon.naglunoy pa rin si dad, pero di na ako lumublob. masyadong malamig ang tubig at malalim ang lawa, baka kung ano lang ang mangyari sa akin. isang sorpresa rin ang pagkakaroon ng bahaghari sa sa paanan ng talon. buti na lang at maaaring mabasa ang kamera ni dad, kung kaya't nakakuha pa rin kami ng piktyur nito.

paakyat, di singhirap ng naranasan ko noong una ang ginawa namin. di gaanong marami ang mga baitang, kung meron man ay di ito gaanong matarik at di lalampas sa 10 ang bawat baitang. tulad din ng una kong punta sa bomod-ok, wala akong dalang sunblock, kaya naman namulang muli ang aking mukha, braso, batok at binti. nagtanghalian kami at bumalik sa george's, naligo at sumakay muli ng dyipni pabalik ng banaue. pagdating sa banaue, nakabili pa ako ng ilang regalo para sa aking mga kaibigan. (salamat ulit kay dad sa mga piktyur!)

aguinaldo

di ko mawari kung anong meron sa 2010, ngunit sadyang huli na ako sa anumang pamimili ng mga regalo para sa pasko. nang mga nagdaang taon, sa mga panahong ito, tanging ang pagbabalot na lamang ng mga regalo ang pinagkakaabalahan ko o ang papatsi-patsing pagbili ng mga naiwan pa. ngayon, wala pa akong anumang nabibiling regalo para sa kahit kanino. maging ang special request mula kay julia, may larawan na ito't pupuntahan ko na lamang sa mall, di ko pa rin nabibili.

sa tinatakbo ng mga bagay-bagay at sa dami ng mga kailangan pang gawin bago mag-disyembre 22, mukhang mauuwi ako sa pagbibigay ng pera bilang aguinaldo. di ko nakasanayang magbigay nito sa kapaskuhan, sapagkat para sa akin, kaakibat ng pagbibigay ng regalo sa pasko ay ang pagbibigay ng kaukulang punyagi upang maghanap ng nababagay na regalo sa bawat mahal mo sa buhay, mga kaibigan at inaanak. isa pa, naeengganyo rin naman akong makipagsiksikan sa mga pamilihan at mamili ng mga bagay-bagay tuwing pasko... tila isa itong senyal na pasko na nga at panahon na naman ng pagbibigay ng regalo.

sa isang banda, may mga indibidwal na sadyang dinaraan sa gara ng balutan ang bawat regalo ngunit ang laman ay inimpis lamang sa sanga-sangang pinagkunan? maaari pang mag-recycle ng mga regalo (mula sa ibang taon), ngunit ang balutin muli ang mga bagay-bagay na bahagi ng corporate giveaways at muli itong iregalo ay di masyadong kaaya-aya. sa ganang akin, sadya itong pang-uuri ng tao at wala itong bagay kundi tanda ito ng ibayong kakuriputan at kahangalan. ang mga bagay na ito'y maaaring muling ibigay sa ibang tao, ngunit di dapat sa panahon ng pasko. sabi nga nila, magbibigay ka na lamang, bakit di mo pa itodo at pag-ukulan ng panahon? ang pag-ukulan ng panahon ay di nangangahulugang mag-ipon ng mga maaari pang i-recycle kundi maghanap ng mga bagay na di naman gaanong mahal ngunit binuhusan ng oras at pagkakataong makahanap ng mga kaaya-ayang regalo.


bagamat di ako masyadong apektado sa sasabihin ng iba, di ko pa rin maaatim na mag-impok ng mga corporate giveaways at ibigay ito bilang aguinaldo sa pasko. maaaring sa mga inaanak ay pera na lang, ngunit sa mga kapamilya, tutungo kami sa mall at papipiliin ko na lamang sila. maligayang pasko!

singapura

my second day in singapore started with some shopping at mustafa center. i didn't get any shoes or clothes coz items sold there are intended for a particular market - indians, not my style kumbaga. but i did get a lot of pistachio, chocolates, teh and a whole lot of pasalubong. some more walking and i met mommy ruth again at little india station, and headed to clark quay for some late lunch.

after eating, we met omar. we went to ikea, where i grabbed some home furnishings and got a pair of sneakers from a nearby mall. a quick visit to singapore botanical gardens and we were off to orchard road. another quick dinner, some pictures and both mommy ruth and omar went with me to checkers inn to get my luggage. and off i went to the airport. what a quick singapore trip!

thanks to mommy ruth, who paid for almost all and got me a new shirt. thanks to kay and omar, who went around with me. the trip, more than anything, was a quick bonding time with old friends, talking about everything from nonsense kulitan about the past and some serious thingies about families. till next time!

Tuesday, December 14, 2010

sagada

lima lang kaming natuloy dahil bumak-awt na si madam na abala na sa ibang bagay (pag-ibig!)! ngunit, masaya ang naging lakad namin. walang isyu, walang mabigat kasama, walang anumang diskusyon -- libangan lamang sa ubod ng ginaw na sagada.

si dad, ako, mabel, peds at therese ay umalis ng florida station sa espana ng mga bago mag-alas onse ng gabi. nakarating kami sa banaue ng pasado alas-7 ng umaga, bumili muna ng tiket pabalik ng maynila bago umupang muli ng sakay sa dyipni patungong sagada. 400 pesos ang pamasahe mula espana hanggang banaue, 300 pesos naman mula banaue hanggang sagada, kasama na rito ang apat na beses na tigil upang makapag-piktyur sa mga kaaya-ayang mga tanawin. kaiba sa unang punta ko sa sagada noong 2007, higit na maayos na ang kalsadang nagdurugtong sa banaue at sagada. sa pagpasok na lamang ng bontoc ang karamihan ng mga baku-bakong daan, ngunit may palatandaan pa rin ng mga pagguho ng lupa sa ilang bahagi ng lansangang-bayan. abut-abot ang ginaw dahil naka-shorts lang ako at tanging manipis na jacket ang dala, ngunit sadyang iba ang halina ng bulubunduking lalawigang ito na kahit ang pinakasimpleng lumpiang gulay ay may kakaibang linamnam. marahil dahil sa kamurahan nito (limang piso lang), sariwang mga sangkap, at ang halos nagniniyebe ng simoy ng hangin.

tumigil kami sa hagdan-hagdang palayan ng banaue at bay-yo, bago tuluyang makarating sa tinuluyan naming george's inn sa sagada. kumain kami ng tanghalian sa pinikpikan, kung saan ipinatago pa namin ang natira sa sangkatutak na pancit, hapon ay dumayo kami sa kiltepan. pagkaraan nito ay lakad-lakad patungong echo valley at hanging coffins, bago tumuloy sa underground river at matangquib cave. isang tungga ng mainit at maasim na lemon tea at isang hiwa ng lemon pie sa lemon pie house ang tumighaw sa aming pagod mula sa matalahib na paglalakad. barbikyu at fishballs ang sumunod na istasyon, bago tuluyang lumimlim sa yoghurt house para sa hapunan.

mahaba ang araw na ito, ngunit pinangako kong susubukan kong magtrabaho sa gabi kaya't dinala ko ang aking laptop. tulad ng maraming gabi, di rin ako nakapagtrabaho. bagkus ay maagang nagpatianod sa lambong ng gabi sa sagada at tuluyan nang natulog kahit nag-inuman pa ang apat kong kasama. salamat kay dad at mabel sa ibang mga piktyur. (",)