kapuluan ang pilipinas. at dahil dito, isang hantad na pangangailangan ang pagkakaroon ng isang mahusay na pantalan para sa ligtas at mainam na paglalakbay paroo't parito sa mga isla ng mga mamamayan at kani-kanilang produkto. ngunit likas na nga ba sa mga pinoy na ipagsawalang-bahala ang mga litaw na pangangailangang gaya ng pantalan?
pumunta kami ni dad sa guimaras nitong mahal na araw. para makapunta sa jordan, kabisera ng guimaras, sa pantalan ng ortiz daw ang sakayan ng mga lantsang pantawid. isang sakay ng dyip mula sa sm iloilo hanggang sa ortiz, ang pinakaabalang daungan sa iloilo. kagaya ng karamihan ng istasyon sa pilipinas, nagkalat ang mga manininda sa bukana ng daungan. ngunit kaiba sa ibang mga daungan, daraan muna ang mga pasahero sa liku-likong mga iskinita, susundan ang mga karatulang "jordan passengers this way", bago pa man makarating sa bilihan ng tiket. sa mismong daungan, literal na magkakasalubong ang mga galing ng guimaras at ang mga indibidwal na gaya ko na paalis pa lang ng iloilo. isang makitid na hamba lamang ang nagsisilbing daanan ng lahat ng mga pasahero. kapag nagkamali ng tapak, titimbwang ka agad sa mala-esterong tubig-alat ng pantalan. di malayong kapag masama ang panahon, hahampasin ng malalakas na alon ang mga taong titiyad dito. walang maayos na sistema ng pagpapaluwas ng mga pasahero at mano-mano ang lahat ng gawi, maging ang diumanong pagsisiyasat ng mga miyembro ng coast guard. dahil wala ngang sistema, magtatanong ka lang kung aling lantsa ang patungong jordan at maaari ka nang tumambling pasakay sa lantsang 'yon. saka ka pa lang magbabayad at ni walang anumang manipestong kailangang sulatan ng iyong pangalan. siguro dahil labinlimang minuto lang ang biyahe pa-guimaras at maganda ang panahon, kaya maskipaps ang nakagawian sa pantalan. kung sa panahong dagsa ang mga mananakay ay walang anumang sistema, malamang sa pangkaraniwang araw ay lalong wala.

nakalulungkot isipin na maging sa isang lubhang urbanisadong lungsod na gaya ng iloilo ay walang organisasyon sa pamamahala ng daungan at ni wala gasinong imprastrakturang matatawag. maigi pa nga sa guimaras at ang pier ay may bubungang permanente at tila may kaayusang madarama. ang pantalan ng ortiz ay magpapaalala sa sinumang turistang sila ay nasa di maunlad na bansa.
paano natin hihikayatin ang mga dayuhan at lokal na turistang maglakbay sa naggagandahang lokasyong gaya ng guimaras kung sa pantalan pa lang ay panganib na ang nakaamba? sa pagtahak ni p-noy sa matuwid na landas, sana'y kasama rin ang pagsasaayos ng mga pangunahing imprastrakturang gaya ng pantalan. di kailangang magarbo ngunit dapat ay may maayos na pasilidad, lalo na sa pagpasok at paglabas ng mga mananakay.
1 comment:
it's a common problem across the country. but i also hope to see some major improvements. i'm from cebu.
Post a Comment