Sunday, October 7, 2012

eighteen

akalain mong umabot ng 18. di pa natatagalan noong masumpungan ito. madilim at may kaldag sa dibdib. sabi nga ay naglakas-loob lang. medyo palpak pa noong una hanggang maka-harhar na nga. at ngayon ay 18 na.


kung coming of age ang pag-uusapan, wala nang tatalo pa sa 18. edad ito ng pagboto sa maraming bansa at ipinagdiriwang bilang pagtawid mula sa pagiging tinedyer tungo sa pagiging ganap na maygulang. may 18 kabanata ang bhagavad gita na nakapaloob sa mahabharata. palagi ring maririnig ang 18 wheeler sa mga trak, habang sa isang round ng golf ay may 18 holes. masuwerte raw ang 18 sa mga intsik kaya mas madalas na mas mahal ang upa sa ika-18 palapag ng mga gusali. ang salitang hebreo na chai o buhay ay may numerikal na katumbas na 18. dahil dito, madalas na 18 ang multiple ng mga regalo sa kanilang kultura upang magpahiwatig ng mahabang buhay.


dumating na nga siguro sa puntong “maygulang” na. kung sa golf, nakatapos na ng isang buong round. gaya ng sa bhagavad gita, may anong lagay na ng loob at tumawid na mula sa simpleng harinahan papuntang kawingang maaaring pangmatagalan. siguro mas marami na rin ang maaaring madala parang sa 18 wheeler trak. sana nga’y may kakaibang suwerte ang dala nito. at siyempre, mas masaya kapag mas lalo pa itong tumagal. eighteen na.

No comments:

Post a Comment