isandaan at
tatlumpu't lima… ang kabuuan sa pagtatapos ng dalawang libo't labing-anim. animnapu
na rin ang naipon sa loob ng dalawampu't siyam na lunan. dapat ipagbunyi! hahaha!
malayo sa hinagap ang
mga ito. huli na nang magsimula at dadalawa lamang ito sa katapusan ng dalawang
libo't sampu. umakyat sa siyam noong dalawang libo't labing-isa. umalagwa,
tumugatog at nananatiling pinakamataas ang tatlumpu't apat sa dalawang libo't
labindalawa. may bahagyang pagbaba sa dalawampu't lima noong dalawang libo't
labingtatlo at nabawasan pa ito noong dalawang libo't labing-apat sa dalawampu.
bumawi naman noong dalawang libo't labinglima sa dalawampu't anim. at nito
ngang dalawang libo't labing-anim, labingsiyam lamang ang kinahinatnan.
ang higit na
nakalulugod, may bagong walo na dumagdag sa talaan noong dalawang libo't
labing-anim. sa loob ng isandaan at tatlumpu't lima, may apat na naulit ng dalawang
pagkakataon, dalawang dumaluhong ng tatlo at isang walo ang kawisikan. dalawa ang
namukod-tangi sa dami, isang mukhang madaragdagan pa sa kasalukuyan nitong
tatlumpu at ang isang napinid na noong dalawang libo't labingtatlo sa
tatlumpu't dalawa.
sa mga bagay na may
kinalaman sa pamilang, ito ang mga nais mong lalong maging mataas. higit pang
dumami sana. nawa'y madagdagan pa. yumabong. at maghatid pa ng ibayong lugod sa
kabuuan ng sangkatauhan.
tala, bilang pa tayo.
No comments:
Post a Comment