Saturday, July 1, 2017

fontana

fontana. de trevi. bumabalong sa kaligayahan. bumenta ng todo. ika-27 ng hulyo, 2014. nawala sumaglit at bumalik noong hulyo ng sumunod na taon.

fontaine. joan. tuloy-tuloy na. bawat piraso ng pilak ay ibayo ang halaga sa loob ng 35 kaban. minsan ay dalawang beses pero naging isa na lamang. abala rin sa ibang mga bagay.

fântână. pizza. sabaw, may sabaw. o kaya ay club sandwich. o di naman ay inihaw na manok. o kaya ay pancit. maaari rin ang anumang ginulay. di mahilig sa inumin. lomi o kaya hototay pero unang naispatan ang sotanghon.  

fontein. curacao. malapit sa tulay. pero malayo rin kung lalakarin. nasa banda ng bagong bayan, pero malapit sa nagdudugtong sa bago at lumang bayan. may nagbebenta ng squid ball sa baba at madalas ay dumadaan muna sa 7-11 para sa laklakin.

fontän. up there. matindi noong humagupit ang habagat. walang masakyan. halos 3 oras bago makarating sa paroroonan. sumuong sa ulan, lumusong sa baha, naghintay ng masasakyan, lumakad, tumakbo, tumayo nang matagal, nakipagsiksikan sa dyip, tumawid sa tulay at lumakad nang pagkahaba-haba.

fonte. alla fiorentina. hanggang magtagpo sa panulukan. sa gitna ng mahabang kalsada. kakatagpuin daw kasi dahil nga sa pinagdaaanan. ayun, naparami ang asukal, dumagdag ang panutsa, pati na ang honey, arnibal at gatas na kondensada.

fuente. la fama. ispiking ang tikid sa kada sulakan. matayog, avermelhado, kaputian, at lalong kaputian ang mleko. lagpas-leeg ito sa bawat buga at umaatikabo rin ang nipnip at hugpungan ng mga kanipisan.

fontanna. musika. larawang hindi kupas. ay matindi ito! malinaw pa sa sikat ng araw. di na mabilang ang kaptura ng tikid at kabuuan.

fontene. agos. katatawanan. usapan sa mga pelikula, sa buhay, sa mga buwanang bayarin at sa kung anu-ano pa.

fons. latin. hindi… tila hindi ito matutulad sa latin. mukhang magpapatuloy pa ito. maigi pa naman. marami pang saya ang idinudulot. may aabangan pa.  

No comments:

Post a Comment