Monday, February 3, 2014

6 years

bago ko tuluyang makalimutan, 6 na taon na nga pala ang blog na ito. january 25 ang tumpak na petsa pero nalimutan ko nga kasi ito. biruin mo naman kasing umabot pa ng 6 years 'no?! kung anu-anong bagay lang naman ang laman nito. mas marami ang mga rant o reklamo sa maraming aspeto kaysa 'yung mga posts na may kapararakan. wala rin namang masyadong bumabasa ng mga nakasulat dito. kaya nakapagtatakang tumagal din ito maskipaps. 

siguro kasi nga naging paagusan na ito ng pansariling mga palakat. akin nga naman ito kaya puwede kong sabihin ang anumang naisin. kapag may mga pangyayaring pabigat sa batok, madaling isiwalat dito ang anumang pasakit. kung may nakatatawang mga hirit, may espasyo rin sa blog na ito. kung may napanood akong maganda at may oras akong mag-typetype, tiyak na malalagay dito. siyempre kung may anumang milestone, karapat-dapat ding mai-post. may sarili akong channel at patalastas sa maraming pahina ng 6 na taon nang blog na ito. 

sabi ng google, mga candy raw ang tradisyunal na regalo para sa anim na taong anibersaryo. puwede ka raw mamili ng kahit anong candy basta ayon sa gusto ng may-ari. puwede ring tsokolate o maski gummy bears dahil modern na raw! at dahil gusto ko ang chocnut at gummy bears, heto na! 



sa susunod pang anim (o higit pa) na mga taon!!

No comments:

Post a Comment