isang bendor ang epson. gumagawa ito ng makinang panlimbag. lider sa palimbagan at maituturing na tagapanguna sa anumang may kinalaman sa limbagan, mapa-ink man 'yan o anupaman.
pero bakit sa landas na ito, iba ang ibig sabihin ng eps? di na nga kailangan ng malalalim metaporo pero halatang-halata ang pagpapalapad nito ng papel. nalalapit na naman ang katapusan ng buwan at dapat nang asahan ang wala sa hulog na mga hirit nito. ito ang mga hirit na di naman talaga kailangan. para lang may masabi at maramdaman ng mga tao ang kanyang nakapanghihilakbot na presensya.
ni walang anumang pinsala ang pipigil sa kanyang lason. kailan kaya siya mabubulunan ng sariling papel?
No comments:
Post a Comment