Wednesday, April 11, 2018

grand hyatt

iba rin talaga ang tanawin mula sa mataas na gusali! mula ito sa taas ng bagong gawang grand hyatt hotel sa BGC, nang minsan akong maimbitahang magtingin ng kanilang mga kuwarto at bulwagan.

sa taas na ito, higit na malawak ang maaabot ng ating paningin. at dahil dito, maging ang masukal at masikip na lungsod ay nagiging isang maringal na tanawin. natatabunan ng lawak ang anumang dumi o saligutgot ng malaking kalunsuran. ang nananatili sa mata ninuman ay ang bughaw na ulap, matatayog na gusali, ang ilog na humahati sa mga lungsod at ang samu't saring mga kulay na tila mga buhay na kasapi ng lipunan. 


oo nga pala, ang grand hyatt hotel daw ang nagpasara ng "butas", ang literal na butas ng pader na nagdurugtong sa BGC at isang barangay ng makati. ang butas na ito ay nagsilbing terminal ng mga traysikel na bumibiyahe sa guadalupe patungong gilid ng BGC. wala na ito dahil di raw kaaya-aya ang tanawing ito, ayon sa grand hyatt hotel, gayong may magara at primyum na hotel malapit lamang sa terminal. malayo na  tuloy lalo ang nilalakad ng mga nagtatrabaho sa BGC at nabawasan ang kita ng mga drayber ng traysikel sa makati.

No comments:

Post a Comment