Monday, October 1, 2012

migraine

bakit ka nagbalik ha? matagal ka nang nagpaalam. taon na rin ang binilang nang huli kang umariba. ‘yung pag-aribang halos maya’t maya at tumatagal ng halos buong araw. pero bakit nandito ka na naman? magpaliwanag ka nga. sige nga, migraine!


sa halos tatlong linggo lamang ng setyembre, biglang naging madalas na bisita ang sakit ng ulo. halos araw-araw ito. bukod pa nga sa bigat ng batok at sikip ng dibdib, ang maygreyn ay isang kundisyong panlupaypay kaninuman. maski ngayon mismong oras na sinusulat ko ito, umaatikabo pa rin ang maygreyn ko.

ano nga ba kasi ang nagbago nitong nakaraang tatlong linggo? ano nga ulit?

maang-maangan kunwari pero batid na batid naman ang katotohanang ang pagbabalik ng mandragora sa direktang himpapawid ang natatanging sanhi ng masamang pakiramdam na ito. taon din ang binilang nang huling sumalakay ang lamanlupang ito. nagpapalit-palit, pero ang bungangkahoy ang umudyok sa akin na mapunta sa kinalalagyan ko ngayon. halos labindalawang buwan din ang lumakad bago tuwiran na ngang mandragora ang magpapatakbo ng mga bagay-bagay. at ito nga ang nag-iisang dahilan ng muling pag-atake ng migraine. wala nang iba pa.

No comments:

Post a Comment