Wednesday, December 30, 2015

angkor wat

simbolo ng isang lipi
malaon nang nabaon sa sipi.
ngunit muling natuklasan
salamat sa dayuhang salansan.
ngayon ay dolyares ang hatid
sa bansang dati'y nakapinid.

minsan isang ilang
nadatnan at pumainlanlang.
sa lunan ng matandang kabihasnan
at kamakailan lang ay karahasan.
dolyares pa rin ang may salita
kapalit nito'y karanasang pambalita.

o angkor wat
salamat at ika'y nasipat.
walang katulad
puno ng tanawing mapalad.
templong ikaw ang magsasawa
ngunit mananatili sa taal na pang-unawa.



No comments:

Post a Comment