Sunday, November 27, 2011

kahigtan

sa tennis, advantage ang tawag sa puntos pagkatapos ng deuce. kailangan pang manalo ng isa sa magkatunggaling manlalaro sa susunod na puntos upang mapasakanya ang game na pinaglalabanan. sa pang-araw-araw na buhay, ipinagsasanggalang ng bawat isa ang kanyang sariling ikabubuti o kabutihan (advantage), malayo sa anumang kapahamakan o panganib. madalas kaysa hindi, ipipilit ng bawat indibidwal na makuha ang bawat naisin, kapritso man ito o buhay ang nakataya, upang sa gayon, mahita ang pinakamalaking benepisyo para sa kanyang sarili. para sa akin, walang masama rito hangga't wala kang tinatapakang ibang tao o di mo niyuyurakan ang sarili mong dangal.

ngunit para sa isang hiwa ng minatamis na masa ng arina't itlog, di makatarungang mapasaringang nanamantala ang sinuman. malulugod sinuman kung bilihan ng matamis na panghimagas. ngunit kung di na ito pasok sa laang-gugulin, maano ba naman 'yung sabihin ng maayos. lahat ay nasa tamang gulang na para maintindihang may limit ang paggastos. hindi mga timawa ang mga taong ito upang paratangang mananamantala. di dapat magbitiw ng mga salitang tiyak na magpapapanting lang ng tainga ng makaririnig. sa susunod, 'wag na lang siguro magpakain. sa gayon, walang anumang suliranin, walang gastos at walang mahabang usapan.

sa anu't anuman, may kakayahan po akong bumili ng mga bagay-bagay na magbibigay kahigtan sa aking sarili!

1 comment:

Anonymous said...

amen. amen. galing!