Wednesday, December 31, 2014

rainbow

This past year has been something else... 
it's opened my eyes to many things and many people. 
It's had its ups and downs and ins and outs. 
And I believe we've all been able to take something from that and 
grow in our own imparticular ways. 
We've over come obstacles, 
and set in motion opportunities 
that can change our own individual lives. 
- Kyle Schmid

Sta. Fe, Bantayan, Cebu.

bagong taon

sa tuwing bisperas na lang ng bagong taon, pare-pareho ang mga gawain ng mga pinoy - mga pinoy sa pinalawig na kapitbahayan namin. una, wala nang inatupag ang mga ito kundi ang maagang magpatugtog ng malakas. 'yung itatapat pa sa kanilang mga bintana ang kani-kanilang mga sound system at todo ang volume. ok lang naman kung malakas ang musika pero patawarin po ako... di ko alam kung bakit tila lahat sila ay may kakatwang hilig sa remix ng iba't ibang kanta. mula sa all of me ni john legend hanggang sa all about that bass at anaconda, puro remix ang bersyong kanilang pinatutugtog. siyempre ilang beses din nila itong pauulit-ulitin, papahingahin lang ang mga remix para magsingit ng shalalala o kaya kung anu-anong pangwowowee na kanta.

maaga rin silang mag-videoke at walang habas na tumira ng mga birit songs. 'yung mas agaw-eksena, mas maganda. 'yung mas maingay, mas gusto nila. 'yung mas nakakabuwisit, 'yun ang trip nila. bagamat wala pang nagpapaputok sa mga oras na ito, siguradong paistaran ang mga kunwaring mapera kapag malapit na ang alas-12 sa pagpapasabog ng kung anu-anong paputok. pataasan kasi ng ihi ang mga ito at tila nakakaamot ng mataas na pagtingin kapag gumastos sa paputok at sindihan ito sa gitna ng kalsada. ang mga pinoy nga naman, makapagyabang lang kalilimutan nang iniutang lang naman nila ang pinambili sa mga ito. mayroon din namang mga maypera talaga pero ito 'yung mga biglang yaman at masidhi ang kagustuhang tingnan ng mga kapitbahay bilang mapera.

siyempre di mo naman puwedeng sawayin ang mga mapaghasik ng lagim tuwing bagong taon. bubulyaw agad ang mga ito na bagong taon naman. at hihirit ng pabalang na "kung ayaw mo ng maingay, sa condominium o sa gitna ka ng bukid tumira". may lisensya nga raw dala ng bagong taon kaya ok na maghasik ng lagim at dumagdag sa noise pollution. 

walang anumang kunsiderasyon at paggalang sa espasyo ng iba. pinoy nga naman. manigong bagong taon!

Nara

Nara teens and Manila's fab three!


Tuesday, December 30, 2014

stay with me

into the woods and the great meryl streep!


Saturday, December 27, 2014

morning

Here are five simple, effortless and quick morning routine suggestions you can start today, all of which will give you the boost in energy, creativity and mental toughness to get you through the rest of this year.

1. Stretch

The other morning, I watched my 3-year-old daughter wake up. She yawned and stretched, but by "stretch," I mean that she entered a remarkable state of contortion for almost a full minute before she exhaled and opened her eyes.

It got me thinking about how most busy adults wake up. We wake to our alarm (or after a few snoozes), roll out of bed, grab our phone or head straight for a cup of coffee or the shower (or all concurrently). Instead, take just one minute and allow yourself (or force yourself) to indulge in the pleasure of a long, drawn out and refreshing stretch like a young child.

If you are more adventurous, 10 to 15 minutes of yoga just three times a week will help you build physical and mental endurance.

2. Resist the phone

I am guilty of turning off the alarm on my phone and getting drawn into the notifications on my lock screen. All this does is immediately raise my stress level. Instead of grabbing your phone to check your email, calendar or updates first thing in the morning, opt to spend the first five minutes to wake up with your own thoughts.

Nothing that happened in the past few hours while you slept cannot wait just a few more minutes until you are mentally awake and prepared to deal with it. Now, I understand that most of us use our phones for our alarms. If you are unable to resist the urge to check your phone after you have turned off the alarm, do the smart thing and invest in a cheap alarm clock and move your phone to another room.

3. Drink water

I love coffee in the morning, but the first thing our bodies need after being deprived of hydration all night while sleeping (unless you sleepwalk) is water. Drink an eight- to 12-ounce glass of cool water (not ice cold) before your coffee, and you will see an amazing effect mentally and physically. Avoid the orange juice or other sugary alternatives that will do nothing but give you a sugar crash an hour later. A simple glass of water will do.

4. Have a high protein snack

Breakfast is truly the most important meal of the day, because like water, your body has been deprived of food all night. By eating something small in the morning, you will boost your metabolism and set its pace for the rest of the day. Avoid high carb or sugary foods, such as muffins and bagels, since they burn fast and will leave you hungry sooner.

If you are like me and do not have the time (or willingness) to cook a good breakfast in the morning, find a favorite protein shake mix and a buy a handy blender bottle. A couple of scoops with milk (or soy milk for the lactose intolerant) gives the perfect boost in the morning and will keep you satisfied until lunch.

5. Take a 15-minute walk

I love to hit the "snooze" in the morning. A number of years ago, however, I realized that snoozing did very little for actually increasing the amount of sleep I get, since the initial alarm draws you out of your REM stage anyway. Instead of snoozing for 15 minutes, try getting up and taking a brisk walk. It requires very little effort (except for getting dressed) and will wake you up quickly and fully by getting your blood pumping. More important, a brisk walk also gets your metabolism revving.

One thing you can do to make these morning routines successful is to prepare for your day the night before. Before you go to bed, review your calendar and prep your wardrobe for the next day. Check for priority emails or to-do-list items from the day and either complete them or move them to your to-do list for the next day. Preparing the night before only takes a few minutes, but it will eliminate the stress and anxiety of doing so the next morning in a groggy state of mind.

The great thing about all of these morning routines is that they require very little time and effort each morning, and for the most part, they just substitute something for something unproductive you are doing anyway.

Friday, December 26, 2014

Sta. Fe

summer in december! 
sta. fe, bantayan, cebu. 


Thursday, December 25, 2014

virgin island

hole in a wall! 
virgin island, bantayan, cebu. 
summer in december!


Bantayan

what a wonderful trip that was.
fabulous family trip.
perfect weather for three days.
airasia, north bus terminal, ferry. 
laughfest and foodtrip.
sugba, sinabawan but no lechon.
pancit from ate dilim. 
hr restaurant's lasagna and silog.
nonstop hirits coming from all directions. 
beach, beach and some more beach. 
sta. fe beach, virgin island and ogtong cave. 
the provincial charm of bantayan. 
quaint, little town. 
hustle and bustle of christmas-time.
cebu, mandaue and lapu-lapu cities.
sto. nino shrine, magellan's cross and taoist temple.

till next time, bantayan and till our next adventure.


hetty kitty

mala-game of thrones talaga ang epikong bunga ng dementora. gaya ng sa hunger games, isa-isa talagang nalalagas ang mga kawan ng i panget death squad. siyempre, punong abala sa pagsawata ng mga tao ang nag-iisang kapangitan. sino ang pinakahuling sumuko? ang nag-iisang hetty kitty.

kinawawa kasi ng dementora si hetty kitty. kesyo di raw niya alam kung ano ang pinaggagawa nito. baka raw hindi siya nararapat na maging piyon ang isang ito dahil wala nang ginawang tama, puro mali at puro palpak. wala na raw pag-asa ito at hinatulang ihatid na sa golgotta kundi rin lang mag-iisip na lumayas.

handa na nga si hetty kitty. may petsa na nga ng kanyang paglisan. di na raw niya kaya pa ng isang kwarter. masikip na raw ang kanyang dibdib. nanunuot daw ang lasong dulot ng dementora. sadyang iba ang sapi ng dementora. maging sa paggising niya, nangungunsensya na raw ang mandragora.

ok na sana nang dumating ang isang amasonang gapura. may edad na ito kaya nga baka may panlaban sa kamandag ng mandragora. kung nandiyan nga naman ang amasonang gapura, may panangga si hetty kitty sa direktang lason ng mandragora. pero hindi rin nga kinaya ng amasona. suko rin ito. kaya magmula noong kalagitnaan ng taon, pirmi na ang paglason ng dementora kay hetty kitty. direkta at wala itong patumangga.

kahit na nga walang tiyak na patutunguhan, ok na raw ang pag-alis ni hetty kitty. kahit pulutin pa siya sa labas ng kaharian, ok lang. basta makaligtas lang siya sa galamay ng mandragora.

sa kabutihang palad, natagpuan ni hetty kitty ang isa pang kaharian. nagbukang-liwayway para kay hetty kitty at dagli siyang hinainan ng hapag. may lugar daw para sa kanya sa bagong kahariang ito, ok na raw sa reyna. kaya naman agad-agad na nagpasabi si hetty kitty sa mandragora. pero may angking kapaitan talaga ang mandragora. may kung anu-anong demanda pa ito laban kay hetty kitty. dapat daw nitong tapusin ang paggalugad dahil wala nga raw gagawa nito. siyempre nga naman, lahat na lang nagsilayas. may isa sa gapura, may isa ulit sa malaya. iilan na lang ang matitibay na natitira sa iskwad. pero lahat ay yumukod na.

maligayang paglayas para kay hetty kitty. di na niya kailangan pang umibang bayan. malapit lang at may kasanayan naman siya sa bagong pakikibakang kanyang haharapin. higit sa lahat, ilang buwan na lang at tuluyan na siyang makakawala sa galamay ng mandragora.

sino ang tatagal? sino ang mananatili? gaano katagal? sino ang magkakamit ng pinakaaasam na medalyang gawa sa ugat ng mandragora?!

Wednesday, December 17, 2014

di uubra

di ka uubra.
kahit na nga may lambak pa sa pagitan ng dalawang mata mo.
kahit pa pa-sweet ang atake mo.
kahit pa anong pagpapanggap mong marunong ka.
di kita pauubrahin.

kasi naman.
malinaw naman.
may magandang daloy naman.
madali lang naman.
maayos naman.

ang gusto mo ay manggipit.
ang gusto mo ay manakal.
ang gusto mo ay sadyang baligho.
ang gusto mo ay wala na sa hulog.
pero di uubra ang gusto mo.

palakihin mo mang lalo ang mga mata mo.
patambukin mo kuno ang mga pisngi mo.
palawakin mo pa ang bokabularyo mo.
pangalandakan mo pa na ikaw ang tulay.
di uubra ang gusto mo.


Wednesday, December 10, 2014

Boljoon

From within Boljoon Church, Cebu... last post for the black and white photo challenge from Mhy.

One of the nicest travels I had so far was this solo trip in southern Cebu last year. With no plans whatsoever, I went to this town to spend the night after walking thru Argao. Boljoon is a typical small municipality in the Philippines, where pretty much the activity of the town revolves around its church, market and town plaza. Boljoon Church faces Plaza Bermejo, which was destroyed by the 2013 Bohol earthquake. 

I'm planning to be back in this quaint nice town next year.

Tuesday, December 9, 2014

chiang mai

This is my post number 4 for the black and white photo challenge. This photo was taken in Chiang Mai in October of this year, in one of my aimless walking within the walled/moated northern capital of Thailand. It was quite a tour and I'd love to be back in this lovely city.

"Follow your bliss and the universe will open doors." - Joseph Campbell


Sunday, December 7, 2014

competitive

"ay sobrang competitive? grabe!" ganitong mga hirit ang laging maririnig tungkol sa mga indibidwal na ol awt ang performance sa bawat laro, palabas, labanan at kung anu-ano pang may kinalaman sa paligsahan. maski pa nga maliitan lang ang labanan o walang premyo, may mga indibidwal pa ring ibibigay ang lahat upang manalo sa laro o anumang palabas

pero may masama ba sa pagiging competitive? may mga umiismid kasi at madalas magtaas ng kilay kapag nakaharap ng isang kumpetitib na tao. para bang kasalanan ang magbuhos ng enerhiya o atensyon sa payak na paligsahang gaya ng pinoy henyo, payabangan o maging sa simpleng charades o pictogram. nagiging katatawanan na rin ang pagiging kumpetitib kasi nga maski sa mga palarong kakarampot lamang ang premyo o wala talagang premyo, may mga indibdwal pa ring sumeseryoso sa mga palarong ito. 'yun bang gagawin pa rin ang lahat upang iuwi ang karangalang "nanalo ako!". mayroon din namang mga taong nagsasabing "laro lang 'yan" o "di ako ganyan kadesperado" upang manalo sa maliitang laro. anu't anuman, litaw ang pagsimangot ng karamihan tungkol sa pagiging competitive at mga taong kumpetitib. 

tanong naman ng marami, eh ano naman kung kumpetitib ako? wala namang masama kung seseryosohin mo ang nakaatang na trabaho sa iyo upang manalo ang iyong grupo. una, ehersisyo ito lalo na sa mga pangkatang laro, sa pagiging mainam at kapaki-pakinabang na miyembro ng isang grupo. ang kontribusyon mo kumbaga ay magiging susi sa pagkapanalo ng inyong grupo. kung isahan naman ang laro, pagkakataon mo nang hutukin ang muscle na ang tawag ay utak upang di man lang mangulelat sa paligsahan. itutulak ka ng mga larong ito upang makaisip ng istratehiya at gamitin ang kukote upang manalo sa laro. alalahaning rumurupok ang bawat muscle na di ginagamit kasama na ang ating mga utak. sa bawat laro, napapalawig ang ating pagiging malikhain, maparaan at nahahasa ang talas ng isip at katawan. higit sa lahat, katuwaan ang maliitang mga palaro at palabas. sa pagbubuhos ng atensyon dito, nagiging mainam itong salidahan ng stress o anumang presyur sa araw-araw na buhay. naaaliw ka sumandali at naaalis sa isipan ang mga bagabag na dala ng samu't saring alalahanin. at siyempre, wala naman yatang tatanggi sa premyo kapag ikaw o ang inyong grupo ang nanalo.

oo nga't may mga indibidwal namang OA na sa pagiging kumpetitib. ito ang mga taong wala na sa hulog ang mga hirit at maski iligal ay gagawin upang manalo lamang. pero hangga't nasa diwa pa rin ng mabuting gawi, katuwaan at pangkalahatang kamaraderidad, walang masama sa pagiging kumpetitib. tama lang na mangatwiran kung may di tumpak na mga regulasyon o maling desisyon ng mga organisador ng paligsahan. paligsahan ngang tinawag kaya may mananalo't matatalo. bahagi ito ng proseso. kung talo, babawi na lang sa susunod. pero kung panalo, magdiwang ngunit di dapat maging palalo.    

may anong saya kasing dulot ang pagkapanalo. aminin man o hindi, lahat ng tao ay may masidhing naising manalo sa anumang bagay, sa kabuuan ng buhay o sa maliliit na paligsahan. may premyo man sa mga larong ito o wala, sadyang taal sa bawat indibidwal na piliting makuha ang pinakamataas na premyo. ang rurok ng tagumpay ay natural na hangarin ng bawat tao. ibang klaseng galak at damdaming matayog ang dala ng katotohanang ikaw ang kahuli-hulihang taong naiwang nakatayo, na ikaw ang nanalo sa paligsahan at ikaw ang kokoronahang kampeon.

ang makamit ang unang karangalan, medalya, pinakamahal na premyo ay naisin ng bawat tao kaya nga sa kasaysayan ng tao, di na mabilang ang salungatan, labanan at digmaan. likas sa tao ang maghangad ng pinakamataas na karangalan, pinakamalaking kaharian, pinakamaraming pera o pinakamalaking premyo sa laru-larong paligsahan.

ngunit bunga ng itinimong kaugalian ng mga mananakop, tila nabaon na sa lupa ang pagkakaroon ng tukoy na pagiging kumpetitib ng maraming pinoy. mas binigyang-diin ng mga may dala ng katolisismo sa kapuluan ng pilipinas ang pagsasabuhay ng sobra-sobrang pagpapakumbaba. di raw dapat mag-asam ng kataas-taasan o pinakamalaking premyo. mas maigi raw ang mamanatag na sa simpleng pamumuhay at umiwas sa anumang karangalan. itinataas nga raw kasi ng diyos ang mga payak at pobre kaya ang dulot nito ay kawalan ng pag-aasam sa anumang karangalan o premyo. dahil dito, maraming pinoy ang walang tumpak na timpla ng pagiging competitive. para sa akin, mas maraming pinoy ang humihilig sa ispektro ng pagkakaroon ng kakaunting lebel o totalmenteng kawalan ng diwa ng kumpetitib. sabi nga ng maraming analisis, ito ang dahilan kung bakit di gaanong nananalo ang mga atletang galing sa pilipinas sa pandaigdigang mga kumpetisyon sa palakasan. kulang daw ang mga pinoy sa likas na hilig o simbuyong talunin ang lahat ng kalaban o killer instinct. masyado raw mabait at maalalahanin maski sa mga kalaban kaya nga siguro tumagal ng 300 taon ang mga espanyol sa bansa. muli, may kinalaman ito sa pagiging mapanghamon, palaban at damdaming masidhing ipaglaban ang sariling karangalan. samakatuwid, pagiging kumpetitib. 

walang masama sa pagiging competitive. kailangan lamang ng tamang timpla. ang masama ay ang pag-iisip na di pa man nagsisimula ang laro ay talo ka na. di pa man napapalo ang unang bola, sa isip mo dehado ka na agad. di pa man tumutugtog ang musika ng kalabang grupo, liyamado na sila agad kumpara sa inyo. di pa man nasusulat o naguguhit ang mga sagot at klu, iniiisip mo na agad na "wala ito, olats tayo". ang mahalaga ay ibigay ang lahat sa bawat laban, maliit man o malaki ang paligsahan, may premyo man o wala.

Saturday, December 6, 2014

august: osage county


isang masikip at payak na dalawang palapag na bahay lamang ang enggaste o tagpuan ng pagsasa-entablado ng repertory philippines ng august: osage county. wala itong masyadong palamuti. ni walang anumang aksesorya. sa kapayakan nito, madaling di mapansin ang iskeleton nito. ngunit, isa itong piping saksi sa walang patumanggang pagragasa ng mga isyu ng isang pamilya at sa pagitan ng mga kasapi nito. ang bawat seksyon nito ay ang ikatlong karakter na lalo lamang nagpatingkad sa parada ng mga personalidad na sumalo na yata ng lahat ng maaaring maisip na mga suliranin at isyu sa buhay.

sa simula pa lamang, ikinahon na ng kanyang opisina si beverly weston sa kanilang maikling kuwentuhan nila ni johnna monevata na nag-aapply bilang katulong ng pamilya. sa pagpasok ni violet weston, ang kanyang asawa, madarama ang malalim na salungatan sa pagitan ng dalawa. di na nakawala si beverly sa kanyang silid at dagli itong nawala at nagpakamatay. ito ang dahilan kung bakit kinailangan ng buong pamilyang magtipun-tipon. una upang hanapin ang bangkay ng ama ng pamilya at pangalawa, upang ihatid ito sa kanyang huling hantungan.

ang sala ang sentro ng maraming bangayan ng pamilya. saksi ito sa awayan nina violet at barbara, ang panganay na anak nina violet at beverly, pati na rin ng pagtatalo ng lahat pang mga kasapi ng pamilya. dahil sa hindi masyadong maluwag ang sala, pinatitindi ng limitadong espasyo nito ang bawat insulto, pang-aasar, asidikong mga hirit at kabuuang berbal na pananakit ng mga weston sa isa't isa.

sa hapag-kainan madalas nangyayari ang mga masasayang tagpo sa bawat pamilya. pagkain nga kasi ang pinagsasaluhan dito. ngunit hindi sa mga weston. maski ang simpleng tanghalian ay sinahugan pa rin ng bangayan at sa eksena nina violet, barbara at ivy, ang pangalawang anak ng mag-asawang weston, may kasama pa itong basagan ng plato. siyempre ang hapag ding ito ang tagpuan ng isa sa pinakamahusay na eksena ng dula. pagkatapos nilang mailibing ang labi ni beverly, nagsipag-ipon ang pamilya para sa isang tanghalian. nauwi ito sa labu-labong awayan, berbal na rambol na pangkalye at walang wawang sigawan.

mabibilang lamang sa daliri ang mga eksenang may bahid ng pagka-intimo. naging bahagi rin naman ang sala ng pagpapahayag ng damdamin nina ivy at charlie aiken, ang kasintahan ni ivy at pinsang buo. sa silid sa taas, komedi naman ang atake nina violet at mattie fae, ang nakababatang kapatid ni violet, nang asarin nila si ivy sa pagkakaroon nito ng lalaki sa kanyang buhay.

sa pagsambulat ng masidhing damdamin at awayang walang patid, ang atik pala ang magsisilbing tagasara ng malawakang tunggalian ng mga karakter. dapat sana'y pagkakataon na nilang magkaisa pagkatapos ng paglisan ni beverly at mabunyag ang mga lihim. ngunit hindi. isa-isang nagsipag-alisan ang mga kaanak ni violet. nauna nang umalis ang mag-anak nina  mattie fae, charles at little charlie.      lumayas si karen, ang bunsong anak nina violet at beverly, at kanyang kinakasama, pagkatapos magpahaging ni steve sa anak nina barbara at bill na si jean. umalis din agad sina jean at bill. sinundan pa ito ng paglisan ni ivy at pinalmente, ni barbara. naiwan si violet sa piling ni johnna, ang mismong taong ininsulto ni violet sa una pa lamang nilang pagkikita.

napanood ko ang august: osage county nina meryl streep at julia roberts. sabi ko nga, ang tuyot na setting ng pelikula ang ikatlong karakter nito. sa dula naman ng repertory philippines, ang sikip ng espasyo ang dagdag na timpla sa panglaw ng kuwento. sadyang mahuhusay ang lahat ng mga nagsipagganap sa dula. singhaba man ng trapik sa edsa kapag pasko ang kailangang kabisaduhin, walang pumalya at buo ang bawat paggalaw sa entablado base sa hinihingi ng direktor na si chris millado.

walang katulad ang medusang violet na binigyang-buhay ni baby barredo. kahit parang hirap na siya sa pagkilos at pagpanhik-panaog, litaw ang kanyang a-game bilang violet. ang kanyang violet ay natural sa paglamon sa ibang miyembro ng pamilya. dama mo ang magkahalong lungkot at pagkakasala niya dahil batid niyang ang kanyang pagka-aserbiko at kapalaluang itago ito ang dahilan ng kanilang pagkakawatak-watak. suwerte akong napanood ko pa ang isa sa pinakamahuhusay na mga aktres ng entabladong pinoy dahil madalang na siyang lumabas sa mga dula.

baligho ngang matatawag ang atake ng august: osage county. sa prusisyon ng mga problematikong karakter, talakay ng mga seryosong isyu ng adiksyon, depresyon, pagka-praning at pakikiapid, iisipin ng manonood na mayroon din itong maski malabnaw na pagkakataong maresolba. pamilya naman kasi ang pinag-uusapan, di sila iba sa isa't isa kumbaga. pero hindi. pinili ng dulang pagbukod-bukurin ang pamilya. bunga ito ng kawalan ng pagnanais na mag-usap, makipatalamitam sa isa't isa at himay-himayin ang mga isyu bilang isang mag-anak.

bilang isang miyembro ng isang pamilya, mabibigo ang manonood na makadama ng masayang damdamin. ngunit bilang isang manonood ng sining ng entablado, ibayong aliw ang madarama. ni hindi mamamalayan ninuman na tatlo't kalahating oras ang dula dahil sa husay ng mga aktor at pagsasaentablado nito. wala ngang kaparis ang talento ng mga pinoy maging sa dula ng ibang bansa. ngayon, kailangan ko namang makanood ng istoryang sinulat at isinaentablado ng mga pinoy, tungkol sa mga pinoy at ginampanan ng mga pinoy.

Wednesday, December 3, 2014

Sagada

post number three. i was nominated by mhy to post black and white photos for five days.

this photo was taken in the echo valley of sagada, mountain province. one of the nicest places i've ever been to.


I had to be up there at that crossroads last midnight...
O dad, where art thou. 
Though the road may wind, yea, your hearts grow weary, 
still shall ye follow them, even unto your salvation.
I'm not sure that's him. 
 Of course that's him. Look at him!
We gotta find some kind of wizard to change him back.



Tuesday, December 2, 2014

walkway

post number two. now on my second post for the 5-day black and white photo challenge. i was nominated by mhy to post black and white photos for 5 days... all for the love of photography. 

i called this walk the walk as this was taken in glorietta's walkway. 

In the beginning it was all black and white. - Maureen O'Hara

Monday, December 1, 2014

hutong

i was nominated by mhy to post black and white photos for 5 days. as they say, all in the love of photography! here's my first photo for this challenge. this photo was taken in beijing, in one of the existing hutongs in this gigantic chinese capital. 


Black and white are the colors of photography. 
To me they symbolize the alternatives of hope 
and despair to which mankind is forever subjected.
- Robert Frank