bahagi
na nga ng halos araw-araw na talakayan sa aydisi ang LOB o line of business,
ang mga indibidwal sa likod ng mga departamentong may kinalaman sa marketing,
sales, finance, HR at pangkalahatang management. maaaring shadow IT na ang mga
ito kung hawak nila mismo ang badyet pero kahit na wala sila nito, may malalim
silang impluwensya sa paggastos ng kumpanya sa IT. siyempre dahil na rin ito sa
pag-usbong ng mga teknolohiya sa 3rd platform (cloud, social, big
data/analytics at mobility) at mga mash-up nito.
pero
tila may mga departamento pa ring nababalot ng dilim ng nakaraan. may mga
indibidwal pa ring maski sa pagpuslit ng pagbabago sa teknolohiya, naiwan pa
rin sa sapot ng tradisyunal na papel ng kanilang departamento… tulad na lang ng
collection department ng astoria. oo nga't ang papel nila ay mangulekta at
siguruhing papasok ang pera pero dapat pa ring isaalang-alang ang tinatawag na
customer service. lahat ng kliyente ay dapat latagan ng red carpet, buong galak
na kausapin at pagbusuhan ng pasensya lalo na nga't di utang ang pinag-uusapan
dito. ni wala pa ngang napakikinabangan sa kanila kaya naman dapat magkaroon ng
tamang kaasalan lalo na nga't naturingang mataas ang posisyon.
kapag nakumpleto na ang bayarin, di ako mangingiming ipahatid ang anumang pasaring sa
babaing ito.
No comments:
Post a Comment