dati-rati, sobrang daming pelikulang pinoy ang mapapanood mo sa bawat linggo. di yata bababa sa 5 pelikula ang nasa sinehan kada linggo. sa bawat pagpapalit ng pelikula kada miyerkules, samu't sari ang mga ito. mapa-komedya, aksyon, drama o katatakutan, laging may bago. siyempre may mga lahuk-lahok ng iba't ibang tema, may mga aksyong matatawa ka nang di sinasadya, may mga dramang nakatatawa dahil sa banong pag-arte at may mga katatakutan ding matatawa ka kung bakit ka natakot dito.
isa sa mga pelikulang ganito ang tiyanak. bukod sa nakatatawang porma nila lotlot de leon at mga sitwasyong dapat ay maiiwasan naman, nilahukan lang naman ito ng kung anu-anong gulatan para maging horror. sayang kasi maganda ang tema ng tiyanak at pagmamahal ng ina sa namatay na anak. pero siguro ito lang ang kaya ng mga nasa likod ng pelikulang ito noong panahong ito.
kung mayroon mang isang pangsalba sa pelikula nina janice de belen at marami pang iba, ito ay ang mga eksenang nasa preym ang dakilang si mary walter. bagamat nabigo siya sa kanyang balak na patayin ang halimaw, ang kanyang pagkamatay ang natatanging haylayt ng pelikulang ito... wala nang iba pa. dapat siya na lang ang bida rito! :)
No comments:
Post a Comment