hindi
bayani si ferdinand marcos. tuldok at walang pasubali. at dahil hindi siya
bayani, hindi dapat ilagak ang bangkay nito sa pambansang libingan ng mga
bayani.
saan
ka nakakita ng isang mandarambong at diktador na ituturing na bayani at
bibigyan pa ng gliterating dapat lamang sa mararangal na anak ng bayan? saang
bansa ka makakakita ng isang diktador na nagpayaman sa sarili at nagkamal ng
kaban-kabang yaman ng bayan at ihahanay sa mga bayaning nagbuwis ng buhay sa
pangalawang digmaang pandaigdig? saan ka nakakita ng isang pangulong pinabrika
ang sariling kasaysayan upang manalo sa panguluhan, nanatili sa puwesto sa
pamamagitan ng pagsikil sa karapatang pantao ng isang buong bansa at malalagak
kasama ng mga alagad ng sining na kanyang kinitlan ng kabuhayan sa ilalim ng
kanyang rehimen?
sa
pilipinas lamang. ito ang masaklap na sagot. sa bayang sinilangan ng mga
dakilang tao at ngayon ay pinamumunuan ng isang action star na nagbabayad ng
utang na loob sa mga nagbigay ng salapi sa kanyang kandidatura… ito ang malungkot
na katotohanan. siyempre ang lahat ng ito, sampu ng biglaang pagpapawalang-sala
kay gloria arroyo, ay bahagi ng pailalim na unawaan sa pagitan ni rodrigo
duterte at ng pamilyang marcos. kapalit ng perang panggastos sa kanyang
pag-iikot sa bansa noong kampanya, ipinangako na nga ni duterte ang langit at
lupa sa mga marcos, pati na kay arroyo. ito ang pagbabagong kanyang ipinangako
sa mga pikit matang nagsipagboto sa kanya. kaya nga kwidaw ang mga tao sa likod
ng kanyang kampanya na madikit sa mga marcos at kay arroyo. nito na lamang
lumilitaw ang katotohanang hindi naiiba si duterte sa mga trapo ng bayan –
kailangan niyang magbayad ng utang na loob sa kanyang mga kaibigan at
isasantabi niya ang sentimyento ng bayan upang mapagbigyan ang mga napangakuan.
siyempre, malalim din ang ugnayan ng pamilya ni duterte sa mga marcos dahil ang
mga ito ay matagal nang sumuporta kay marcos sa kabuuan ng diktadurya at nakinabang
din naman sa rehimeng marcos.
ikinukubli
ni duterte ang kanyang pagbabayad ng utang na loob sa mga marcos sa pamamagitan
ng pangangalandakan ng pagiging sundalo ni marcos, na kesyo ito raw ay lumaban
sa mga hapon. ngunit ang pagiging sundalo ni marcos ay hindi totoo. ito ay
kumpletong pabrikasyon. walang katotohanan ang mga datos na tumutukoy sa
pagiging sundalo ng matandang marcos.
sabi
pa ng mga kaalyado (lalo na ng matalinong si manny pacquiao) ni duterte, dapat
na raw mag-move on. dapat na raw ibaon sa limot ang nakaraan… kung wala raw
pagpapatawad, di raw makatatawid sa bukas ang mga pinoy. ang pagpapatawad ay
ibinibigay sa mga taong nagsusumamo't humihingi nito. paano naman patatawarin
ang mga marcos kung maski yata balatan ng buhay ang mga ito ay patuloy pa rin
nilang pasisinungalingang sila ay nagkamal ng salapi ng bayan. patuloy nilang
kakapalan ang apog at ipagsisigawang wala silang kasalanan sa bayan. hindi
dapat patawarin ang isang taong di naman humingi ng anumang kapatawaran. kung
nais nilang mag-move on ang pilipinas, itulak nilang ilibing na ni imelda ang
yumaong asawa sa ilocos. o di kaya ay sumama na sa hukay sina imelda, imee at
bongbong.
di
man lamang inisip ni digong ang libu-libong taong naglahong parang bula noong
panahon ng diktadurya. o ang mga taong ikinulong nang walang kasalanan at
pinahirapan ng mga galamay ni marcos. wala pa rito ang pinatay at walang awang
inagawan ng karapatang mabuhay at itaguyod ang sariling pamilya. winaldas ni
marcos ang kaban ng bayan, pinaghati-hati ang mga ito sa mga kakuntsaba at
tuluyang inilugmok ang pilipinas sa kahirapan. higit sa lahat, ang
pinakamalaking kasalanan ni marcos sa sambayanan ay ang pagpapalawak ng
kurapsyon at katiwalian sa pamamahala. sa ilalim ng kanyang rehimen, naging
talamak, tuwiran at kabilaan ang suhulan at pandarambong. dahil kay marcos,
palasak na ang paglalagay at dahil nga lahat naman ay nangungurakot, ito ay
naging aktibidades ng marami sa gobyerno. ang katiwalian sa pamamahala ay isang
krimeng tila walang biktima dahil kay marcos.
ang
pagtutol sa paglilibing kay marcos sa libingan ng mga bayani ay hindi isang
maliit na bagay at dapat ipagwalang-bahala tulad ng sinasabi ng ilang
"marurunong" na senador. hindi ito basta lamang isang libingan. isa
itong institusyong itinatangi upang ibantayog ang kontribusyon ng mga
magigiting at masining. ang paglilibing kay marcos dito ay isang lalo pang pagyurak
sa mga biktima ng diktadurya. sa kahit anumang porma pa tingnan, ang kamay ni
marcos ay puno ng dugo ng mga pinagpapatay at pinahirapan sa ilalim ng kanyang
makasariling rehimen. dito pa lang, di na dapat pang pagtalunan kung nararapat
siyang ilibing dito o hindi.
sana'y
mag-isip-isip si duterte. hindi dahil hawak na ang kapangyarihan ay mag-aala
donald trump at basta na lamang magpapasya nang walang anumang pagtalima sa
boses ng bayan. hindi maaaring iinsultuhin mo ang isang grupo sa pamamagitan ng
pabalang na pananalita at manghihingi na lamang ng paumanhin kapag
nahimasmasan.
hindi bayani si marcos. wala itong anumang dangal na dapat maghatis sa kanya sa libingan ng mga bayani. hindi bayani si ferdinand marcos.
No comments:
Post a Comment