Thursday, August 2, 2018

dame maggie

the lovely, the great maggie smith in 1962's evening standard drama awards!

i really have nothing to say. 
i can't speak in public. 
i've done it once before at a function and it was absolute disaster. 
- dame maggie smith






Wednesday, August 1, 2018

bonifacio high street

minsan isang gabi
sa bonifacio high street

mahangi't malamig ang simoy ng hangin
matao't abala ang pasyalan

pami-pamilya't magkakaibigan
pati na ang mga magkakaopisina

pagkatapos kumain sa japan-japan
lakad sa kahabaan nito

at nasumpungan ang tingkad 
at panghalina ng buwan

tila isa itong malaking bituin
na nagbibigay-ilaw sa kalawakan

ngunit malapit ito, hindi malayo
di tulad ng dambuhalang mga bituin

nagbadya ito ng pahinga 
mula sa mahabang mga linggo

inihatid nito ang magandang isipin
na tigilan muna ang kaiiisip at magpahinga

salamat sa iyong pagsungaw
payapa ng damdamin ang iyong dulot.

streetfood

cities with the best streetfood!


Tuesday, July 31, 2018

serena

this is by far one of the worst losses of serena williams' brilliant career... losing 6-1, 6-0 to johanna konta in san jose, california. serena was spraying shots and was one step short on majority of her attempst. she should be ok before US open.


Saturday, July 28, 2018

desso cafe

mabilis lang ito
ni wala pang isang taon
bigla na lang matatapos
ang ating pagsasama.

halos tatlong beses kada linggo
narito ako, lagi 'yun
walang pinipiling araw
lunes man o biyernes.

madalas ay hazelnut latte
o kaya naman ay chai o matcha tea
puwede ring strawberry frap 
at saka 'yung tubig sa paper cup.

kumain dito ng breakfast platter
at maraming tinapay
pero paborito ang grain creamcheese
at kanilang clubhouse sandwich.

tapos isang martes
naulinigan na magsasara na raw
may kaunting silang pagtatalo 
at hanggang biyernes na nga lang daw.

ok dito, tahimik at nakapagtatrabaho ako
kahit nasasaulo ko na ang mga koreanong kanta
payapa kasi at di gaanong tao
at malapit sa aking bahay.

hanggang sa susunod, desso.

Thursday, July 26, 2018

tapulao

walang katapusang paglalakad
madaling araw nagpatalakad
halos nais nang magpakaladkad
matapos lamang ang kalalakad

balot ang umaga ng lamig
saklob ng init ng araw ang daigdig
mapang-api ang init sa taligtig
walang masulukan ang tigatig

kanyang daraanang hinatag
may paakyat at patag
may matarik at balagbag
pareho lang ang dulot na tagtag

talahib at damo lamang ang tanawin
batong pino at sinlalaki ng kalawin
ibo’t insekto minsan sa panawin
ngunit madalang pa sa lipad ng lawin

puro lakad at may kaunting gapang
ni walang mamasid na pangpang
o di kaya’y kakaibang kalumpang
nasa isip ay pagkaing masasagpang

pagal na pagal
ubos na ang pangrarugal
hingal na hingal
malasin ang malalim na atungal

di na uulit
wala nang muli pang pupuslit
sapat na ang pagsusulit
ng tapulao na mahaklit.

Wednesday, July 25, 2018

tiwali

buhong
ganid
mamamatay-tao
magnanakaw
mandarambong
sugarol
walang wawa
mayabang
bastos
mandaraya
nasusuhulan
drogador
tongpats
may dungis
maanomalya
kotong
walang dangal
di kagalang-galang
tiwali.

alin, alin ang naiba?
wala.
pare-pareho lang silang apat.

chicharong bulaklak

sa teresita's ng san fernando
sa ibaba ng landmark makati
sa may sulok ng fudkort nito.

doon matatagpuan ang masarap
doon itinitinda ang malutong
doon mayroon nitong chicharong bulaklak.

wala ni anong sahog
wala ring sarsa ni mang tomas
wala itong kahit ano.

chicharong bulaklak at kanin
chicharong bulaklak at sukang matamis
chicharong bulaklak at ikaw.

di dapat chicharon para sa hapunan
di dapat mamantika
di dapat puro prito.

pero masarap kasi
pero talagang nang-aanyaya
pero heto na kasi siya.

o chicharong bulaklak
o chicharong bulaklak
o chicharong bulaklak.


Tuesday, July 24, 2018

Monday, July 23, 2018

Saturday, July 21, 2018

lady bird

fantastic. great. one of the best. saoirse ronan, laurie metcalf and beanie feldstein. greta gerwig. lady bird.



We don’t have to be constantly entertaining ourselves, do we? – Mrs. McPherson

The way you work or the way you don’t work, you’re not even worth the state tuition. – Mrs. McPherson

Don’t be a Republican. – Lady Bird

I gave it to myself. It’s given to me by me. – Lady Bird

It’s not important to be right. It’s only important to be true. – Fr. Leviatch

Six inches for the Holy Spirit. – Sr. Sarah Joan

It’s normal to not touch a penis. – Lady Bird

Well, you can’t be scary and warm. – Lady Bird

I don’t like money so I’m trying to live by bartering. – Kyle

Money is not life’s report card. – Mrs. McPherson

Being successful doesn’t mean anything in and of itself. It just means your successful. – Mrs. McPherson

We deflowered each other. We have each other’s flowers. – Lady Bird

You’re gonna have so much unspecial sex in your life. – Kyle

Different things can be sad. It’s not all war. – Lady Bird

Don’t you think they are the same thing – love and attention? – Sr. Sarah Joan

What if this is the best version? – Lady Bird

Some people are not built happy, you know. – Julie

People made so much noise in the movies. But it’s really not a big thing. You can totally be quiet doing it. – Lady Bird

I’m so sorry I wanted more. – Lady Bird