Sunday, July 29, 2012

bwakaw

dramedi tungkol sa pagtanda, ang bwakaw ay istorya ni rene, isang matandang bakla. masungit at walang maliw ang ngitngit, palaging kasama ni rene ang kanyang alagang aso na si bwakaw. komedi ang hatid ng mga pag-aangil ni rene (eddie garcia) sa lahat halos na kaibigan, kapitbahay at mga kasama sa trabaho. dahil retirado na mula sa pagtatrabaho sa pahatiran ng sulat at tila wala nang natirang kamag-anakan, niligpit na ni rene ang lahat ng gamit sa kanyang bahay. may marka na ang mga kahong ito batay sa kanyang huling testamento na halos araw-araw ay binabago upang ibigay sa kura paroko ng kanilang bayan, ang kanyang pinagkatiwalaan upang magpatupad ng nilalaman ng kanyang huling habiln. ang ngitngit ni rene sa buhay ay kanyang paraan upang sawatain ang lungkot ng kanyang pagtanda at para bang paghihintay na lamang sa katapusan ng kanyang buhay. dahil dito, bumili na rin siya ng ataul na dahil sa pagsasara ng punerarya sa kanilang bayan ay kinailangan na ring ideposito sa kanyang bahay.

marami pang sanga-sangang mga istorya ang tinalakay ngunit ang lahat ng ito ay mahusay na uminog bilang bahagi ng sentral na karakter ni rene. mula sa kanyang tila pakialamerang kapitbahay na ginampanan ni beverly salviejo, natalakay ang pagkakaroon ni rene ng santo entierro, isang mapaghimalang poong nazareno na sa paniniwala ng karakter ni salviejo ay nagpagaling sa kanyang apo. bagamat masayahin at mandadarayuhan pa sa canada, nauna pa si minda (luz valdez) na pumanaw kay rene dahil sa kanyang sakit sa puso. inatake ito sa puso sa gitna ng isang kasayahan para sa kanyang napipintong operasyon. nagkaroon din ng kasintahan si rene noong kanyang kabataan sa katauhan ni alicia (armida siguion reyna) na dahil sa katandaan at pagkakaroon ng dementia ay nakalagak na sa hospisyo para sa matatanda. bagamat madalas ang pagdalaw niya sa simbahan upang makipag-usap sa kura (gardo versoza), di naman nagsisimba si rene. dahilan niya, galit yata ang diyos sa kanya dahil sa kinahinatnan ng kanyang buhay. sa bawat eksena ni gardo versoza, palagi siyang may abaniko kahit makulimlim naman ang araw. maaari itong metaporo para sa tagong pagkatao ng kura o ironiya sa kanyang di pagiging interesado sa mga maninimba ngunit may tunay namang malasakit sa mga ito. medyo kumbensyunal naman ayon sa kalakaran ng komedyang pinoy ang talakay ng pelikula sa mga bungangaan nina rene at kanyang kaibigang si mother zaldy (soxy topacio) at katulong nitong pinapelan ni joey paras. parloristang taratitat ang dalawa habang “nag-uumasim” naman si rene, lalo na nang padalhan ni mother si rene ng mga “boys”.
 
sinematikong paepek ang pagkakaroon ni rene ng espesyal na relasyon kay bwakaw. oo nga’t puwedeng may espesyal na ugnayan sa pagitan ng amo’t alaga, pero medyo malayo sa hinagap sa katotohanang pampinoy na magkaroon ng isang matandang bakla na may kasamang askal sa lahat ng kanyang puntahan. alam naman ng lahat na sa kulturang pinoy, ang aso ay “taong bahay”. madalas kaysa hindi, iiiwan ang mga alaga upang bantayan ang bahay lalo na nga’t wala nang kasama sa bahay si rene. wala pa tayo sa kalakaran sa ibang bansa na humahanap ang mga matatanda’t may kapansanan ng alagang maaaring umakay sa kanila sa bawat galaw nila lalo na sa labas ng bahay. pero sige na nga, pasable na rin ang ideyang ito dahil nakatutuwa ang asong gumanap bilang bwakaw, si princess. at siyempre dahil kay bwakaw, nakilala ni rene ang traysikel drayber na si sol (rez cortez). magkaaway muna ang kanilang ugnayan dahil sa pag-angil ni rene kay sol sa bayaran ng pamasahe. pero nang magkasakit si bwakaw at tuluyan nang mamatay ito, nagbago ang relasyon nina rene at sol. naging suki ni sol si rene at nagkapalagayang-loob upang ipagkatiwala ni rene ang pagpipintura at pagkumpuni ng kanyang bahay kay sol. ang kakatwang atraksyon ni rene sa mukhang di mapagkakatiwalaang si sol ang isa sa indieng-indie na ideya ng pelikula. dahil na rin sa atraksyon at siguro’y huling bambang na pagpipilit sa pag-ibig at pita, ninakawan ni rene si sol ng halik at tulad ng inaasahan, nagalit ang machong si sol kay rene, di na niya ito pinansin at tuluyan nang lumayo. bagamat di natuloy ang sana’y mas indieng-indie na pag-iibigan ng dalawa, nagkaroon ng bagumbuhay si rene. inilabas niya ang lahat ng gamit mula sa kahon at dinekurasyunan ang kanyang bahay bilang meteporo sa pagkakaroon nitong muli ng sigla at ganang magpatuloy sa buhay at maging masaya.

 di kalat-kalat ang mga banghay ng pelikula ni jun lana at may maayos na daloy ng talakay. bagamat indie ito, wala itong magalaw o nakahihilong mga kuha ng kamera at maayos ang pagkakakuwadra sa san pablo, laguna, malayo sa dumi o sukal ng kamaynilaan, ang palagiang lunan ng mga pelikulang indie. isang tunay na alagad ng sining si eddie garcia. epektibo ang batikang aktor at direktor bilang rene kahit na nga para bang nahirapan siya ng sobra sa mga eksenang kailangan niyang sumakay sa traysikel.

sa kabuuan, istorya ang bwakaw ng pagtanggap sa sarili kahit nasa dapithapon na ng buhay at pag-iisa sa pagtanda. medyo kumbensyunal at makailang-beses na ring tinalakay ang temang ito sa ibang pelikula at palabas sa telebisyon ngunit sa bwakaw, binigyan ito ng nakatutuwang positibong pananaw at malugod na lapit. tagumpay ito sa paghahatid ng balanse sa pagitan ng mga katatawanan at mga eksenang malungkot o mabigat.

Tuesday, July 24, 2012

rude

A rude nature is worse than a brute nature by so much more as man is better than a beast: and those that are of civil natures and genteel dispositions are as much nearer to celestial creatures as those that are rude and cruel are to devils.
- Margaret Cavendish

marzon

trabaho ang ipinunta ko sa kalibo nitong hunyo. isang gabi lang naman ang kailangan kaya sabi ko kay alice, bahala na siya kung saan ako ibu-book. sa marzon hotel na lang daw ako, sabi niya. ok, 'ika ko.

mula sa paliparan ng kalibo, nagtraysikel ako papuntang marzon. malawak ang kompleks nito. may dalawang gusali, isang gawa na at isang may pukpukan pang nagaganap. maaga raw ako para sa check in kaya ang tanong ng receptionist, "magtatagal ba kayo sa room, sir?" sabi ko hindi naman kasi may meeting ako ng alas-2 ng hapon. "kasi po medyo maingay, sir." may konstruksyon pa ngang ginagawa upang dagdagan ang gusaling ito ng pangatlong palapag pero ok lang naman sa akin. basta ang mahalaga pagsapit ng alas-5, tigil na ang ingay ng pukpukan.

maayos naman ang silid. maluwag at malaki ang kama. marami-rami ring channel sa tv. ang kakatwa sa silid na ito sa marzon, magkahiwalay ang liguan sa palikuran. pinagigitnaan nito ang mismong pinto ng silid. di ok para sa akin na kailangan mo pang lumabas ng silid upang kumuha ng libreng tubig sa dispenser na nasa pasilyo. sa halaga ng silid, dapat ay kasama na ang libreng 2 bote ng mineral water dahil di rin naman kasama ang almusal sa presyo. masarap at nakabubusog sa dami ang pagkain sa restawran ng marzon. wala ring palya ang koneksyon ng wifi. medyo malayo ito sa sentro ng kalibo pero malapit ng kaunti sa paliparan.

para sa biyaheng pantrabaho, ok na ang marzon. pero mahal ito para sa bakasyong panggrupo o pampamilya.

Monday, July 23, 2012

hor mok pla

streetfood. yup, that southeast asian phenomenon. some say these are our comfort food, food on the go and easy meals... even faster than the fastest fastfood. my june trip in thailand gave me another great sampling of thai streetfood. sukhumvit soi 11 provided my grilled pork on skewers, spicy minced pork with basil, while siam area (right in front of the paragon night market) gave me my almost quarterly sampling of omelette with minced pork and fried rice with chicken. of course, going back to aloft, i needed some sweets so it was sticky rice with ripe mangoes. not to mention the pad thai along soi 11!


during this trip, i also went to koh kret, just outside bangkok. before doing my "temple run", its narrow streets provided new and exciting streetfood fare. deep-fried flowers and various herbs got my attention and i quickly tried an assortment of crunchy flowers and leaves dipped in sweet and spicy sauce. in some other parts of asia, these flowers might be tea but in thailand, these were made kropeck-style crunchy snack. somewhat similar to hor mok pla (steamed fish curry in banana cup), i also got a chance to sample a fish-based snack. the vendor told me that it is considered a dessert but to me, it should have been eaten with rice. sweet because of the coconut milk, it might be something pinoys would consider as fish bola-bola.


cheap, tasty and exciting... i'm always up to try out new streetfoods (except perhaps in india). till my next streetfood trip!

Sunday, July 22, 2012

aloft

points. yup, my SPG points were the key to my stay in bangkok's aloft in june. aloft is located in sukhumvit soi 11, about 5-10 minute walk from nana BTS station. they have a free tuktuk service that would bring you as far as asoke BTS station and back to the hotel. since its is right in the heart of bangkok's busy areas, thai streetfood can be found everywhere. from sticky rice with mangoes, barbecue, green curry, thai fried chicken and a lot lot more. aloft's lobby smelled nice and looked the part of a modern and edgy hotel. the pool was nice and the room was comfortable. if there was one thing that didn't quite work out for me was aloft's strict two mineral water bottles per room per day policy. other than that, aloft is all good.

Saturday, July 21, 2012

secret cliff

my trip to phuket was the highlight of this year's june. we first saw a good deal in phuket's secret cliff resort and restaurant before booking the cebu pacific flight to bangkok. thereafter, we booked our orient thai flight from bangkok to phuket.

our stay in secret cliff was a pleasant one. we were assigned to one of the superior garden-view rooms on the resort's hillside (across the street). the resort has a multicab that takes guests to and from the hill rooms to the dining and reception areas. staff were courteous enough but could still be improved. the food was good although the drinks and cocktails are pretty pricey. the resort is in between karon and patong beaches, but one would still need a taxi or multicab to go to either one of these beaches. our taxi driver 'though found it hard to locate the resort, probably because it is fairly new. the area is not at all crowded. for laidback and adventure-less vacation, this is a good place to relax.



Friday, July 20, 2012

duda

kumpiyansa sa sarili. mahalagang bahagi ng pagbubuo ng sarili. sabi nga ng marami, dapat mong sampalatayanan ang iyong kakayahan, abilidad at buo mong pagkatao upang paniwalaan ka rin ng ibang tao at makuha ang kanilang respeto. ngunit paano kung labis na ang kumpiyansa ng isang tao sa kanyang sarili? tama pa rin bang matatawag na inalis na ng tuluyan sa kanyang bokabularyo ang mga salitang alinlangan o duda?

maaaring sa mga datos na batay sa saliksikan ay madalas na walang duda sa iyong kaalaman o opinyon. base naman ang mga ito sa mayabong na karanasan sa pakikipagtalamitan sa mga manlalaro sa merkado, kaya pasable na rin. at siyempre, sangkatutak na rin naman ang sinawsawang mga pag-aaral kaya madali na ring humugot ng kung anu-anong pabaon sa mga mamimili ng datos.

subalit pagdating sa tao, madalas kaysa hindi, palpak kang madalas. maging pamamanihala, pag-aanalisa ng mga tunguhin ng mga ito o pagbasa sa kung anong klaseng indibidwal ang ibang tao, maraming beses nang pumalya ang iyong pagbibigay-opinyon. bagamat ikaw na mismo ang isa sa mga unang tao na nagsabing ito ang isang aspetong talagang dispalinghado ka, tuloy-tuloy pa rin ang madalas ay di responsableng pagbibitiw ng mga salita tungkol sa kawanihan. siguro pinalalakas ang loob mo na magsasali-salita dahil tila marami ang naniniwala at mukhang may bigat ang bawat opinyon mo. dahil siguro walang kakabug-kabog ang bitiw mo sa iyong mga salita. punumpuno ng kumpiyansa kumbaga at walang alinlangang sasabihing di dapat na manatili ang isang indibidwal kesyo dahil sa di talaga magaling ang mga ito o kaya’y aalis na ang mga tao pero hanggang ngayon ay nandiyan pa rin naman. makailang beses na rin na tunggak ang basa sa mga bagay-bagay at madalas kaysa hindi, pinagmumulan ito ng mga usapin at di kailangang mga isyu. ang pinakamasama pa rito, dahil sa di maipaliwanag na kumpiyansa sa sarili, marami na ang nagsilayas dahil sa iyo mismo. walang ibang dahilan sa kanilang pangingibang-tanggapan kundi ang walang habas mong dila na para bang hinugot mula sa halimaw sa banga.

ok naman sa ibang aspeto pero sana’y matutuhan mong magdalawang-isip dahil di ito malaking kabawasan. mabahiran sana ng kaunting alinlangan ang iyong isip. hindi sa lahat ng pagkakataon ay may katumpakan ang iyong mga salita. kabahan ka naman minsan. ‘yun bang pagdudahan mo naman maski paano ang ilan sa iyong mga hinuha lalo na ‘yung may kinalaman sa ibang tao at kasapi ng kawanihan. hindi dahil ginamit mo ang mga salitang “marahil” o “baka sakali”, tanda na ito ng pagkakaroon ng karuwagan bilang pinuno. maging ang mga pinakapaham sa sangkatauhan, may atubili pa rin. mayroon pa rin silang mga sandali ng pagtatanong tulad ng “tumpak ba talaga ito? o dapat pang muling suriin at baka naman nabubulagan lang ako.” kapag may kaunting dosis ng duda, pinananatili nito ang paa natin sa lupa. pinatutunayan nito na tao pa rin tayo… maaaring magkamali at di tiyak sa maraming bagay. walang sinuman ang palaging tama at may monopolyo ng katumpakan sa lahat ng bagay. maliban na lang kung may sayad ka o di ka mula sa daigdig na ito.

o baka nga isinabuhay mo na ang pagiging kokey, gabing kabubunot lang sa lupa? piho ko lang.

Thursday, July 19, 2012

china

"Naiinis ako sa China. Mahirap dati na biglang yaman at ang education ay galing sa telenovela kaya nang-aapi."
- Ma'am KR Rondon

Tuesday, July 17, 2012

dose

isang dosena. labindalawa.
bilis nga ng panahon. di mo namamalayan, lagpas na ng sampu, labing-isa na at dose na nga.
siguro kasi masaya nga.
magiliw. walang bahid ng pananamantala. walang habulan. walang badtripan.
ginawan lang kumbaga.
‘yun nga lang, nagiging pangkaraniwan na. sanay na kasi. naka-ilang beses na. madalian na karamihan.
hanggang kailan?
aba, ewan ko. di ko alam. di ko pa alam. panahon lang daw ang makapagsasabi.
sa ngayon, libang-libang lang.
hanggang may magandang katok. sunggaban na agad. di na uso ang tumpik-tumpik.

Monday, July 16, 2012

cineminimized

cineminimized has some of the nicest depictions of various iconic characters. (",)






tag-ulan

tag-ulan. iinit man sumandali ngunit lulukob ang kulimlim sa himpapawid. maya’t maya ang buhos ng ulan. apaw ang mga kanal at estero, sa kalsada ang daloy ng tubig. walang anu-ano’y nandiyan na ang tubig-baha. tigil ang trapiko at marami ang nababalaho.

kasabay ng pag-arangkada ng tubig-baha sa kamaynilaan ang pagnanaknak ng malalimang sugat na wala namang ibang may kagagawan kundi ikaw. di ko mawari kung ano ang mayroon sa pagbabadya ng ulan ngunit sa tuwing mananaig ang kaulapang maydala ng ulan, tila nag-iiba ang timpla ng mga hormon ng iyong katawan. para bang may kung anong likido sa iyong katawan ang nagsasabing hatiin ang iyong katawang gaya ng sa manananggal at maghasik ng lagim sa sangsinukuban. kapara ng pagdilim ng kalangitan ang pagdilim din ng iyong emosyon, pag-ulan ng mga walang kapararakang isyu at muling pagdaloy ng mga usaping di na dapat pang uriratin. apaw ang hinanakit mo sa mga nakaraan. at ang masama pa nito, pilit mong isinasanaw ang lahat sa bahang galing sa estero ng iyong sikmura. natutuwa ka yata na patigilin ang trapiko at piliting uminog ang buhay ng mga tao sa iyo. bukod sa matagal mo nang binalaho ang iyong sarili sa anumang pait ng nakaraan, tila nais mo ring mabalaho ang iba sa kunwang reyalidad na ikaw lamang at ang iyong maykapangyarihan ang nakauunawa. sadya nga bang inulaol na ng bagyong ngalan ay kapaitan ang buong pagkatao mo?


ano nga ba ang mayroon sa tag-ulan? bakit sa tuwing sasapit ang mga buwang maulan, palagi kang may kung anong sanga-sangang salansang na palabas? kapag mas aktibo nga ba ang pamumuo ng masamang lagay ng panahon, masugid din ang kati ng iyong puwitan na mangunsensya, umisteytment, magpataas ng ihi at pilitin ang lahat na sumunod sa iyong nais? sa bawat ulang dala ng hanging habagat, nag-aalimpuyo rin ba ang iyong kagustuhang likidahin ang ugnayan mo sa maraming tao?

sinasadya yata ang paghahasik ng delubyo. intensyunal at maingat ang bawat pagpapa-ambon ng patutsada at pagpapaulan ng walang galang na mga salita. sino ka nga ba sa tingin mo? hindi ka sagot sa kakulangan upang tawaging maalwan ang buhay. oo nga’t may kaunting pakinabang mula sa mga anggi ng biyaya mula sa iyo, hindi ka isang banal na dapat dulugan at dakilain, lalo na ang punyetang maykapangyarihan sa iyo. hindi porke pakiramdam mo’y perpekto kayo ng maykapangyarihan, bumabalong na mula sa inyo ang katumpakan ng asal at gawi na maaari na kayong bumakli ng tadyang ninuman.

hindi sa lahat ng pagkakataon ay iintindihin ka ng ibang tao. tandaan mo, nag-iiba na ang klima. tumitindi rin ang emosyon ng iba. di sa lahat ng okasyon ay pagbibigyan ka. kapag mabigat na ang naipong tubig sa mga dam o dike, umaapaw ito at nagbubunsod ng dagliang baha. baka ikaw mismo ay malunod sa bahang ikaw lamang ang maygawa. hindi pa naman ganoon katibay ang pundasyon ng iyong mga saplad. hindi ba minsan na ring bumigay ang iyong mga pilapil? at kanino ka sumilong nang minsan kang ondoyin? hindi ba sa mga tao ring pilit mong nilulunod ng iyong pusali? alalahanin mo ang lahat ng ito.

at uulitin ko ulit… hindi ka hulog ng langit.

Saturday, July 14, 2012

jabberwocky

JABBERWOCKY
Lewis Carroll

(from Through the Looking-Glass and What Alice Found There, 1872)

`Twas brillig, and the slithy toves
Did gyre and gimble in the wabe:
All mimsy were the borogoves,
And the mome raths outgrabe.

"Beware the Jabberwock, my son!
The jaws that bite, the claws that catch!
Beware the Jubjub bird, and shun
The frumious Bandersnatch!"

He took his vorpal sword in hand:
Long time the manxome foe he sought --
So rested he by the Tumtum tree,
And stood awhile in thought.

And, as in uffish thought he stood,
The Jabberwock, with eyes of flame,
Came whiffling through the tulgey wood,
And burbled as it came!

One, two! One, two! And through and through
The vorpal blade went snicker-snack!
He left it dead, and with its head
He went galumphing back.

"And, has thou slain the Jabberwock?
Come to my arms, my beamish boy!
O frabjous day! Callooh! Callay!'
He chortled in his joy.

`Twas brillig, and the slithy toves
Did gyre and gimble in the wabe;
All mimsy were the borogoves,
And the mome raths outgrabe.

Thursday, July 12, 2012

nicki minaj

sa kahit sino naman sigurong tao, may kakaibang halina ang anumang libre. ‘pag walang bayad, dali-dali ang daluhong. ‘pag sinabing di kailangang maglabas ng pera, ura-urada ang desisyong pagsugod. libre nga kasi. di naman araw-araw ay makakasumpong ka ng libre di ba? kaya’t wala nang patumpik-tumpik, go na… maski di tiyak ang kahihinatnan ng abentura.

sa pangkaraniwang pagkakataon, di ko pag-aaksayahan ng anumang atensyon si nicki minaj. di ako pamilyar sa kanyang karera at dalawang kanta lamang ang medyo nasagap ng aking radar – ang super sikat na superbass at ang bagong starship. pero dahil sa libre nga ang tiket mula sa RIM, wala nang dalawang-isip. pagpatak ng alas-6, sumibad na kami ni mabel [salamat sa mga piktyur sa ibaba] papuntang MOA arena (na parang isang malaking sabungan lamang). doon namin kinita ang mag-asawang si kr at joey.

front act ni nicki ang all stars. nagrara-rap at nagsipag-indayog ang mga ito sa entablado sa loob ng mga 30 minuto siguro. tumaas na ang enerji ng madla. pero dahil sa higit na 30 minutong paghihintay sa pagsampa ni nicki, bumaba ulit ang enerji. ngunit hiyawang matindi pa rin ang sumalubong sa mangangantang galing sa trinidad. tulad ng inaasahan, di ko alam ang halos lahat ng kinanta niya… bukod pa sa di ko naman talaga naiintindihan ang mga linya ng nililitanya niya. para ngang 3 mahahabang kanta lang ang lahat ng kinanta niya dahil pare-pareho ang tunog sa tainga ko. gayunman, kaindak-indak naman ang saliw ng musika, kahit na nga medyo masikip at inalis nila ang mga upuan sa patron section. buti na lang at rap ang mga kanta niya, wala ring masyadong jologs na nagsusumigaw kasabay ng pagkanta ni nicki. mabilis lang at natapos din agad ang kakakanta ni nicki. wala pang isa’t kalahating oras, tapos na ito.

libre. ‘yun ang puno’t dulo. libreng aliw, kahit di naman talaga solidong aliw. aliw na ok na rin naman, dahil libre nga naman kasi. di tulad ng katabi naming super fan ni nicki na gumastos ng tatlong libo, wala kaming ginastos bukod sa pamasahe’t pagkain sa tokyo tokyo. naalala ko pa si serena williams kay nicki minaj. sa susunod na libreng aliw ulit!

Monday, July 9, 2012

bangkero


ang mga pulitiko nga naman. kailangan ba talagang palaging isiksik ang sarili maski sa mga bidyong tulad ng nasa taas? naknamputsa! kung ang nais ay itaguyod ang kanilang bayan, dapat ay hinayaan na lang na ihaylayt ang kagandahan ng kanilang lugar o ang ngiti sa labi ng mga mamamayan. hindi na kailangan pang tumayo't kumumpas-kumpas ang mayora sa kabuuan ng bidyo. hindi naman darayo ang mga turista upang makita ang mayora! dadagsa ang mga turista dahil sa halina ng kanilang magagandang tanawin. tsk tsk! ang ilang mga pinoy talaga!

Sunday, July 8, 2012

ligo na u


"Para akong galing sa kainan na nabusog pero di naman nasarapan." - Intoy



"Akala ko pare-parehas lang ang puke. Ang puke ay di usapin ng luwang o lalim kundi kung kanino nakakabit at kung sino lang ang puwedeng tumakip..." - Intoy: Ligo na U, Lapit na Me.