Thursday, October 11, 2018

minatamis na saging

umaatikabong sarap
nag-uumalsang kasiyahan
lalo pang umiigting na katamisan.

anumang lumbay ng hapon 
nagkakandarapa mang makatapos ng gawain
o marami pang iniisip.

basta mayroon nito
matamis, malamig at malinamnam
minatamis na saging at sago.

ayos ang buto-buto
malagihay ang buong maghapon
salamat po!

No comments:

Post a Comment