Arashiyama Bamboo Forest, Kyoto, Japan.
June 2017.
Wednesday, April 25, 2018
Monday, April 23, 2018
Sunday, April 22, 2018
Saturday, April 21, 2018
Wednesday, April 18, 2018
Tuesday, April 17, 2018
Saturday, April 14, 2018
Tiamban Beach
tiamban beach
ang una kong destinasyon nang magsimula ang paglilibot sa romblon, romblon. bukod
sa tatlong tagapangalaga ng resort, kami lang ni kuya joseph, ang aking
butihing traysikel drayber at tour guide, ang nasa tiamban. ni walang mga
tagaroon ang nasa lugar na ito. siguro kasi ay maaga pa… wala pa yatang alas-8
ng umaga nang dumating ako sa tiamban.
may entrance
fee rito. maayos ang lugar at malinis ang paligid. pino rin ang buhangin dito,
maputi at pagdating ko, kinakalahig pa ng mga tagaroon ang kahabaan ng
buhanginan upang alisin ang mga dawag ng nagdaang gabi o mga tuyong dahoon mula
sa mga puno.
maikli
lamang ang inilagi ko sa beach na ito dahil masyadong mababaw ang tubig dito.
medyo matinik din ang ilalim ng dalampasigan nito kaya di ako gaanong
nakalanguy-langoy. binawi naman ito ng sangkatutak na piktyur! habang tumataas
kasi ang araw ay tila lalong nagiging matingkad ang kaputian ng buhanginan ng
tiamban. kaya naman medyo naghintay ako upang mai-set ang phone ko at kumuha ng
sangkatutak na larawan ng magandang lugar na ito.
balik tayo
sa romblon!
give up
These are the 15 things one should give up to be happy, according to Luminita D. Saviuc:
1. Give up your need to always be
right
2. Give up your need for control
3. Give up on blame
4. Give up your self-defeating
self-talk
5. Give up your limiting beliefs
6. Give up complaining
7. Give up the luxury of criticism
8. Give up your need to impress others
9. Give up your resistance to change
10. Give up labels
11. Give up on your fears
12. Give up your excuses
13. Give up the past
14. Give up attachment
15. Give up living your life to other
people’s expectations.
Friday, April 13, 2018
Thursday, April 12, 2018
saradong boracay
tulad ng
napakaraming hakbang ng gobyernong duterte, wala ring anumang malawakang plano
ang pangulo ng 16 na milyong pilipino. ni wala itong kinausap o kinunsidera sa
isa na namang harabas na hakbang. isa na naman itong panggogoyo sa mga tao
upang mapagtakpan ang maraming kapalpakan ng kanyang administrasyon tulad ng
pagpapawalang-sala sa mga druglord na umamin na ngang sila ay sangkot sa droga
at marami pang iba.
kaparis ng
istilo sa lahat na halos na ginawa nito, nagsimula ito sa diumano’y pagkakaalam
ng pangulo sa mabahong white beach. siyempre pa, sabi-sabi lang ito dahil hindi
naman talaga tumungo si rodrigo duterte sa boracay. nagbigay umano ito ng utos
na linisin ang boracay sa loob ng anim na buwan, kung hindi ay ipasasara niya
ito. sinabi rin daw ng kanyang mga tauhan na malabong malinis ang boracay sa
maikling panahon dahil sangkaterba ang kailangang gawin at sandamukal ang
nakaasa rito kung ipasasara ito. kamukat-mukat ng sambayanan, bigla na lang
nagbigay ng utos ang presidente na ipasasara na ang boracay.
walang
anumang plano o anumang papel na nagsasaad ng malawakang salaysay sa maraming
bagay tulad ng saan manggagaling ang ikabubuhay ng mga naghahanapbuhay sa isla
o kung paanong aayudahan ang mga negosyante at mamumuhunan, lalo na ang
maliliit na negosyo. higit pang nakababahala, malaking bahagdan ng mga
negosyong nasa boracay ay sumusunod sa patakarang pangkalikasan ngunit lahat
sila ay damay sa biglaan at walang anu-anong pagpapasara sa isla. tandaan nating
higit sa PHP 56 bilyon ang ipinapasok ng boracay sa lokal na ekonomiya kaya
hindi dapat ura-uradang ipasara ang isla dahil lamang sa klamor ng mga bulag na
tagasunod ni duterte na tunay na papalakpak sa palpak na namang hakbang na ito.
oo nga’t
maigi ang pagpapalinis ng isla upang pangalagaan ito at patuloy na maging
kaaya-aya sa ating mga pilipino at sa mga turistang taun-taon ay dumarayo rito.
pero hindi maaaring walang balangkas kung paano sasawatain ang mga lumabag at
nagsamantala sa isla, paano tutulungan ang mga mawawalan ng trabaho, paano
isasaayos ang mga bambang, kanal at salidahan ng maruruming tubig o paano
palalawakin ang drenahe ng buong isla. ang pinakamahalaga ay ang pagkakaroon ng
malinaw na timeline para sa lahat ng aktibidades upang irehabilita ang isla.
malinaw na
isa na namang itong pasabog ng administrasyong duterte upang ilihis ang interes
at pokus ng publiko sa sunod-sunod na aberya at kapalpakan ng mga tauhan at
mismong ni duterte. makukuha nga naman ang simpatya ng publiko dahil mabuti naman
ang intensyon – ang pagsasaayos ng isla. ngunit lingid sa kaalaman ng maraming
tagasunod ni duterte ang tunay na dahilan ng paglilinis kuno ng isla. ang
pagpapasara rito ay upang tahimik na makapasok ang mga mamumuhanang intsik na
magtatayo ng di lamang dalawa kundi ng maraming pasugalan at casino sa isla.
walang balak ang mga ito na mangalaga sa kalikasan ngunit nais nilang makuha
ang malaking merkado ng isla upang ang mga ito’y hikayating magsugal sa
kanilang mga casino. ang tunay na intensyon ni duterte ay sarhan ang boracay upang
sa dilim at katahimikan ng isla ay madaling makapagtayo ng establisyemento ang
kanyang mga kasapakat. sa gayon, gawing malaking pasugalan ang isla.
siyempre,
bahagi ito ng malawakang demanda ng china sa kanilang “pagtulong” kuno sa
pilipinas. buksan at angkinin ang mga isla, payagan ang mga may-ari ng casino
na magtayo ng pasugalan sa pilipinas nang walang gaanong pahirapan sa permit at
lisensya, hayaang maghari ang mga tsinong mamumuhunan sa pilipinas, maging ang mga sangkot sa paggawa ng droga ay di dapat hulihin at ikulong sa kulungan sa pilipinas, at ariin ang lahat ng maaaring makamkam sa pilipinas. tutal nga
naman, humahalik na sa kanilang palad at puwet ang tinaguriang “matapang” na
pinoy ngunit bahag naman ang buntot sa mga intsik at dagling sisipsip sa mga
ito.
hay naku,
ilang taon pa ang ganitong istilo ng pamamalakad ni duterte – magmumura,
magsisisigaw sa midya, magyayabang, lulunok ng dura ng tsina, mang-aaway at
manghihiya ng kababaihan, maghihiganti sa mga bumabatikos, magsasabi ng mga
pabalang at ipaliliwanag ng mga kasapakat, magkakalat ng fake news at
ibibintang sa mga tagamidya, gagawa ng ura-uradang hakbang at walang anumang
malawakang plano, mang-aaway ng mga pandaigdigang tagamasid at pangangalagaan
ang mga kakampi, lalo na ang mga namuhunan sa kanyang kandidatura. at lahat ng
ito, kahit walang anumang kongretong nagagawa sa loob ng halos dalawang taon,
ay ipagbubunyi ng kanyang mga panatikong tagasunod.
nawa’y
magising na ang mga ito sa katotohanan – walang anumang plano si duterte
para sa pilipinas. nada.
Wednesday, April 11, 2018
uptown
nagawi kami minsan sa uptown, BGC. alam ng marami na ito ay lugar ng gimikan, hapi-hapi at kainan. pero di talaga kami nagpunta sa lugar na ito upang gumimik. hinahanap namin ang nag-iisang simbahan sa BGC. bukod kasi sa araw ng mga puso noon, miyerkules de senisa rin. nais naming sumumpong ng banal na misa at magpapahid na rin ng abo. nagawa naman namin ito.
pabalik sa 32nd, napadaan kaming muli sa hilera ng mga kainan sa uptown. di naman kami kumain dito, kundi naglakad-lakad lamang sa paligid... lalo na nga at ito ay pinalamutian ng maraming parol sa pagdiriwang ng bagong taon ng mga tsino. parang bata ang mga tao sa katitingala sa makukulay at kumukuti-kutitap na mga parol na ito. at dahil milenyal na ang pag-iisip, kanya-kanya ring selfie ang mga tao, posing at di magkamayaw sa kakiklik at slayd sa kani-kanilang mga smartphone.
lake ashi
kapag nasa biyahe o anumang lakad ako, isa sa pinakainaabangan ko ay maka-spot ng mga nakatutuwang eksena sa bawat lungsod o bayan na aking napupuntahan. kahit anong kakaiba o nakakikilig, lalo na ang mga kakatwa, kailangang mapiktyuran ko ang mga ito. siyempre, maging ang mga tagos sa damdaming mga eksenang titimo sa iyong isipa'y dapat na makunan ng litrato. kaya naman dapat laging handa ang aking telepono o ang aking mumurahing digicam!
isa ang aming biyaheng japan sa mga lakbay na maraming snapshot ng mga ganito. mula sa hakone, sumakay kami ng tren paakyat sa gora, japan. mula rito, nag-cable car upang masulyapan si fuji-san. nakita ko ang bundok ng sulfur mula rito at nag-bus ulit patungong lake ashi. mula rito, sumakay kami ng bapor upang malakbay ang lake ashi at makita ang hakone shrine. mahaba-haba rin ang aming nilakbay para makarating sa kabilang pampang ng lake ashi at nang makarating ay naglakad-lakad upang makapagpapiktyur sa shinto gate ng hakone.
pabalik sa pier, naispatan ko ang dalawang lolo na ito. mukhang malalim ang kanilang mahinang pag-iistoryahan. may kung anong taimtim na pagtatalamitam ang dalawa at banaag ito sa malayong pagtanaw sa kalawakan ng lawa ng ashi. kahit na nga tanghaling tapat at mataas na ang arawa, matagal ang pag-upo ng dalawang matanda at di ko ito pinalampas! pasimpleng tumayo sa kanilang likuran, kumuha ng magandang anggulo, kaunting paghilig sa kanan, at nakuha na ang mga larawan.
marami ang sinasabi ng larawang ito. maaaring pananariwa ng nakaraan o di kaya ay pagbabalik ng mga masasakit na karanasan. maaari rin namang nagkasumpungan lamang ang dalawa at naisip na maghuntahan sumandali o binalak talaga nilang magkita at umistambay sa nakahahalinang kapayapaang dulot ng lawa ng ashi. anu't anuman, maski ako ay nakatagpo rin ng aliwalas at panatag na damdamin dahil sa tanawing ito.
sabi nga ni varys, "friends are such important part of life."
inihaw
may kung anong linamnam
may di maipaliwanag na saya sa kalamnan.
inihaw na isaw
barbikyung sa baga inihaw.
di ka mahindian
di ka maaaring malampasan.
may dulot na saya't tuwa
may panghalinang di maitatatwa.
tainga at mukhang pinalutong
isaw ng baboy na bahagyang tutong.
pinarisan ng maanghang na suka
sawsawang tiyak sa puka.
hahayo pa rin mausok man sa ihawan
o maraming tao sa pilahan.
isaw ng manok na talaga namang karutong
higit na mainam kung may sukang paombong.
ngunit hinay-hinay sa inihaw
di ito parang pamahaw
na sa tuwina o araw-araw
dapat maging palahaw.
may di maipaliwanag na saya sa kalamnan.
inihaw na isaw
barbikyung sa baga inihaw.
di ka mahindian
di ka maaaring malampasan.
may dulot na saya't tuwa
may panghalinang di maitatatwa.
tainga at mukhang pinalutong
isaw ng baboy na bahagyang tutong.
pinarisan ng maanghang na suka
sawsawang tiyak sa puka.
hahayo pa rin mausok man sa ihawan
o maraming tao sa pilahan.
isaw ng manok na talaga namang karutong
higit na mainam kung may sukang paombong.
ngunit hinay-hinay sa inihaw
di ito parang pamahaw
na sa tuwina o araw-araw
dapat maging palahaw.
grand hyatt
iba rin talaga ang tanawin mula sa mataas na gusali! mula ito sa taas ng bagong gawang grand hyatt hotel sa BGC, nang minsan akong maimbitahang magtingin ng kanilang mga kuwarto at bulwagan.
sa taas na ito, higit na malawak ang maaabot ng ating paningin. at dahil dito, maging ang masukal at masikip na lungsod ay nagiging isang maringal na tanawin. natatabunan ng lawak ang anumang dumi o saligutgot ng malaking kalunsuran. ang nananatili sa mata ninuman ay ang bughaw na ulap, matatayog na gusali, ang ilog na humahati sa mga lungsod at ang samu't saring mga kulay na tila mga buhay na kasapi ng lipunan.
oo nga pala, ang grand hyatt hotel daw ang nagpasara ng "butas", ang literal na butas ng pader na nagdurugtong sa BGC at isang barangay ng makati. ang butas na ito ay nagsilbing terminal ng mga traysikel na bumibiyahe sa guadalupe patungong gilid ng BGC. wala na ito dahil di raw kaaya-aya ang tanawing ito, ayon sa grand hyatt hotel, gayong may magara at primyum na hotel malapit lamang sa terminal. malayo na tuloy lalo ang nilalakad ng mga nagtatrabaho sa BGC at nabawasan ang kita ng mga drayber ng traysikel sa makati.
Tuesday, April 10, 2018
chiz curls
chiz curls, chiz curls!!
together with other all time favorites such as pompoms, ET, lechon manok, chiz curls is definitely one of the best snacks ever!
158
at patuloy nga ang pagdagdag.
kamakailan lang ay mabibilang lang sa mga kamay.
ngunit ngayon ay umabot na sa bilang na ito.
tig-iisa sa islang nakaharap sa pasipiko, sa matandang siyudad at sunda.
12 sa dinaraanan ng mahigit 10 milyong katao araw-araw.
19 sa pinagtagni-tagning mga lansangan ng mga rama.
42 sa panulukan ng magandang araw at dating pangulo.
82 sa primerong kalunsuran.
kailangang itara at tarahan bawat isa.
68 na nga.
dagdagan pa siguro.
kamakailan lang ay mabibilang lang sa mga kamay.
ngunit ngayon ay umabot na sa bilang na ito.
tig-iisa sa islang nakaharap sa pasipiko, sa matandang siyudad at sunda.
12 sa dinaraanan ng mahigit 10 milyong katao araw-araw.
19 sa pinagtagni-tagning mga lansangan ng mga rama.
42 sa panulukan ng magandang araw at dating pangulo.
82 sa primerong kalunsuran.
kailangang itara at tarahan bawat isa.
68 na nga.
dagdagan pa siguro.
Saturday, April 7, 2018
klip
sa haba na ng panahong gumugulong ang blog na ito, ngayon lamang na wala pa halos nakasulat o naka-post dito. abril na pero tatatlo pa lang ang narito. anong mayroon? o anong wala sa mga araw na ito?
di tipikal na wala ni anuman ang mayroon dito. haha! maski patawa, klip mula sa youtube o di kaya ay kopya ng magandang sulatin. tiyak na mailalagay ko 'yang mga 'yan dito. pero nitong nagdaang tatlong buwan, ni wala masyado. tungkol lamang sa call me by your name ang nailagay ko rito.
siguro kasi'y maraming isipin nitong mga nakaraang buwan. maraming kailangang gawin at pagtuunan ng pansin. marami-rami ring puntahan. may mga lingguhang kitaan at aktibidades. may arawang trabaho siyempre. may iba pang mga interes. at marami talagang gawain.
nitong mga nakaraang buwan, nabawasan na rin ang pagpe-facebook ko. di na gaanong singdalas ang pagtungo rito. sa pagitan pa ng enero at marso, ni walang anumang aktibiti rito. nakapapagod kasi ang malatalipapang himpapawid doon.
pero tuloy naman ang iba pa. nariyan pa rin ang twitter para sa balita at opinyon. at siyempre ang instagram para sa mga piktyur at piktyur!
dumaan lamang muli dahil mahaba ang wikend na ito. bakit nga naman di tayo magsulat ng isang post? malay mo, tuloy-tuloy na ulit pagkatapos nito.
hapi long wikend!