Sunday, November 30, 2014

tiwala

usapang tiwala.
ini-earn nga raw ito.
magiging karapat-dapat ka sa tiwala kung may ipinakitang mabuti.

usapang tiwala.
kinikita ito parang pera.
kailangang pagtrabahuan upang makamit.

usapang tiwala.
di na usapin kung nakamit na.
panghabambuhay pero di pa rin garantisado.

usapang tiwala.
isang wisik lang maaaring maglaho.
lalo na't may naganap na di kaaya-aya.

usapang tiwala.
kailangang palagiang pag-ibayuhin.
karapat-dapat na pag-ibayuhin sa araw-araw.

usapang tiwala.
pinagtitibay ng panahon.
pero di naman nasusukat lamang sa haba ng pinagsamahan.

usapang tiwala.
may tanim na kabutihan.
aani ng tiwalang malaliman ang ugat.    

No comments:

Post a Comment