Monday, May 18, 2015
Sunday, May 17, 2015
Cagbalete
rappler listed it as one of the best beaches in the philippines for barefoot walking. and i agree. sand is not as fine as other beaches in the country but it's still one of the best... especially as it is just 4 hours away from manila. lukewarm water and not too crowded when we got there. more on cagbalete soon!
Pahiyas
my second time enjoying pahiyas festival and just like last year's, it was a blast! thanks to the rejano family.
Thursday, May 7, 2015
poke
poke, raw salad served as an appetizer in hawaiian cuisine. pokē is the hawaiian verb for "section" or "to slice or cut".
one of the best salads out there = mad mark's poke salad with tuna sashimi. happy thursday!
one of the best salads out there = mad mark's poke salad with tuna sashimi. happy thursday!
Wednesday, May 6, 2015
Tuesday, May 5, 2015
Thursday, April 30, 2015
pacman
wala
naman talaga akong pakialam sa boksing. ito ang isa sa mga isports na di ko
inaabangan at di talaga pinapansin. maski na nga si manny pacquiao pa ang may
laban. para kasi sa akin, 'pag may laban si pacquiao… may mahabang parada ng
patalastas sa TV, may pelikula itong katapat sa kalabang istasyon at
napakaluwag ng mga kalsada. sabi pa nga ng iba, wala raw krimen. kaya kung para
lang sa dalawang huli, sige na nga... sana'y laging may laban si pacman.
di
nga kasi ako fan. sangkatutak pang mga pagmemenos sa sarili ang ginawa ni manny.
sumabak sa pelikula kahit di marunong umarte. nagpulitika kahit walang
karanasan dito. at siyempre, naki-PBA pa kahit di magaling sa basketbol. para
sa akin, di naman niya kailangang gawin pa ang mga ito. sementado na ang
kanyang pangalan sa liga ng mga pinoy na panghabambuhay na ang dangal dahil sa
karangalang inihatid sa bansa mula sa kanyang mga panalo sa boksing. ok na
'yun. kung bakit ba kasi nagsusumiksik pa kasi sa kung anu-anong kabaduyan.
pero
sa kabila ng mga ito, nais kong manalo si pacman sa kanyang laban sa hambog na
si floyd mayweather jr. gusto kong makitang bugbog ang kano at kay pacman ang
itataas na mga kamao sa ere. 47-1 na dapat ang rekord ng kano pagkaraan ng
laban. suntok at panalo para kay manny!
Wednesday, April 29, 2015
Tuesday, April 28, 2015
fast and furious 7
walang
puwang ang lohika. di ka dapat maghanap ng tuwirang katwiran o anumang rason.
ni di ka dapat umasang may reyalismo kapag pinanood mo ang alin mang patak ng
fast and furious 7.
abalang-abala
ang mga gumawa nito sa pagpapasabog ng mga kotse at makapigil-hiningang mga
habulan at aksyon. ok lang ito. siyempre ito naman talaga ang pambenta. pero
binahiran man lang sana ito ng konting katumpakan. kahit kaunti lang. pero wala
talaga eh. biglang naging martial arts expert si ludacris at ang buong grupo ay
pinagkatiwalaan bilang mga super agent. napuruhan si the rock, sinemento ang
braso pero isang banat lang pala ang kailangan para wasakin ang bendang may
semento. nakorner si vin diesel sa gilid ng talampas, bumuwelta lang ito at
pinatalon ang kotse sa bangin… pagbagsak ng kotse, lumabas ito at ni wala man
lang galos! kung ang isang makapangyarihang istari na tulad ni gandalf ay di
basta-basta lumilitaw para makarating sa isang lokasyon, si jason statham ay hindi.
may kakayahan itong bigla na lang lumitaw sa anumang lokasyon, anumang oras o
saan mang panig ng mundo. sa haba ng pakikipaglaban ng grupo kay statham, di pa
rin ito napatay at ikinulong na parang si magneto. ipinarachute ang mga kotse
at himalang nakalanding ang mga ito nang walang anumang wasak.
ang
tanging magandang idinagdag ay si kurt russell at ang kanyang mr. nobody,
bilang lider ng undercover team ang pinaka-cool na karakter dito. bukod sa madamdaming
pagpapaalam kay paul walker, wala nang ibang positibong iiwan ang pelikulang
ito.
nanghinayang
ako sa napanalunan kong libreng tiket. kung bakit ba kasi dito ko pa ginamit
'yung tiket eh… pang-bus na pelikula lang naman ang fast and furious 7.
Monday, April 27, 2015
Subscribe to:
Posts (Atom)










