madaling
araw nagpatalakad
halos
nais nang magpakaladkad
matapos
lamang ang kalalakad
balot
ang umaga ng lamig
saklob
ng init ng araw ang daigdig
mapang-api
ang init sa taligtig
walang
masulukan ang tigatig
kanyang
daraanang hinatag
may
paakyat at patag
may
matarik at balagbag
pareho
lang ang dulot na tagtag
talahib
at damo lamang ang tanawin
batong
pino at sinlalaki ng kalawin
ibo’t
insekto minsan sa panawin
ngunit
madalang pa sa lipad ng lawin
puro
lakad at may kaunting gapang
ni
walang mamasid na pangpang
o
di kaya’y kakaibang kalumpang
nasa
isip ay pagkaing masasagpang
pagal
na pagal
ubos
na ang pangrarugal
hingal
na hingal
malasin
ang malalim na atungal
di
na uulit
wala
nang muli pang pupuslit
sapat
na ang pagsusulit
ng
tapulao na mahaklit.
No comments:
Post a Comment