Tuesday, March 24, 2015

collection

bahagi na nga ng halos araw-araw na talakayan sa aydisi ang LOB o line of business, ang mga indibidwal sa likod ng mga departamentong may kinalaman sa marketing, sales, finance, HR at pangkalahatang management. maaaring shadow IT na ang mga ito kung hawak nila mismo ang badyet pero kahit na wala sila nito, may malalim silang impluwensya sa paggastos ng kumpanya sa IT. siyempre dahil na rin ito sa pag-usbong ng mga teknolohiya sa 3rd platform (cloud, social, big data/analytics at mobility) at mga mash-up nito.

pero tila may mga departamento pa ring nababalot ng dilim ng nakaraan. may mga indibidwal pa ring maski sa pagpuslit ng pagbabago sa teknolohiya, naiwan pa rin sa sapot ng tradisyunal na papel ng kanilang departamento… tulad na lang ng collection department ng astoria. oo nga't ang papel nila ay mangulekta at siguruhing papasok ang pera pero dapat pa ring isaalang-alang ang tinatawag na customer service. lahat ng kliyente ay dapat latagan ng red carpet, buong galak na kausapin at pagbusuhan ng pasensya lalo na nga't di utang ang pinag-uusapan dito. ni wala pa ngang napakikinabangan sa kanila kaya naman dapat magkaroon ng tamang kaasalan lalo na nga't naturingang mataas ang posisyon.

kapag nakumpleto na ang bayarin, di ako mangingiming ipahatid ang anumang pasaring sa babaing ito.   


No comments:

Post a Comment