Friday, May 25, 2018

ayala avenue

minsan isang araw
aktwali madaling araw
malaon nang dilim ang nangibabaw
at ilang oras na lang at araw na'y susungaw.

sa kahabaan ng ayala
sa sentro ng pera't paglalala
kung saan lahat ng tao'y abala
maging disoras ng gabi sa maraming inaalala.

tumayo ako at naghintay
maaaring taksi o grab o bus na alalay
sa pag-uwi't paglalakbay
nang aking tahanan ay matunghay.

ngunit inabot na ng disoras ng gabi
wala pa ring anumang pasabi
ang grab kung ako'y may naisantabi
mukhang ako'y lalakad nang pahikbi.

ewan ko ba, pahirapan ang pagsumpong ng sasakyan
matagal na pagbubuk bago mabigyan
maghihintay nang matagal bago mabiyayaan
masusubukan ang pasensya, bigo pa ring may masakyan.

buti na lang ay may taksing sa harap ay huminto
pagkaraan ng aking pagkaway at pagpupunto
mumuwestra ka kasing malapit lamang ang patunto
bago pa may maawa at isakay ang isang ito.

nakauwi na rin sa wakas
tagal din ng aking pagtayong binakas
paubos na rin ang inipong lakas
dahil sa nakapapagal na mga pahimakas.


No comments:

Post a Comment