Sunday, November 10, 2013

demona

may umalma na nga. pag-alma laban sa salot na dulot ng demona. sobra na rin kasi talaga ang isang ito. tama naman na sa loob ng apat na taon, ang krityur na ito ang pinakamalaking dahilan kung bakit nagsisilayas ang mga tao. akala niya yata ay wala nang aalma.

sa wakas ay may nakapansin na rin sa maitim na gawi ng pangit na ito. may naglakas-loob na iparating sa aw-aw at dambumbay na kailangan nang kalusin ang nakapanlalasong ugali nito. ang unang hakbang ng mandaragat ay hindi palampasin ang lason nito sa elektronikong sulat. pangalawa ay ang pakikipaglaban nito sa pinagsamang puwersa ng dambumbay at demona.

sa huli, napagpasyahan ng mandaragat na palayain ang kanyang lipi mula sa galamay ng mandragora. idinarawdaw kasi nito ang pera bilang pamblakmeyl. matindi ang kapit nito sa mga kataas-taasan dahil wala ngang nais gumawa ng mga bagay-bagay na ginagawa nito. walang anumang respeto ang mandragora sa mandaragat at sa lahat ng tumutulong upang maisayaayos ang mga bagay-bagay. ang kauuwian, pinuputol na ng mandaragat ang anumang ugnayang pantrabaho sa pagitan ng kanyang pangkat at ng demona.

mas mabuti na ito kaysa naman mag-akyat pa ng sangkatutak na sakit ng ulo ang lasong dala ng demona. aanhin pa ang pera mula sa mga gawain mula sa demona kung lagpas-leeg naman ang suliraning manggagaling dito. lahat na lang kasi ay isyu at ni wala itong anumang suporta upang sawatain ang mga problema. panay-panay lang naman ang sisi at kaka-cc nito sa kanyang madidilim na imeyl.

ngayong may umalma na, sana naman ay matauhan na ang demona. nawa’y magkaroon ng pagbabago sa pakikitungo nito sa mga tao. di pa naman huli ang lahat. sana’y tulungan siya ng mga ispiritung kanyang kaulayaw sa araw-araw.  

No comments:

Post a Comment